P13

2.2K 65 9
                                    





              Nang bitawan niya ang mga katagang 'yun alam kong titiklop ako. Alam kong di ko masasabayan kasi hindi ko kayang labanan.

               Naramdaman kong uminit ang gilid ng aking mga mata. Nagbabadya ang luha. Parang ang sakit. Hindi ba't dapat lalo akong mabuhayan ng loob na baka pwede pa? Na baka pwede naman talaga? Na baka... baka lang naman may pag-asa.

           Pero hindi eh. Ayaw kong tapakan ang ang tiwalang ibinigay sa akin ng kaniyang pamilya. Ang pagkupkop. Ang mga damit at pagkain. Magandang matutulugan at prebilehiyong makapag-aral ulit. Isa pa ay hindi pwede dahil ang katulad niya ay nararapat din sa ka-edad at kasing taas niya. Hindi ako sakim. Ang pag-iwas ay di ganoon kadali pero alam kong kakayanin. Sana.

              Hindi ako sumagot at ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. Pinipigilan ang nagbabadyang luha.

               "P-pwede na po bang sumunod sa kanila?" May nginig ang aking boses ngunit hinayaan ko na.

                "Caina, we should talk ab—"

                "Pakiusap, kuya," putol ko.

              Ayaw kong pag-usapan. Gusto ko ang nasa isip ko na simpleng kalimutan nalang. Makisama naman sana siya.

                "We're not yet done talking," aniya bago pinaandar ang kotse.

                 Maliwanag pa dahil tanghali palang naman. Halos nagsisimula palang ang araw pero sa kakaisip ng kaniyang sinabi pakiramdam ko ay pagod ako. Parehong pisikal at emosyonal.

                 Bakit pa pag-uusapan kung pwede namang kalimutan? Mas madali 'yun kumpara sa hinihinge niyang pakikipag-usap.

               Pasalamat ako dahil hindi magiging ganoon katagal ang pagsasama namin sa iisang sasakyan. Nang marating namin ang gustong kainan nila Tita Dona, hindi ko na hinintay pang bumaba siya at pagbuksan ako. Kusa ko ng tinggal ang seatbelt at lumabas.

           Ramdam ko ang kaniyang tingin sa aking ginawa pero nararapat 'yun para makuha niya ang gusto kong iparating na gusto ko ng maglagay ng bakod. Dapat ko ng guwardiyahan ang sarili ko habang kaya ko pa. Habang handa pa akong labanan yung akin.

            Nauna akong maglakad sa kaniya ngunit malaki ang kaniyang hakbang kaya't naunahan niya parin ako sa glass door ng restaurant. Ang kaliwang kamay na nagbubukas at ang kanan na nakaalalay sa aking likod. Gusto kong tabigin ngunit ramdam ko ang tingin ng kaniyang pamilya kaya't hinayaan ko na.

                Hindi ko na rin siya hinayaang paghilain pa ng upuan, kusa ko na yung ginawa kaya't umupo narin siya at rinig ko pa ang buntong hininga.

           "Why took you so long to drive, Connor?" ani Tita Dona.

   
             "Traffic, ma," plain na kaniyang pagkakasabi.

              "But its not," depensa ng kaniyang kapatid.

                "Yes it is, France," matiim na kaniyang pagkakasabi sa kaniyang kapatid at saka sila nagsukatan ng tingin na para bang... no.

                "Pasensya na po tita at medyo natagalan. Pero nagpapasalamat po ako para sa engrandeng salo-salo ngayon," nakangiting baling ko kay Tita Dona at Tito Raf.

            
               Napangiti ako lalo ng kusa ng abutin pa ni Tita Dona ang aking kamay para hawakan.

                 "Of course. You're a great daughter and a student so why not? And please, sanayin mo na ang sarili mo na tawagin kaming mom and dad or kung saan ka sanay," aniya bago bumaling sa kaniyang asawa bago ito nginitian.

                Aampunin na nila ako ng tuluyan. At si nanay, alam kong matutuwa siyang malaman na mapupunta ako sa mabubuting kamay. Kaya gagawin ko ang lahat para ang kahibangang gustong simulan ni Kuya Connor ay hanggang dito nalang. Kailangan ng tigilan dahil kahit ako, alam kong pag tumagal pa, di ko na yun mapipigilan.



 

          TAHIMIK ang aming mesa habang humakain. Ngunit alam kong sandali lang 'yun dahil nabanggit na naman ni Tita Dona ang nalalapit kong debut.

    
             "Ah yes. What's your plan, hija?" Baling sakin ni Tito Raf.

              Sa katunayan ay wala naman akong plano na gawing magarbo 'yun katulad ng nababasa o nakikita ko sa magazine o telebisyon. Masyadong mahal ang perag ilalabas pag-ganoon.

           "Gusto ko po sanang simpleng kaarawan lang," pag-amin ko.

               Kahit pa sagot nila ang lahat, ayaw kong abusuhin 'yun. Masyado na akong lubog sa lahat ng binibigay nila at kahit pa siguro makatapos ako ng pag-aaral, di ko kakayaning maibalik ang lahat ng inilabas nila para sakin.

              "Simple is too boring, hija. Your Ate France, debuted on France since she was made in their. Ikaw? Gusto mo bang sa ibang bansa? America? Singapore? Or Russia?" may bahid ng excitement ang boses ni Tita Dona.


            "Dona, hon. Let Caina decided where she wants to celebrate her debut. Beside, nasa school dito sa pilipinas ang kaniyang mga kaibigan. Maybe better if we celebrate her debut on our mansion or what. Let her," nakangiting sabi ni Tito Raf.

                Masyadong engrande kung sa ibang bansa pa gaganapin ang simpleng birthday ko.

             "Sa katunayan, gusto ko lang naman po ay isang simpeng family dinner. Di ko pa po kasi nararansan 'yun,"

              Nagkatinginan naman ulit ang mag-asawa. Siguro nama'y pahihintulutan nila ang bagay na 'yun.

  
           "Yeah, sure baby. Then lets have a family dinner. Then bring Nate and your friends," ani Tita Dona na tinanguan ko naman.


            Napatingin naman kami kay Connor ng sumingit ito.

              "Why bring that Nate guy? I thought it's a family dinner," aniya.

   
             "Nate is Caina's friend or maybe more than friends in the future so why not? We're going to her adoptive sister and brother, Connor. That's what we made a family. And Nate might be become a family in the future through Caina, right?" Ani Ate France na nagpapula sa magkabila kong pisnge.


          Iniisip ba nilang baka totoong may pag-asa para sa aming dalawa ni Nate? Hindi ba masyado silang mabilis para isipin ang bagay na 'to.


             "And that would never happen, of course," saad ni Kuya Connor.


                Ano na naman bang problema niya?!


             "Why? Nate is a good catch!" Laban pa ni Ate France.


             "I would rather die than to hand her to other men," simpleng sagot niya na para bang walang nakakarinig.

              Ano bang ginagawa mo?!


————————————————

        I would rather die also than to practice cheer dance hahahaha. Happy March Month everyone!!!

   Love lots 😘

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now