P11

2.2K 59 3
                                    





          Noong bago si Connor umalis papuntang Espanya, walang kaso sa akin kung tatawagin niya akong 'baby', dahil itinuturing ko pa siyang kuya sa aking paningin. Ngunit ngayong dalaga na ako at isa na siyang binata, idagdag mo pa ang nararamdaman ko, talagang hindi healthy 'yun sa parte ko. Masyadong pinapatibok niyon ang puso ko na talaga namang masama sa estado ng nararamdaman ko.

           Tahimik lamang akong naka-upo sa isang stall dito sa kusina. Hindi gumagalaw at hindi nagsasalita. Hinayaan kong gumalaw sa malaking kusina ng mansyon ang lalaking magbibigay sakin ng sakit sa puso. Literal na sakit.

            Hindi na ako nagtaka kung bakit ang galing niyang humawak ng kutsilyo, sa tagal niya sa Spain alam kong natuto na siyang magluto ng sarili niyang pagkain. Maaari ring ipinagluluto siya mismo ni Revina.

          "About what happened earlier—"

          "Okay lang, kuya. Walang problema. Pwede namang kalimutan 'yun," mahinahon pakinggan ngunit alam kong nilalamon na ako ng kaba.

           Hindi na niya kailangan pang paulit-ulit ipaalala ang nangyari kaninang hapon. Wala na akong natitirang kapal ng mukha kung babanggitin niya pa ulit ang nangyari kanina.

         "Sorry, baby. I didn't mean it, lets forget about it," aniya at saka tumalikod ngunit kita ko ang pamumula ng kaniyang leeg hanggang tainga.

           Tumango ako kahit hindi siya nakatingin sakin kaya pinagmasdan ko na lamang siya.

          Iba na talaga siya sa sa batang Connor noon sa binatang Connor ngayon. Mas lumaki at nadepina ang kaniyang mga muscles at pangangatawan. Kita ko naman 'yun sa picture na nakita ko sa pinahiram niyang cellphone kung saan kita ko kung paano nagmamalaki ang kaniyang abs at magandang hubog ng braso.

          Napaiwas naman ako ng tingin ng dumapo ang mata ko pababa sa kaniyang katawan. Pakiramdam ko ay tinalo niya pa ako sa ganda ng hubog ng kaniyang pang-upo.

           
             Nawala rin naman sa isip ko ang maginoo niyang imahe ng maamoy ko ang niluluto niyang munggo. Pinakagusto ko sa lahat.

           "Like what you smell?" may ngiti sa labi niyang sabi ng humarap siya sa akin.

            "Oo," maikleng sagot ko na may kasama pang tango.

            "I know. It's your favorite after all. I always knew, baby," aniya.

            Kapatid ka lang, Caina.

          Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para makatitigan ko siya sa mismong mga mata niya.

           Sa tahimik ng paligid, tanging tunog lamang ng puso ko ang naririnig ko sa mga oras na 'to at ang tunog ng pagkulo ng kaniyang niluluto. Kung saan parehas naming hindi kinatatakutan ang tingin ng isa't isa. Kung saan alam kong iba na talaga. Wala ang pakiramdam na kapatid ang turingan.

        Napatuwid ako ng upo ng makita ko ang unti-unti niyang paglapit sa aking pwesto. Hindi kailan man napuputol ang tingin sa isa't isa. Alam ko ring parehas na iba ang nakikita namin sa isa't isa. Pagkagusto? Pagmamahal? Pagnanasa?

            I unconsciously licked my lower lips to moisture it dahil pakiramdam ko ay mauubos ang lahat ng tubig sa katawan ko sa init ng paligid.

             Hindi ko na nga naisip kung paanong nasa gitna na siya ng aking mga hita at nakatayo ng sobrang lapit ang kaniyang katawan sa akin. Walang space bilang kapamilya.

             Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. Tinatansya ang paligid at nararamdaman. Ngunit ako rin ang pumutol ng tingin na 'yun at agad na tumayo at kinakabahang dumeretso sa kaniyang niluluto para patayin 'yun ng may kasamang panginginig ng kamay.


            "L-luto na pala 'to. Matagal na rin akong di nakakatikim nito," may pag-aalinlangan kong sabi ng hindi lumilingon sa kaniyang gawi.

              "Me too," rinig kong tugon niya pero di ko parin siya nilingon.


                Kumuha ako ng kutsara para tikman ang munggong niluto niya mismo. Agad na kumalat ang lasa ng pagkain sa aking bibig, kuhang-kuha ang paraan na gusto kong maging lasa neto.

             
                  "M-masarap. Salamat dito K-kuya," saad ko.

                 "I want to taste it too," aniya.

              Hindi niya ba tinikman habang nagluluto siya kanina? Hindi na ako sumagot, kumuha nalang ulit ako ng panibagong kutsara at saka palang siya hinarap.

             "Pwede mo ng tikman," pagpapaalam ko at saka ipinakita ang bagong kutsara na kinuha ko.

               "Alright," aniya at saka naglakad papunta sa kung nasan man ako ngayon na hindi na naman napipigtal ang kakaibang tingin.

            Ramdam ko ang sarili kong paglunok at muling pagusbong ng kaba. Agad kong inilahad sa harap niya ang kutsara habang malayo pa siya at kita ko sa sarili kong mga mata kung paano nanginginig sa kaba ang mga kamay kong nakahawak sa kawawang kutsara.

           Napakurap ako ng sa halip na ang kutsara ang abutin niya, ang pulso ko mismo ang hinawakan niya at saka ako hinila palapit sa pwesto niya at saka ikinawit ni kuya Connor ang kaniyang kanang kamay sa aking bewang upang pigilan ang balak kong pag-atras!

 

              "Kuya Con—" hindi ko na nahabol pa ang aking mga salita ng agad na lumapat ang kaniyang labi sa akin.

              Pakiramdam ko ay nanigas ang lahat ng muscles sa aking katawan at ang dugo kong nasa normal na sirkulasyon na kanina ay muli na namang nagwala upang guluhin ang na naman ang puso at ang ang buo kong sistema. Pakiramdam ko din ay nanindig ang lahat ng balahibo ko sa aking kayatawan ng siya na mismo ang gumaw ng paraan maikawit ang aking kamay sa kaniang batok at lalong paghila sa aking bewang papalapit na may kalakip na pisil na siyang nagpasinghap sa akin.

            Lalo pa atang nanlaki ang aking mata ng maramdaman ko ang kaniyang dila na ginagalugad ang aking bibig. Parang may hinahanap na kung ano!

           Nahila ko ang apron na suot niya ng kagatin niya ang mismong pang-ibabang labi ko.

             Ano ng tawag sa ginagawa namin?!

              Ilang segundo o minuto pa atang magkadikit ang aming mga labi bago ako na mismo ang pumutol niyon. Hindi ganito ang balak kong pagbabayad ng utang na loob sa pamilyang kumupkop sa akin.

  
          
             Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang noo sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Deretso sa magaganda niyang mata.

             "Damn, it taste good," nakangiting sambit niyon bago muling nilusob ang labi kong handa namang sumuko.



—————

      Advance happy weekend! Sinulat ko to sa school pero ngayong gabi ko nilapag😊😘

         Happy reading! Road to 1k na tayo😊🙏🏻 Thank you!

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon