P43

1K 40 17
                                    




                  Naglumikot ang aking mga mata, hindi alam kung saan dadapo o lilingon. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Para bang merong mga kabayong tumatakbo ng mabilis sa loob niyon.

           Sandali! H-hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya.

              Napawi ang ngiti ni Ate Francia at alam kong napansin niya ang pagkataranta ko.

               "Caina, I'm with my husband. Kami lang," saad ni Ate Francia.

                Alam ko ang dahilan kung bakit sinabi niya 'yun, ayaw ko mang aminin ngunit totoong gumaan ang pakiramdam ko. Ang kaninang nagririgudon kong puso ay tuluyang humupa.

             Kimi akong ngumiti kay Ate Francia. Wala parin siyang pinagbago, siya parin ang unang babaeng nagmulat sakin na kailangan ko ding maging mapag-ayos na dalaga. Pitong taon ngunit ganoon parin ang kaniyang pustura maliban nalang sa kaniyang tiyan na medyo malaki na. Buntis si Ate Francia.

            "Caina, pwede ba tayong mag—"

             "Caina! Pakiasikaso na nung isang table," ani ng isa sa mga katrabaho ko.

                Tumango ako at saka muling binalingan ng tingin si Ate Francia. Kita ko ang pagbabakasakali sa kaniyang mga mata. Gustuhin ko mang umupo at maka-usap siya, parang meron pa ring pangamba sa puso ko. Hindi na dapat ako magkaroon ng ugnayan sa pamilya. Masaya na ang lalaking una at huli kong minahal. At ako, masaya ako sa kung nasaan at meron ako ngayon.

                Nginitian at tinanguan ko na lamang si Ate Francia bago tumalikod upang bumalik sa trabaho kahit pa narinig ko ang kaniyang pagtawag. Tama. Nagkita kami ngunit hanggang doon na lamang. May pamilya na si Ate Francia at sigurado akong ganun din ang kapatid niya, parang nakikinita ko na kung paanong masaya siya ngayon sa piling ni Revina na sa una palang ay nararapat na ganoon naman talaga. Pinaglaruan lamang kami ng tadhana upang likuin namin ang daang hindi naman dapat namin tahakin ng pareho dahil sa huli, heto lumiko kami sa magkaibang dereksyon. Magkalayo at hindi na muling magtatagpo.

                 "Uuwi kana Caina?" rinig kong tanong ng isa sa mga katrabaho ko.

                  "Oo. Nag-aantay narin kasi sakin si Morgan sa bahay," nakangiting saad ko.

              Gaano man kapagod ang buo kong katawan sa buong araw na pagtayo at pagaasikaso sa mga table, lahat ng 'yun ay siguradong burado sa oras na makita ko ang aking anak. Maisip ko lamang na nag-aantay na siya sa akin sa bahay gumagaan agad ang aking pakiramdam. Parang walang problema ang hindi ko kayang harapin. He's my strength at mananatiling ganun 'yun.

             "Ikamusta mo nga pala ako sa gwapo mong anak. Ke-bata-bata pa, artistahin agad. Nasaan ba ang asawa mo? Hindi niya ba namimiss ang anak niyo?" pagkakuway tanong niya.

              Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa locker. Pilit kong pinagtatakpan sa mga katrabaho ko ang lagay ng aking buhay. Ayaw kong isipin nilang masyado akong kaawa-awa.

               "N-nagtatrabaho kasi siya sa malayo. Pero tumatawag naman 'yun sa amin. N-nakikita niya si Morgan," maliit ang tinig na sabi ko bago pinagpatuloy ang paglilipgpit.

                 Pagkatapos kong mag-ligpit ng aking mga gamit ay saka ako nagpaalam na ng tuluyan sa kanila. Sa likod pa ng resto ang labas namin papunta sa harap para hindi nakakaistorbo sa mga costumer na nasa loob pa ng resto dahil 24/7 itong bukas. Alas-siyete na ng gabi at tapos na ang shift ko bilang morning waitress kaya eto't uuwi na ako dahil dumating na ang kapalitan ko sa trabaho.

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon