P31

1.3K 31 4
                                    





                 Nanatili lang ang tingin ko sa isang extreme ride na nasa harap ko. Roller Coaster. Matagal ko na talagang gustong sumakay sa ganiyan ngunit hindi naman nakikiayon sa akin ang tadhana. Bakit nga ba naisip ko pang magsuot ng bestida kung pu-pwede naman akong magsuot ng simpleng pantalon at t-shirt?


                Napahawak ako sa laylayan ng aking puting bestida. Bakit ko ba 'to sinuot? Tinatanong ko ang sarili ko kaya biglang pumasok sa isip ko si Revina. Maganda at talagang napaka-sexy siya sa suot niya, siguro'y gusto kong makipantay sa kaniya kaya nagsuot din ako ng bestida...na hindi naman ganoong ka-daring kumpara sa kaniya. Mas mukha pa nga akong magsisimba.

                Napatigil lang ako sa paninitig sa extreme rides na 'yun dahil napayuko ako sa bagay na nakalahad sa harap ko. Isa 'yung kulay blue na polo na may puting sripes na sa palagay ko'y dinesenyong pambabae at sa ilalim nun ay puting shorts.

              "Wear this instead, baby," ani Connor na siyang naglahad sa akin sa harap 'nun.

                 Kinuha ko 'yun at lumingon sa paligid. Maraming taong pabalik-balik ng lakad para siguro humanap ng masasakyan nila. May mga magpapamilya, barkada ngunit mas marami akong nakikitang magkasintahan. Para bang ginagawang love nest ang amusement park na 'ito.

               Dahil narin sa paglingon ko sa paligid, napansin kong wala si Nate. Nangunot ang aking noo dahil doon kaya napalingon sa akin si Connor.

                 "What do you think you're doing?" aniya.

                  "S-si Nate kasi... wala," mahinang sabi ko at saka lumilibot parin ang mata sa dagat ng mga tao.

                   Napamulagat ako ng abutin ni Connor ang aking palapulsuhan upang mas mapalapit ako sa kaniyang kinaroroonan. Pagkatapos niya akong hilain ay lumapat ang kaliwa niyang kamay sa manipis kong likod paikot sa aking bewang kaya ganito nalang ang tibok ng aking puso. Para bang nakipag-karera na naman ako sa mga kabayo.

                "Stop looking for that boy. I'm with you, Caina. I want your full attention on me only, baby,"

     
                Nanindig ata ang balahibo ko sa katawan dahil sa mismong tainga ko niya 'yun sinabi. Nangangamatis akong lumingon sa paligid dahil ramdam ko ang tingin ng ilang taong malapit kung nasaan man kami. Sa lagay ang pwesto namin ay para bang hinahalikan niya ako sa leeg.

                "A-alis na tayo dito, marami ng nakatingin Connor," mahina kong bulong sabay yugyog sa ng mahina sa balikat niya dahil ngayon naman ay nakasubsob na ang mukha niya sa aking leeg at ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na hininga doon at parang papanawan ako ng sariling hininga dahil doon.

               "As much as I want to hear you calling my name, I still want to hear you calling me baby. Your baby,"

              Lalo atang nadagdagan ng pamumula ang aking mukha sa gusto niyang mangyari. Kung noon ay naiilang at naninibago pa ako kung tatawagin ko siya sa kaniyang pangalan, ngayon pa kayang gusto niyang tawagin ko siya sa gusto niyang itawag ko sa kaniya.

                 "Come on, say it," aniya ng tumingala siya ng konti sa akin.

                  Nasa-gitna kami ng mga tao. Sa harap mismo ng roller coaster kung saan ay may mga bumababa ng tao at napapatingin sa gawi namin. At lalo ata akong hihimatayin sa klase ng mga tinging ipinupukol sa akin ng mga babaeng kabababa lamang doon at maging ang nasa paligid lamang.

                 Pilit kong pinatayo ng maayos si Connor bago itago ang mukha sa kaniyang dibdib bago magsalita.

                 "B-baby, alis na tayo dito,"

                 I hear him chuckled a little bit bago ko naramdaman ang kaniyang yakap at patak ng halik sa ulo.

                 "Let's go then," aniya bago kami umalis sa pwesto naming makaagaw atensyon.

                 Inayos ko ang manggas ng polo, itinupi ko 'yun hanggang sa aking siko at hinayaang naka tuck-in sa puting short na suot ko. Pinasadahan ko pa ng tingin ang aking sarili sa salamin bago lumabas sa public cr na nahanap namin kanina.


                Prente lamang na nag-aantay sa akin si Connor sa labas ng public cr. Masyado siyang maka-agaw pansin lalo pa't ngayon ko lang napagtanto na parehas ng kulay ang aming suot. Kaya hindi ko masisisi ang mga babaeng dumadaan na napapatingin sa kaniyang gawi, ngunit ni isa sa mga 'yun ay di man lang tinapunan ng tingin.

                "Gwapo naman niyan. May girlfriend kaya 'yan?" ani ng isang babaeng nakapila sa public cr.

                 Si Connor ba ang tinutukoy nila? Muli kong idinapo ang tingin kay Connor at sakto naman ang lingon niya. Ang kaninang masungit niyang mukha ay lumiwanag at naglabas ng isang magandang ngiti ng magtama ang aming mata.

                  "Ay girl! Bokya ka, may jowa na," ani siguro ng kaibigan niyon at ramdam ko pa ang tingin nila sa akin ng ngumiti ako pabalik kay Connor at bahagyamg kumaway.

                  Gusto ko sanang sabihing tama sila. May kasintahan na nga 'yun ngunit hindi ako. Ikakasal na nga sa susunod na buwan hindi ba?

               Dahil sa naalala ko 'yun ang ngiting naibigay ko kay Connor ay unti-unting nawala.

                  "What's wrong?" kulay na kulay ang pag-aalala sa kaniyang tinig ng makalapit na ako ng tuluyan.

               Ang excitement ko para sa amusement park ay biglang nawala.

              "W-wala. Pwede kayang umuwi na tayo?"

                Ikinulong niya ang aking mukha sa kaniyang kamay at pinakatitigan ako sa aking mata. Hindi ako magaling magtago ng emosyon kaya hindi ko talaga alam kung para saan ang luhang namumuo sa aking mata.

             "Fuck, baby, what's wrong?" aniya.

             Naalala ko bigla ang alok niya sa akin noong nakaraan pagkatapos ng aking kaarawan. Sa mismong kotseng binili niya para sa akin.

              Handa naba akong talikuran ang lahat para sa kaniya? Kaya ko ba?

              "K-kung sasama ba ako sayo kahit saan, kaya mo ba akong ipaglaban?" maliit ang boses na sabi ko habang nakatingin sa magagandang mata niya.

  _________________________

      Update po ulit. Di kasi tuloy exam ko next week haha.

        Ano sa tingin niyo? Sasama naba 'to si Caina? 🤔

 
         Lovelots ❤️ Enjoy reading, loves💕

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now