P20

1.6K 53 11
                                    




"What's happening?!" malakas na sabi ni Connor.

Hindi na gaanong masakit ang aking anit ngunit hindi ko alam kung bakit patuloy parin akong umiiyak. Hindi naman ako pinalaki ng mama ko na idaan ang lahat sa iyak. Pero ngayon ay para bang ito ang pagkakataon para ilabas ang lahat ng bigat sa dibdib ko.

"Your 'baby'?! She just took my hairclip, hon!" sigaw ni Revina kay Connor na para bang nagsusumbong ito.

"H-hindi ko ninakaw 'yan," mahina ngunit pinal kong sabi.

             Lalo kong isiniksik ang aking sarili kay Nanay Yel nang dumapo ang tingin sa akin ni Connor. Alam kong kilala niya ako ng higit kanino man at alam ko ring wala akong ginawang makakadumi ng pangalan ko katulad ng ibibibintang sa akin ni Revina, ngunit natatakot parin ako na baka isipin niyang totoo 'yun, na baka isipin niyang ninakaw ko nga ang ipit na kahit kelan ay hindi ko kayang gawin!

            "Did you, Caina?" Tanong sa akin ni Connor.

              Nanlaki ang aking mga mata. Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin?! Ganoon ba?!

               "G-ganyan ba tingin mo sa akin? Kahit kailan ni isang gamit, maliit man o malaki, dito sa loob ng mansyon mo ay wala akong kinuha ng hindi niyo alam! T-tapos tatanungin moko niyan?" Nanginginig ang aking boses ng sabihin iyon.

               Naramdam kong mas humigpit pa ang yakap sa akin ni Nanay Yel.

               "H-hindi ko alam na ganyan kababa ang lebel ko sa paningin mo, Connor." Saad ko.

                Marahan akong humiwalay kay Nanay Yel at saka tahimik na lumuluhang pumanhik sa sarili kong kwarto. Pakiramdam ko ay hindi ko sila makakayanang makaharap mamaya sa hapunan kaya may nabuo sa aking isipan.

          Nasa eskwela pa naman si Miss Vina, hindi ba?

            Pumasok ako sa kwarto kasama ang aking backpack. Dumeretaso ako sa lalagyan ng aking damit at binuksan 'yun, kahit pa tumanbad sa akin ang mamahaling damit na galing kay Tita Dona, tanging ang dalawang pares ng aking lumang damit ang aking kinuha at isinilid sa aking backpack.

  
             Inaayos ko ang pagkakalagay ng aking damit ng bumukas ang pinto ng aking kwarto. Siguro, dapat ko ng ugaliing mag-kandado ng pinto simula ngayon.

               Hilam na ang aking luha ngunit parang nagbabadya ulit ng makita ko kung sino ang pumasok. Hindi ko na kailangan pang tagalan ang titig sa kaniya para lang makilala ng husto kung sino ito.

              "Where are you going?" batid ang kaba sa kaniyang tinig ngunit binalewala ko lamang 'yun.

                 Kita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit ni Connor sa aking pwesto. Nang makalapit, aabutin niya sana ang aking backpack ng agad ko iyong iniiwas at isinara ng maayos.

              "Where are you going?" kung kanina ay may kaba ngayon ay may diin.

             Nakakatakot ngunit mas natatakot akong harapin ang lahat mamaya lalo na kung nandoon si Revina para pagbintangan akong lalo at  si Connor na mababa ang tingin sa akin.

           Maling tumakbo sa problema ngunit nadadala ako ng takot ng magiging tingin sa akin ng mga tao sa loob ng mansyon na 'to.

              Hindi ko sinagot ang tanong ni Connor, sa halip isinukbit ko ang bag sa aking likod at balak na siyang lampasan nang maramdaman ko ang dalawa niyang bisig na pumigil sa akin mula sa likod.

              At hindi ko na kailangan pang magtaka kung bakit ganito kabilis ang tibok ng aking puso. Mahal ko kasi siya.

              "I'm sorry, baby. I'm sorry, please," mahina niyang sabi.

            Ramdam ko pa ang kaniyang hininga sa kaliwa kong tenga. Alam kong magiging marupok at tanga na naman ako sa paningin ng mga nakakaalam kung sakaling tatanggapin ko ang kaniyang paghinge ng tawad pero hindi din ako Diyos, wala akong karapatan para tanggihan ang paghinge ng tawad.

             Inalis ko ang kaniyang bisig sa akin ngunit lumipat lamang 'yun sa aking pulso para pigilan ako.

             "K-kuya, bitaw na," mahinang sabi ko.

              "No, baby. Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I know you better," aniya ng hilain niya ako sa kaniyang bisig muli.

              Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo kaya naramdaman ko na naman ang pagbabadya ng aking luha.


             "Wala akong ninakaw. I-ibinigay 'yun s-sakin ni Hanz. H-hindi ko 'yun ninakaw," para bang isa akong batang nagsusumbong.

 
                "Hush now. I know, i know. I can buy you thousand of hairclips, Caina. Stop recieving things from that boy," aniya.

                "Titigil ako sa pagtanggap ngunit itigil mo na din 'to," mahina kong sabi ngunit alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.

               Naramdaman ko ang pagluwag ng kaniyang yakap sa akin kaya ako na mismo ang umalis doon.


               Tumalikod ako kay Connor at saka marahang pinunasan ang gilid ng aking mata.

                "I'll stop..." aniya.

                 Tama. Tama lang na itigil na niya, namin 'to. Ilang buwan nalang ang natitira. Alam kong maibabalik pa niya ang nawala sa kanila ni Revina. At ako? Alam kong makakalimutan ko din 'to dahil bata pa ako. Dahil kaya ko. Dahil ang mali, dapat itinatama. At tamang silang dalawa, at ako? Dito lang sa kung saan dapat ako.

             "... if you marry me, instead," ani Connor.

—————————————————

    Oh my gosh! Sabaw na naman ako 😭 Sorry fam, kung ito lang. Bawi-bawi nalang tayo sa susunod 😭

       Oo nga pala! Happy 6k reads!!! Bakit ang bilis niyo? Hahaha ❤️❤️

    Xoxo 😘

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon