P2

4.1K 88 2
                                    




Kinuha ko ang dalawang notebook ko sa bag at pati narin ang librong kailangan ko para sa takdang-araling ibinigay nang dalawa sa mga subject teacher ko.

Lumabas ako sa kwartong simula pa man noon ay kwarto ko na—warto namin noon ni Mama—atsaka dahan-dahang bumaba ng salaming hagdan ng mansion. Katulad parin ng dati, ang chandelier na naman na 'yun ang nagpapahanga sakin. Ibang-iba ang disenyo at nahuhumaling talaga ako.

"Doon ka na naman ba pupunta, Caina?"

Tanong sa akin ni Nanay Yel ng makasalubong ko siya habang papalabas ako ng mansion. Nandito na siya sa pamilya ng Volzkian bago pa man kami napunta ni Mama dito noon.

"Opo. Mas komportable po kasi akong gumawa ng takdang-aralin doon," nakangiti kong tugon.

Nakita ko ang pagdadalawang-isip niya kung papayagan niya ako ngunit sa huli, tinapik niya lamang ako sa balikat at sinabing umuwi din agad pagkatapos ko sa paggawa ng takdang-aralin.

Agad akong nagtatakbo papalabas ng mansion at sa malaking kulay gintong gate nito at saka tinahak ang masukal na daan hindi kalayuan sa mansion.

Rinig ko pa ang tunog ng mga tuyong dahon sa aking paa habang humahakbang ako. Hinayaan kong liparin ng mga mumunting hangin ang aking buhok pabalik sa kung saan ako galing. Maging ang mga huni ng ibon ay rinig ko din. At habang papalapit nang papalapit ako sa lugar, mas naririnig ko ang agos ng malinaw na tubig.

Tumayo ako nang tuwid ng marating ko ang gusto kong puntahan. Ang banayad na agos ng tubig sa sapa ang nagpaparamdam sa akin na kahit gaano man kahirap ang buhay, wag akong tumigil sa kung saan man ako naroroon sa ngayon.

Umupo ako sa flat na bato sa gilid kasama ang mga bulaklak na itinanim ko, ilang araw narin ang nakakalipas. Para kasi sakin mas magiging mapayapa ang lugar kung may makulay na bulaklak akong makikita tuwing mapupunta ako rito.

Sinimulan ko ng tutukan ang takdang-aralin ko. Sisiguraduhin kong pagkatapos ko dito, gagawin ko ulit ang lagi kong ginagawa sa sapa.

Excited kong tinapos ang lahat ng aking aralin bago nagmamadaling hinubad ang aking tsinelas at itinabi 'to sa tabi ng batong kinauupuan ko at saka dahan-dahang naglakad papunta sa sapa. Hindi ko rin talaga alam kung bakit naghahanap ako ng mga makikinis na bato at iba't ibang hugis sa ilalim ng malinaw ng tubig.

Sinimulan ko ng maghanap ng gusto kong mahanap. Umupo akong hindi lumalapat ang pangupo sa tubig dahil mababaw lang naman 'yun dahil tag-init. Nangapa ako sa linaw ng tubig para sa mga batong makikinis na tahimik na nakahimlay roon.

Pagkatapos kong makakuha ng isang puting bato, bumalik ako sa aking tsinelas at mga gamit at saka patakbong bumalik sa loob ng gubat na tatagos malapit sa mansion.

Lakad takbo ang aking ginawa ng matanaw ko na ang mansion. Nakasalubong ko pa si Manong Upeng na may dalang kabayo. Pauwi na siguro.

"O? Galing ka na naman doon?" ani Manong Upeng.

"Opo," nakangiting tugon ko.

"Aba'y mag-iingat ka sa pagpunta-punta mo doon sa sapa, Caina. Kahit pa sanay kana sa lugar na 'to hindi parin namimili ang masasamang loob ng bibiktimahin. Aba'y sa ganda mong 'yan, talagang di ka pagdadalawang-isipan ng mga hangal," aniya.

"Mag-iingat ho ako. Kayo rin po tapos paki-kamusta na lang po ako kay Odette," bilin ko pa bago tuluyang lumarga si Manong Upeng.

Si Odette? Matalik ko siyang kaibigan noon pa man at sana hanggang ngayon. Sinimulan niya akong iwasan ng nagsimulang lumapit-lapit sa akin si Nate sa eskwela. Ngunit para sakin, hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan para sa isang lalaki lamang.

Nag-lakad akong muli papunta sa dereksyon ng mansion at bago pa ako makarating doon. Nakita ko na agad ang dalawang kulay itim na sasakyan na halos kararating lang.

May bisita ba? Wala namang nabanggit sa akin sila Tita Dona.


Dali-dali akong pumasok sa loob ng gate at binabalak na sa likod nalang ng mansion dadaan dahil nakakahiyang makikita nila akong ganito. Madungis at basa ang ilang bahagi ng damit at ayaw kong mapahiya sila Tita Dona at Tito Raf sa oras na ipakilala nila ako sa mga bisita bilang bunsong anak, na lagi naman nilang ginagawa.

"Aba'y ano ka ba namang bata ka?!" pabulong na sigaw ni Nanay Yel ng dumaan ako sa likod na pinto ng kusina.

Agad niya akong tinakluban ng tuwalya sa ulo dahil sa basang bahagi ng aking buhok bago giniya papalabas ng kusina paakyat sa aking kwarto.

"Bakit po Nay?" untag ko.

Hinahanapan niya kasi ako ng maayos na maisusuot para sa hapunan. Ganun ba kaimportante ang bisita kaya kailangan magbihis?


"Hindi ba nasabi sayo, Caina?"

"Ang ano po?"


Ibinigay niya sa akin ang isang kulay dilaw na formal na bistida. Ito pa ata yung binili ni Tita Dona noong nakaraang buwan na may tatak na mamahalin. Nakakapanghinayang mang suotin, wala narin naman akong maisusuot na maganda-ganda.

"Ngayon ang dating ni Sir Connor kasama ang kaniyang kasintahan kaya bilis-bilisan mo na diyan," aniya.

Si Connor? Si Kuya Connor at ang kaniyang kasintahan? Gaano naman kaya kaganda ang girlfriend niya?

Hindi ko alam na ngayon pala ang balik ni Kuya Connor mula Espanya. May konting gulat pa akong nararamdaman pero parang may ibang damdaming mas nangingibabaw.

Pagkatapos kong magsuklay, lumabas na ako ng kwarto. Nakabukas na naman ang chandelier. Lalo na naman akong namangha.

Nang nasa huling baitang na ako ng hagdan, rinig ko na ang kanilang tinig maging ang sa kaniya. Kay Kuya Connor.

Malalim 'yun ngunit maganda sa aking pandinig. Siguro'y tuluyan na siyang nagbinata doon sa Espanya. Tingnan mo nga't umuwi ng may dalang nobya.

Kahit na nahihiya akong sumalo, tuluyan na akong pumasok sa dining area kaya napatingin sila sakin ngunit nanatili ang mata ko sa babaeng katabi ni Kuya Connor.

Maganda nga siya. Mukha rin siyang matangkad kahit naka-upo, at nasisiguro kong mas maganda ang hubog ng kaniyang katawan kesa sa akin na sa tingin ko'y hindi pa fully develop. Nakakapangliit.

"Caina, come and sit down," tawag sa akin ng nakangiting si Tita Dona.

Umupo ako sa tabi ni Ate Francia na nakangiti sa akin kaya nginitian ko rin siya. Hindi ko kayang tingnan si Kuya Connor ng ganito ang kaba ko. Baka lalo akong manginig sa inggit at...pangungulila.

"Rev, this is Caina. Our daughter," ani Tita Dona sa babaeng katabi ni Kuya Connor.

"Hi. You look stunning young lady," at maganda rin ang kaniyang boses.

"Salamat," saad ko bago ibinagsak ang tingin sa pinggang walang laman.

Narinig kong naiba na ang kanilang pinaguusapan kaya nagsimula na rin akong kumuha ng aking makakain kahit pa malapit ko ng maramdaman na malapit na akong manginig ng tuluyan dahil ramdam ko ang tingin niya.

"Caina,"

Ayaw ko naman talaga sana. Ayaw ko talaga pero kasi...

"Where's my welcome hug?" ani Kuya Connor.

... Hindi ko kaya.

—————

         Thank you for the votes😊 Ituloy na natin ang kwento ni Caina.

-Love,

Angelica P.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now