P22

1.7K 59 13
                                    

            Hindi ko na muling binuksan ang usapan namin ni Miss Vina kanina. Hinayaan kong matakpan na 'yun ng nagdaang oras.

           Pasado ala syiete na pero nandito parin ako sa condo ni Miss Vina. Bukod sa hindi ko naman masyadong kabisado ang pabalik sa village mula rito, paniguradong kulang rin ang aking pera para maka-uwi. Siguro'y pakikiusapan ko nalang muna si Miss Vina kung maaari akong magpalipas ng gabi rito.

              Tinuyo ko ang aking kamay pagkatapos kong mag-hugas ng aming pinagkainan. Itataob ko rin ito ngayon din.

           Pinupunasan ko ng marahan ang platong hawak nang marinig ko ang yabag ni Miss Vina papunta rito sa aking kinatatayuan sa kusina.

           "Caina?" ani Miss Vina.

           "Bakit po?" saglit ko pa siyang nilingon.

             Narinig ko ang pag-hila niya ng high chair at paniguradong umupo doon.

             "Sigurado kabang wala kang problema, anak?" may bahid ng pag-aalala ang kaniyang boses.

             Alam ko namang tatanungin ako ni Misa Vina ng paulit-ulit ngunit natatakot akong mag-sabi dahil baka maging iba ang tingin niya sa akin.

          Ang estudyanteng kilala niya ay may tinatagong isang kahibangan. Umibig sa hindi dapat.

           "'Wag kang mag-alala. Kung may problema ka man ay mananatiling atin lang Caina," paninigurado niya pa.

            Inilapag ko ang babasaging plato dahil ramdam at kita ko ang panginginig ng kamay.

             Humarap ako kay Miss Vina at tiningnan siya sa mata. Para bang lalo akong pinupursige ng kaniyang mata na sabihin kung ano ba talaga ang problema ko.

            Gusto kong sabihin sa kaniya pero siguro ay hindi ngayon.

              Pilit akong ngumiti at saka iniiling ang aking ulo para makasiguradong wala.

            "W-wala po," tumalikod ako uli at pinagpatuloy ang pagpupunas ng pinggan, " wala lang po talaga akong kasama sa bahay kaya bumalik po ako sa eskwela kanina. W-wala po ba tayong bagong review?" tanong ko pa.

             

           Napakagat ako ng aking labi ng marinig ko ang malalim na buntong-hininga galing kay Miss Vina. Alam kong hindi siya maniniwala kaya siguro ganoon na lamang ang lalim ng buntong-hininang ibinigay niya.

        "Okay. Basta kung may problema ka, wag kang matakot na magsabi sa akin. After all, I treat you not only my trainee but also my daugther, okay?" ani Miss Vina.

           Humarap ako't saka tumango. Alam kong maaasahan ko si Miss Vina ano mang oras. Alam ko 'yun pero siguro nga'y hindi ngayon.

            Parehas kaming napatingin sa pinto ng kusina ng marinig namin ang malakas na tunog ng doorbell ng condo. Tumayo si Miss Vina para siguro tingnan 'yun kaya't naiwan akong mag-isa sa kusina.

              Napalibot ang tingin ko sa condo ni Miss Vina at napagtantong tama lamang 'to para sa mga taong nais mamuhay mag-isa. Ngayon tuloy ay naiisip ko na ang aking kinabukasan. Makakapag-aral ako sa Maynila at kakalimutan ang lahat, maninirahan doon ng mag-isa hanggang sa matapos ako sa kolehiyo, kung matapos ko man, o di kaya'y ipagpapatuloy ko ang pangarap ni mama noong dalaga pa siya.

             Naiisip ko tuloy na hindi pa ako ganoon kahanda mamuhay mag-isa at maglabas ng desisyon para sa sarili ko. Maliligaw ako kung walang aalalay.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now