P21

1.8K 56 12
                                    




"I'll stop if you marry me instead," aniya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ang puso kong lumabas sa sarili kong katawan, nasisiguro kong wala na ito ngayon sa kung nasan ito.

Gusto kong isigaw sa kaniya ang katagang "nahihibang kana ba?!".

Hindi ba talaga niya naiintindihan ang sitwasyon? Kahit bigyan moko ng maraming label sa aking harapan tungkol sa kung anong papel ko sa buhay niya, dadamputin at dadamputin ko parin ang label na may nakasulat na 'kapatid' dahil doon lang ako. Doon lang dapat kami.

Gusto kong makiusap na, sana'y wag na naming itulak ang mali, dahil kahit gaano ko pa kakilala ang sarili ko, kahit gaano ko pa alam sa sarili ko na tatanggihan ko, pwedeng yung magbago. Kaya sana, habang kaya ko pa, habang may utang na loob pa akong natitira. Tigil na, pakiusap.


Ramdam ko ang nginig ng aking kalamnam. Hindi dahil sa takot ako sa katagang binitawan niya, kundi dahil takot akong baka sangayuna at kalimutan ko nalang ang lahat para sa kaniya.

"Alam mo ba ang sinasabi mo, Connor? I-ilang buwan nalang, pagbigyan mo na ang ilang buwan na yun para ibalik ang sa inyo ni Revina," pati ang aking tinig ay may nginig ngunit may diin.

"Then what? After that fucking months, what?!"

"Get married, with her, please," tulak ko.

"I'll get married. With. You."

Gusto kong ihampas sa kaniya ang aking backpack, iniisip ko na baka sakaling bawiin niya ang kaniyang sinabi dahil mababaliw ako ng tuluyan kung hindi!

"Darating na ang papeles, C-connor. Ayaw kong labanan 'yun. Natatakot ako," mahinang sabi ko.

Humakbang siya palapit sakin at hinawakan ang magkabila kong braso para lalong iharap sa kaniya.


"You can be a Volzkian, baby. But without those damn adoption papers! I can turn you into one," ani Connor.

Ramdam ko sa bata kong puso na gusto ko 'yung patulan. Dumaan na rin sa isip ko na bakit pa namin pinahihirapan ang sarili namin kung pupwede naman? Kung may paraan naman? Kung posibleng tumakbo nalang kami at di magpakita, hindi ba?

Ngunit nasa isip ko rin na baka ngayon lang 'to. Na baka susugal ako sa larong baka pagsisihan ko. Na baka dahil attached lang ako sa kaniya.

At meron ring, ayaw kong maging madumi ang tingin nila sa akin. Pinalaki, pinakain, binihisan at pinag-aral ngunit anong ginawa? Pinatulan ang sana'y kapatid niya! Walang utang na loob! Malandi at hindi nag-iisip at iba't iba pang masasakit na salita.

Ayaw kong dumihan ang makinis at presintableng pangalan ng pamilyang nagmamalasakit sa akin ng dahil lamang sa bugso ng aking damdamin!

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at saka umatras.


"Ayaw ko. Hindi ko kaya, Connor," mahina ang aking tinig.

Tuluyan akong tumalikod at lumabas ng aking silid. Tuloy-tuloy ang aking lakad sa pasilyong may makinis na marmol na sahig, kahit gaano pa kamangha sa chandelier na nasa puno ng mansyon hindi ko magawang tingnan 'yun at maramdaman ang kaginhawaan. Kahit pa ang pagbaba ko sa salaming hagdan ng mansyon ay di ko magawang dahan-dahanin dahil natatakot akong baka bumalik lamang ako sa aking silid upang baguhin ang emosyon sa kaniyang mata at sabihing...

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now