P36

981 31 2
                                    





                 Pinanood ko lamang si Connor sa kaniyang ginagawa habang hawak ko ang pendant ng kwintas na ibinigay niya sakin noong nakaraang buwan pa. Magaspang 'yun sa aking daliri dala ng mga batong nakapaloob doon. Isang bagay na nagsasabing engaged na kami at handa na sa susunod na pahina ng buhay hindi bilang magkasintahan kundi bilang kapareha sa habang buhay.


                Pinanonood ko siya habang inilalagay niya ang ilang damit sa isang back pack, seryoso niya iyong ginagawa habang bakas ang pagod sa gwapo niyang mukha. Gusto kong magtanong, mangulit o kung ano pa man ngunit ayaw ko ng dagdagan ang nakikita kong frustration sa kaniyang mukha.

             Uuwi si Connor.

             Hindi ko mapirmi ang aking damdamin sa kaalamang iiwan niya ako ng panandalian para umuwi sa kung saan kami nagsimula. Takot, pangamba, pag-aalala. Hindi ko na alam kung saang damdamin ko pa ba hahanapin ang dahilan kung bakit may luha na naman sa aking mata.

              Umangat ang kaniyang ulo at hindi na ako nag-abala pang punasan ang tumulong luha sa aking mata. Para bang nasa harap ko pa naman siya ngunit napupuno na ako ng pangungulila.

             Nakita ko kung paano lumambot ang kaniyang ekspresyon ng makita ang aking reaksyon. Nandito na naman ako sa pakiramdam na mag-isa, katulad noong naramdaman ko ng mawala si Mama.

              "H-hindi ba talaga akong pwedeng sumama?" Mahina kong sabi sa kaniya at para bang lalo pang nadagdagan ang aking luha ng makita ang kaniyang buntong-hininga.

               Tumayo siya ng tuwid at saka lumapit sa aking kinatatayuan. Inabot niya ang aking kanang kamay para mahila ako sa magaan niyang yakap. Agresibo kong ipinulupot ang aking mga kamay sa kaniyang bewang, pinaparating na ayaw ko ng bumitaw. Para bang isa ako sa mga bata na makakaranas iwan ng magulang pero ayaw bumitaw.

           Naramdaman ko ang pag-haplos ng kaniyang kamay sa likod ng aking ulo at paghalik niya sa tuktok niyon.

          "I will fix everything first, Caina bago kita isama pabalik. I just want you to trust me on this. I'll call every single day. Then I get back when everything is under control and mom is okay," aniya.

  
              Ayaw ko man, hindi ko siya pwedeng pigilan. Nasa masamang kalagayan ngayon si Tita Dona, naospital pala ito isang linggo na ang nakakalipas dahil nagkaroon ng mild heart attack. Masakit sa damdamin na baka dahil sa padalos-dalos na desisyon namin 'yun kaya ganito ang lahat ngayon. Maging ang kumpanya nila Tito Raf ay nanganganib dahil sa pagkawala ni Connor.

              Nakakunot ang aking noo at mabigat ang pakiramdam habang sinusundan ko siga pababa ng hagdan ng magandang bahay na 'to. Hindi niya rin ako isasama papuntang airport para ihatid sana siya aniya'y baka hindi na siya makaalis pag ganoon.

      
               Sinundan ko lamang siya ng tahimik habang nangingilid ang luha papalabas ng bahay. Pinanood ko lamang siyang ipasok sa backseat ng sasakyan ang kaniyang dalang bag.

                Humakbang ako ng paunti-unti hanggang nasa likod na niya ako, itinaas ko ang mga kamay ko para mayakap siya mula sa kung nasaan ako. Naramdaman ko ang pagkatigil niya.

               "M-mag-iingat ka doon ah? Ikamusta mo ako sa kanilang lahat lalong-lalo na kay Tita Dona pati kay Nanay Yel. Kakain ka ng maayos tapos—"

                 "I love you," aniya.

                Hindi ko napigilang higpitan pa lalo ang kapit sa kaniya. Nagbago na ang isip ko. Ayaw ko na siyang umalis, dito nalang siya. Baka pwede naman 'yun diba? Diba?

                  Inalis niya ang kamay kong mahigpit na nakayakap sa kaniya bago humarap sa akin. Sinapo ng maiinit niyang palad ang magkabila kong pisnge para punasan ang bakas ng luha doon bago halikan ang magkabila kong mata.

                "I don't like it when I see you crying, baby. I wanna see your smile before I go, can you do that?" malambing niyang tanong na ikinatango ko kaya hinila niya ako para yakapin.

              "I'm coming back home after this, Caina. I want you to take care of yourself for now, for me. Mabilis lang ako, babalik ako agad," aniya.

                Aantayin ko siya. Mabilis lang naman siya eh, kaya matiyaga akong mag-aantay.

                 Bumitaw ako sa kaniya at saka tinitigan ang kaniyang mukha. Ang magaganda niyang mata at iba pang bahagi ng kaniyang mukha.

                 Inabot ko ang kaniyang pisnge at ako na mismo ang lumapit para maglapat ang labi naming dalawa.

                Naramdaman ko ang pagkabig niya sa akin palapit bago tinugunan ng mas malakas na intensidad ang ibinigay ko. Gusto ko man tagalan pa 'yun ngunit siya na mismo ang pumutol niyon. Nanatili kami sa ganoong pwesto habang magkadikit ang aming noo.

              "Mahal na mahal kita," mahinang saad ko.

                 Nakita ko ang kaniyang pagngiti bago iminulat ang sariling mata at salubungin din ang aking tingin.

                   "I love you too, baby," aniya.

                   Ilang sandali pa kaming nagtagal sa ganoong kalagayan bago siya tuluyang bumitaw.

                    Malungkot at mabigat man ang aking loob sa pag-alis niya, pinilit kong ngumiti ng nilingon niya ako bago sumakay sa kotse. Nanatili na lamang ang aking mata sa papalayong sasakyan hanggang sa hindi ko na 'to matanaw.

                  Nilingon ko ang malaking bahay na nasa aking harap. Parang estranghero sa aking paningin ang paligid maging ang bahay dahil ako lamang mag-isa ngayon. My home is not here. His not here.

   
                Si Aling Daphnie naman ay 2 beses sa isang linggo kung pumunta sa mansyon para tulungan akong mag-linis ng mansyon netong mga nakaraan.

                  Wala siya kaya parang wala ring buhay ang mansion niya.

                  Ayos lang. babalik naman siya, mabilis lang ang mga araw. Mag-aantay ako ng matiyaga kasi mabilis din siyang babalik.

                Hindi ba?

————————————————————

             As a promise! Tsa-charaaan! Update before Christmas sabi ko diba?

            Advance Merry Christmas, loves! ❤️🎉

1/2

Caina (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα