P12

2.2K 55 0
                                    




         "Congratulation to Caina Adelaide Sarmiento for reaching the regional level. Although hindi na natin naabot ang national, malaking bahagi parin sa ating paaralan na makaabot sa regional sa tulong ng isa nating kamag-aral,"

Hindi ko masupil ang aking ngiti sa narinig. Kahit hindi ko na nadala ang eskwelahan sa national championship, masaya parin akong kinikilala nila ang hirap ko para makaabot sa sa regional level ng kompitisyon.

Nabaling ang aking tingin kay Tita Dona ng maramdaman ko ang hawak niya sa aking likod. Tinatawag pala kami sa taas ng stage para ibigay ang aking recognition certificate, tanda ng aking pinaghirapan.


Lalo akong napangiti ng marinig ko ang palakpakan ng mga estudyante, partikular na lalo na sa aking kinabibilangang seksyon. Mas malalakas 'yun at may kasama pang sigaw na bahagya kong ikinatawa.

"Congratulations Caina, the school is truly proud of you," ani ng aming grade level coordinator bago iniabot sa akin ang makinis na papel kung nasaan nakalagay ang aking pangalan.

"Maraming salamat din po sa tiwala," sagot ko.

Nakipag-kamay ako at ganoon din si Tita Dona.


Inilibot ko ang tingin sa dagat ng mga estudyante. Natutuwa akong makita silang nakangiti rin. Pakiramdam ko ay napakalaki talaga ng naitulong ko sa eskwelahan.

  
          Pagkatapos ng kaunting pag-papasalamat, agad ding pinabalik sa kani-kanilang classroom ang mga estudyante. Kaming dalawa naman ni Tita Dona ay sinalubong ni Nate bago pa man makababa sa stage.

           "Congratulation, Caina," may kiming ngiting sabi ni Nate.

           Halos ilang araw ko ring hindi nakausap sa Nate dala ng mga review-ng ginagawa ko pati narin ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa kaloob-looban ko. Katulad nalang noong... Mali! Dapat 'yung kalimutan!

              Kahit pa ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge dahil sa alaalang 'yun, pinilit ko paring ngumiti ng tunay at abutin ang kamay ni Nate na nakalahad upang batiin ako.

             "Salamat, Nate," saad ko.

             Agad ko ding binawi ang aking kamay at lumingon kay Tita Dona na may sinusupil na ngiti habang nakatingin sa aming dalawa.

               "Nakikita ko kung gaano kayo kalapit sa isa't isa, Caina and Nate. Maybe it's a great idea na si Nate nalang ang maging escort mo para sa debut mo, hindi ba?" Ani Tita Dona. Kita ko pa kung paano kumislap ang kaniyang mga mata.

           Malapit-lapit narin pala ang aking debut!

     
              "T-tita, baka busy si Nate sa a-araw na—"

               "No, Caina. You know I can always make time for you," agad na sagot ni Nate habang hinihimas ang kaniyang batok.

                 Dinig ko ang pagpalakpak ni Tita Dona dahil alam niyang pinal na na si Nate ang aking escort sa darating kong kaarawan.

              Gusto ko pa sanang umalma kung hindi lang dumating si Tito Raf kasama ang dalawa nilang anak. Si Ate France at Kuya Connor.

              "Rafael, you missed the ceremony," medyo inis na saad ni Tita Dona.

              "At least I made it," ani Tito Raf bago lapitan si Tita Dona at halikan sa noo.

              Napalingon naman ako sa gawi ng magkapatid, partikular na sakaniya. Ngunit agad ko din akong nag-iwas ng tingin ng makita ang kaniyang nanlilisik na mata sa kadahilanang... hindi ko naman talaga alam.

              Napalingon naman ako ng maramdaman ko ang hawak ni Nate sa aking siko. Hindi ko alam ngunit bakit parang sumikdo ng todo ang aking puso.

           "B-bakit?"

           "I'll go now. See you tomorrow? Or maybe first thing in the morning?" may kiming ngiting sabi ni Nate.

             Tumango na lamang ako at ngumiti at tinanaw ang paglayo ni Nate para pumasok. Ako naman ay may choice kung papasok ba o kung magcecelebrate kasama ang pamilya Volzkian. Alam ko namang yung huli ang masusunod dahil nakakahiyang pumunta silang lahat at saka ko iiwan sa ere.

            Sumunod na akong maglakad kila Tita Dona papuntang parking lot. Tatlong sasakyan ang nandoon na pag-aari nila Tita Dona. Ang isa ay ang sinakyan ni Tita Dona, pangalawa ay nasisigurado kong kay Connor at pangatlo ay kay Tito Raf.

              Sasama na sana ako kila Tita Dona sa sasakyan ni Tito Raf ng hawakan ako ni Kuya Connor sa siko at pigilan kaya nilingon ko siya. Nakita ko pa ang ilang segundong pagtitig niya sa aking siko. Iyong hinawakan rin ni Nate kanina!

            "What's wrong, Connor?" Puna ni Tita Dona.

         
             "Let's seperate, ma. Caina will ride with me," aniya at saka ako hinila sa kaniyang sasakyan at pinapasok sa passenger seat.

              Para sa akin ay kakaiba ito ngunit alam kong wala lamang to sa kaniyang mga magulang at kapatid na ngayon ay nasa kabilang sasakyan!

              Bago niya pa ako makabitan ng seatbelts, ako na mismo ang nagkabit nun habang pigil ko ang munting panginginig ng aking kamay sa kaba.

 
               "Ako na po," mahina kong usal.

             Nakita kong saglit siyang natigilan bago humarap sa kaniyang manibela at mahigpit na hinawakan 'yun. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa unahan ang tingin at ng makita kong paalis na ang kotse nila Tita Dona ay saka ko pa lamang siya nilingon.

            "Hindi pa po ba tayo susunod?" Pasalamat ako sa boses kong hindi nanginig o pumiyok!

       
             Nang lumingon siya'y saka ko lang naramdaman ang lamig sa klase ng kaniyang tingin. Masyado 'yung matalim at alam kong di papipigil.

   
              "B-bakit po?"

              Nakita kong pumuti ang kamao niyang nakahawak sa manibela.

    
             "Drop that fucking 'po'. After what happened don't you dare use that word with me," may diin niyang sabi.

             Ano bang problema niya?! Hindi ba't bininigyang pabor ko siya para parehas naming kalimutan 'yun?! Pag hindi namin pinalampas ang pangyayaring 'yun nasisiguro kong parehas kaming itatakwil ng pamilyang kumokupkop sa akin at ayaw kong mangyari ang bagay na 'yun!

  
            "H-hindi ba't binibigyan ko ng pabor ang nangyari noong nakaraang linggo ka—"

             "I DON'T WANT TO FORGET IT! NO! THE TIME THAT MY LIPS SEALED YOURS THERE'S NO FUCKING WAY THAT YOU WOULD TURN YOUR BACK AT ME! NO!" may diin at malakas ang kaniyang pagkakasabi.

               Pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong katawan. Ang pag-init ng gilid ng aking mata.

             Hindi niya pwedeng lagyan ng tatak ang bagay na kinakaniya niya kung pag-aari na siya ng iba!

              Hindi niya ako pwedeng ikulong sa nangyaring 'yun kung nakakadena pa siya sa iba.

                Kahit pa alam kong kahit hindi niya ako ikulong, alam na alam ko sa sarili ko na matagal na akong gumawa ng sarili kong kulungan para sa kaniya.

——————————————

  
         After a long long long week! Kauuwi ko lang galing cheerdance practice but I dropped this kasi kagabi ko pa 'to tinype bago matulog.

              Sabaw but konting tiis tayo!

Lablab!

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon