P17

1.8K 56 16
                                    

            Tuluyan ng nalaglag ang inupon kong luha. Para pang lalo akong nalugmok sa aking kinauupuan. Para bang isa akong pako na pinukpok sa ulo hindi para bumaon kundi para gumising sa katotohanan na ikakasal na siya.

          Kasal? 'Di ba't ginagawa lamang 'yun ng dalawang taong magkasintahan ng bukal sa loob at tunay na nagmamahalan? Ganun ba nila kamahal ang isa't isa? Ganun ba?

          Paano naman ako?

 
          Gustong-gusto ko itanong iyan kay Connor. Paano ako? Sa maikling panahon na 'yun, lahat ba yun ay wala lang? Lahat ba 'yun ay ganoon lamang kadaling itapon?

            Nanatili lamang akong nakayuko at sinusubukang pigilin ang pag-alpas ng mumunti kong mga hikbi. Mahigpit ng kapit ko sa laylayan ng kulay lilac kong damit na para bang 'yun nalang ang pag-asa ko para hindi mag-mukhang lalong kaawa-awa.

             Sabagay, sino ba naman ang gugustuhing manatili sa tabi ng isang bata? Isang walang muwang? Walang alam sa relasyon at isa pa madaling madala sa damdamin? Wala naman hindi ba?

            "T-talaga?" hindi ko alam kung saan ko pa nakuha ang mahinahon kong boses.

            "C-caina, I can explain, okay? This is just so fucked up!" aniya.

            Pinahid ko ang aking mga pisnge ngunit siya paring pag-uulap ng aking mga mata. Gustuhin ko mang pagsabihan ang sarili ko, iba parin ang gustong maramdaman ng puso ko kesa sa sinasabi ng isip ko.

           Nanginginig man ang aking tuhod pinilit kong tumayo para ayusin ang nagusot na damit ko dahil sa higpit ng kapit ko kanina.

            "H-hindi, kuya. Masaya ako sa konting panahon na 'yun pero," pinigil ko ang sinok sa aking lalamunan, "mas masaya ako sa kung anong binalita mo. Congratulation, Connor,"

            "No, no, baby, no!" aniya at saka tumayo sa kinauupuang upuan upang lapitan ako ngunit humakbang ako pa-atras.

             Nakita ko kung paano nanlambot ang kaniyang mga mata at ang paghagod ng marahas ng kaniyang kamay sa kanina'y magandang ayos ng kaniyang buhok.

            "Okay na, k-kuya. Handa na akong lumakad pasulong. Nang ako lang. At ikaw... Alam kong handa ka narin kasama siya,"

             Muli kong pinahid ang luha sa aking mata. Walang tutulong sa akin na umahon sa kung saan man ako nakalugmok ngayon. Ako lamang dahil ako rin ang naglagay sa akin kung nasan ako. Masyado kong pinagbigyan ang aking sarili sa maling sitwasyon at limitadong tao.

          "You don't understand, Caina. I can explain, for God sake! Listen to me baby, just this once, listen to me. Mali ang iniisip mo, mali ang—"

           "At mali rin tayo. K-kahit saang anggulo mali rin tayo, kuya. Nasa tamang daan na tayo noon pero dahil sa bugso ng damdamin lumiko ako, kahit bawal, kahit limitado, lumiko ako kasi gusto kita, kasi mahal kita eh,"

            Tuluyan ng bumigay ang aking mga tuhod. Lalo akong naging kaawa-awa. Ako ang bumigay. Lalo kong sinisira ang sarili ko para sa kaniya.

             Naramdaman ko ang mga kamay niyang pinipilit akong tumayo at siya namang sinunod ko at saka niya ako ikinulong sa kaniyang bisig, na para bang mababawasan nun ang lahat.

           "Sorry, I did not mean to drag you on this. Sorry," aniya at saka ako hinalikan sa tuktok ng aking ulo.

           Nanatili ako sa kaniyang bisig. Kung pwe-pwede lamang na ganito nalang. Sana ganito nalang.

            Parehas kaming napalingon sa pinto ng aking kwarto ng bumukas 'yun at iniluwa niyon si Nanay Yel na halata ang gulat at pag-aalala sa kaniyang mukha. Marahil dahil sa nakikita sa akin.

           "A-anong nangyari, Connor?"

            Lumapit si Nanay Yel para kunin ako at saka pinunasan ang mga luha ko na para bang isa niya akong tunay na anak at ayaw masaktan.

              "U-usapang mag-kapatid lang po Nay," ako na mismo ang sumagot.

              "Bakit? Anong pinag-usapan niyo para umiyak ka ng ganiyan anak?" tanong pa ni Nanay Yel habang inaayos ang aking buhok.

            "M-masaya lang po ako na sa wakas i-ikakasal na siya sa taong m-mahal niya," nakangiti kong sabi kahit pa nanunubig muli ang aking mata.

           "Talaga?! Ay naku, masaya rin ako para sayo Connor, anak. Sa wakas, wag na wag mong sasaktan ang iyong magiging asawa," ani Nanay Yel.

             Tama, hindi na dapat namin saktan pa si Revina. Hindi na namin kailangan pang umabot sa sitwasyon na 'yun.

¤¤

             Masayang nag-uusap ang dalawang pamilya at heto ako, nananatili lamang ang tingin sa pagkain na nasa aking plato na para bang eto na ang pinakamaganda sa aking paningin.

            Lahat sila ay nakangiti at masaya sa usapang kasal ni Revina at Connor. Masaya rin ako kahit pa napakasakit niyon sa akin. Pero pinili kong maging masaya para sa kanila.

             "Ladies and gentleman, I just want to say that thank you for tonight and I'm so happy that finally Connor and I are finally going to settled down," ani Revina ngunit sa akin nakatingin noong sabihin niya ang pinakahuli.

            "Let's cheers for that!" muling sabi ni Revina bago namin iniangat ang aming mga baso.

              Kita ko pa ang panginginig ng aking kamay na nakahawak sa babasaging baso ngunit agad ding dumapo ang aking mata sa katapat kong tao.

            Kapatid ito ni Revina at sa tingin ko ay Hanz ang kaniyang pangalan base sa pagkakarinig ko kanina, nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa dahil sa nginig ng kamay ko kaya una na akong nagbaba ng kamay.

          Hindi ko gusto ang kaniyang ginawa. Iba ang dating ng kaniyang aura sa akin.

           Ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa aking plato at hinayaan silang pag-usapan ang kasal.

             "By the way, malapit na ang 18th birthday ni Caina hindi po ba?" narinig kong tanong ni Ate Revina kay Tita Dona kaya agad dumapo ang aking paningin sa kaniya.

            "Ah yes, its only a month away," nakangiting sabi ni Tita.

             "Great! Then maybe baka pwedeng ang after party niya ay gawin nating bridal shower ko hindi ba?" ani Revina.

            Parang sumama ang aking timpla sa kaniyang sinabi. Araw ko 'yun. At sa araw na 'yun gusto ko'y wala akong kahati. Ayaw ko ng may kahati sa mahalagang araw.

           "Why not the other day nalang Revina? Beside it's going to be Caina's day" ani Ate France.

            "Okay, the day after tomorrow nalang," nahihimigan ko pa ang inis sa kaniyang tinig dahil doon.

             Napatingin ako kay Ate France ng hawakan niya ako sa braso at binigyan ako ng ngiti na para bang sinasabi niyang lagi siyang nasa tabi ko.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

     Tadaaaa!!!! See? Upated na tayo!!!❤❤

     Enjoy reading fam!❤

    Advance happy birthday to me!❤

           

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now