P15

2.1K 56 0
                                    

         

               Inilubog ko ang kanan kong kamay sa malinaw na tubig na umaagos upang kunin ang makinis at may magandang hugis na bato sa ilalim.

               Agad ko iyong tinuyo sa laylayan ng kulay dilaw kong summer dress na binili pa sakin dati ni mama noong nabubuhay pa siya. Mura lamang 'to ngunit gustong-gusto dahil bukod sa kulay dilaw ito at bili ni mama, dito niya ako unang sinabihan ng maganda.

               Noon ay lagpas tuhod ko pa 'to pag sinusuot pero ngayon ay mas mataas na ang laylayan. Lagpas na yun sa aking tuhod at mas naging hapit iyon sa bahaging itaas. Alam kong masyado ng maliit para sa akin pero ayaw ko namang mag-suot ng mga branded at mamahaling damit na binibili ni Tita Dona para sa akin upang pumunta lamang sa mababaw na ilog hindi kalayuan sa mansyon.

            Tsaka hindi naman kahat 'yun bagay sa akin. Kahit pa maputi ako at maayos naman ang pangangatawan ko alam kong may ilan pa rin doon na hindi babagay sa akin.

             Napabuntong hininga ako at saka napagpasyahang bumalik na sa kung saan ko iniwan ang aking tsinelas. Napansin ko agad ang taong nakatayo at nakahalukipkip sa kung nasaan ang aking tsinelas.

           Kahit nasa malamig na parte na ang paa ko, pakiramdam ko ay mas may ilalamig pa iyon sa klase ng kaniyang tingin. Ang agos kanina na hindi ko nararamdaman ngayon ay nararamdaman ko na dahil sa sobra kong pagka-concious.

          Nakagat ko ang aking dila ng makita kong hinuhubad neto ang kaniyang sapatos na mamahalin at saka itinataas ang dulo ng kaniyang jeans.

             "A-anong ginagawa mo?" medyo may kalakasan kong tanong.

             "I missed you," ngunit salungat naman ang kaniyang sagot.

              Ilang araw siyang nawala. Ang sabi'y pumunta siyang Maynila dahil may dadaluhang mahalagang event doon. Noong una ay nakaramdam ako ng bigat sa dibdib dahil ni hindi man lang niya nagawang mabanggit sa akin 'yun, ngunit agad ding pumasok sa isip ko na hindi niya naman talaga kailangan pang ipaalam sa akin ang lahat dahil sa paningin ng iba at sa totoo naman, magkapatid kaming dalawa.

             Pero lahat ata ng paalala at bigat na nararamdaman ko ay natunaw ng makita ko siya ngayon. Na nakatayo sa harap ko at sa akin lamang nakatingin.

              "Don't you missed me?" nakita ko pa ang kaniyang pagngiti bago lumusong sa tubig upang daluhan ako.

              "Nakabalik kana," halos hindi ko makilala ang sarili sa boses na 'yun. Para akong nangulila sa taong hindi umuwi ng limang taon.

         Siguro nga'y namiss ko siya lalo na't nakatayo na siya ngayon sa harap ko at nakangiti. Para bang gusto ko nalang na ikulong niya ako sa kaniyang mga braso upang maibsan yung nararamdaman ko.

     
          "Mmm-mmm, I'm back. Always be," aniya at saka pinutol ang natitirang space sa pagitan naming dalawa.

            Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan upang hilain palapit sa kaniya. At alam kong walang magagawa ang bigat ng tubig na pumipigil sa aking paa para humakbang ako pasulong kung nasan siya.

             Tulad ng gusto ko, ikinulong kiya ako sa kaniyang mga braso at ramdam ko ang pagiinit ng aking dalawang pisnge ng maramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo.

            "You look good and smell good, my lady," aniya.

            Hindi ko napigilan ang paglipad ng aking kamay upang maihampas iyon sa kaniya dala ng sobra kong pamumula dahil sa hiya. He chuckled.

            Kahit pa sinabi kong gusto ko siya ay nahihirapan parin akong magising sa katotohanan na eto kami. Sa kung ano man kami ngayon.

            "Hindi ka dapat nag-iisa dito, Caina," aniya.

            "Bakit naman?"

             "A princess should go here with her prince,"


              Kailangan ko pa bang humanap ng kasama para lang gawin ang gusto kong gawin?

               Pero kahit pa alam ko ang sagot sa sinabi niya, gusto ko paring mismo sa kaniya kung sino ang prinsipeng sinasabi niya.


               "Sinong prinsipe ba?" may kiming ngiti kong tanong.


                "Who else? It me, baby," aniya.


                Alam ko. Lagi namang siya at siya lang talaga.

                Bigla namang umanggat sa tubig ang dalawa kong paa ng kaniya itong hagipin upang kargahin pabalik sa kung nasaan ang pares ng aming suot sa paa kaya napakapit ako sa kaniyang leeg para hindi ako malaglag.

           "We should get back home. It's getting cold," aniya at ibinaba ako sa isang bato para kunin ang aking tsinelas at siya na mismo ang nagsuot noon sa akin.

            Pagkatapos niyang magsuot ng kaniyang sapatos, magkahawak kamay kaming naglakad sa gubat pabalik sa mansyon.

              Ngunit agad din niya iyong binitawan ng nasa labas na kami ng gubat kung nasaan nagpakalat-kalat ang mga taong alam ay 'magkapatid' kaming dalawa.

      
            Nakaramdam ako ng kabigatan sa dibdib dahil doon. Para bang isinasampal sa akin ang katotohanang hindi naman talaga pwede pero bakit sinusubukan pa? Bakit ipinipilit pa?

              Inalis ko yun sa isip ko at sumunod na lamang sa kaniyang paglalakad papunta sa magandang gate ng kanilang mansiyon.

             Pagpasok namin ay sumalubong agad sa aking paningin ang isang kulay puting sasakyan sa harap ng mansyon. At nasisiguro kong di iyon sa pamilya Volzkian.

            "K-kuya," mahina kong sambit ng makita ko ang pares ng sandals na bumababa doon sa kotse.

             Hindi ako nilingon ni Connor. Hindi ko alam dahil sa liit ng boses ko o dahil tumatakbo na pasalubong sa kaniya ang kaniyang nobya.

               "Ate R-Revina,"


-----------------------------------

       Happy 2000 reads fam!!! 💓💓 Awwwwiiieeee, I'm super kilig mga anghel ko 😘

         Caina and I love you all!!! Salamat sa suporta kahit sabaw tayo haha. Double update sana para sa 2k reads natin pero baka abutin ako ng madaling araw kakasulat 😭😘

  Basta, love lots and keep supporting 💓

           

         

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon