P6

2.7K 65 3
                                    




       "Gusto mo bang ihatid kita mamaya, Caina?" may pagbabaka-sakaling tanong sa akin ni Nate.

         Napahawak naman ako sa strap ng bag ko dahil nandoon ang cellphone ni Kuya Connor na iniwan niya upang magamit ko mamaya pag pauwi na ako. Kumonikasyon para masundo niya ako.

           "Hindi na, Nate. Kaya ko namang umuwi mag-isa," nakangiting tugon ko.

          "Kaya mong umuwi mag-isa o may mag-hahatid sayong umuwi mamaya?" Aniya at rinig ko ang hinanakit.

         Iniisip niya sigurong hindi ako pumayag magpahatid sa kaniya kasi may mag-susundo sa akin mamaya.

        Hindi ba't ganun naman iyon, Caina? Sabi ng aking isip.

          "Nate —,"

         "Sino ba 'yun?" may irita sa kaniyang boses.

         Oo nga't ilang beses ko ng itinumba ang pagpupursige niya, siya nga lang itong nagpapatuloy at nirerespeto ko ang kaniyang pasya pero obligado ba akong magpaliwanag?

          Hindi Caina, kasi nagpupumilit lang naman siya at isa pa, kapatid mo si Connor. Kapatid mo siya.

          Alam ko!

           "Kapatid ko siya, Nate. At parang wala tayo sa posisyon para magpaliwanag sa isa't isa?" kalmado ang aking boses.

          Nakita ko kung paano siya kumurap ng ilang beses at nag-iwas ng tingin. Hindi ko gustong maramdaman niya ang kahihiyan kaya't tinapik ko siya sa balikat na siyang ikinalingon niya.

        "Diba ihahatid mo pa ako kay Ma'am Vina?" nakangiting tanong ko.

         Oo nga't wala akong nararamdaman kay Nate pero isa na siya sa mga taong may puwang sa puso ko. Kaibigan ko siya at sigurado akong hanggang doon na lamang 'yun.

          "Gusto kong pag-aralan mo pa ng mabuti yung mga pointers na ibinigay ko sa 'yo Caina. Ilang linggo nalang bago yung competition sa loob ng paaralan at kung sinong manalo siya ang sasabak sa divison, gusto kong ikaw mismo ang magdadala ng pangalan ng school, okay?" ani Ma'am Vina.

         Sabadong-sabado nandito siya sa eskwela para lang tulungan ako sa review na ginagawa ko para sa paliksahan.

           Tinutulungan ko si Ma'am Vina sa pagliligpit ng mga librong aming ginamit ng dumating si Nate. Sumilip siya sa kung anong ginagawa namin at sakto namang nagliligpit na kami.

          Basa pa ang kaniyang buhok at bagong palit ng damit. Hindi ko naman itatanggi kung gaano kagandang lalaki si Nate. Matangkad siya, tama lang dahil isa siyang basketball player. May kaputian at magagandang pares ng mata, maliit ngunit matangos na ilong at isang hindi ganoong kanipis ngunit mapupang labi. Kaya hindi narin ako nagtataka kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya ngunit heto siya't ilang taon ng pinupursige ang aking sagot.

           "Why are you here Mr. Pascual? I think it's still your practice time?" may mababang boses na sabi ni Ma'am Vina.

           "Sorry, Miss. Alam niyo naman po kung anong ipinunta ko rito," ani Nate.

         At alam kong kahit di ako nakatingin, ramdam ko naman ang kaniyang titig sa aking likod. Hindi kumportable sa pakiramdam 'yun.

          "Nate, Nate, Nate. Matibay ka talagang bata ka. Malapit na kaming matapos, hintayin mo nalang si Caina sa labas," sabi ni Ma'am Vina at may konteng tawa pa sa dulo.

           Ibinalik ko sa kaniyang desk ang mga libro. Kung anong ayos niyon kanina ay ganoon ko ring ibinalik.

           "What do you think about Nate, Caina?" rinig kong sabi ni Ma'am Vina.

           "Miss?"

          "Si Nate. Matagal na 'yung nanliligaw sayo diba? Why don't you answer him already? Alam ko namang di ganoong kahigpit sa 'yo ang mga Volzkian,"

           Wala namang problema sa publisidad. Ako mismo ang may problema. Alam na alam ko sa sarili ko kung ano yung mali, iniiiwas ko naman pero sadyang sirang plaka lamang to na paulit-ulit.

          Ngumiti lamang ako kay Miss Vina.

          "Perhaps may gusto kabang iba?" may panunuya sa boses ni Ma'am Vina.

          Kung si Tita Dona ay pangalawa kong ina, si Miss Vina naman aking pangatlong ina dito sa eskwelahan.

         Tsaka ako? May nagugustuhang iba?

         Pumasok kaagad sa isip ko ang gwapong mukha ni Kuya Connor at ramdam ko na naman ang kung ano mang nasa loob ng tiyan ko.

           Gusto naba ang tawag dito?

           Kumurap ako ng ilang beses.

          "W-wala po Miss Vina. Seryoso lang po talaga ako sa pag-aaral," sabi ko.

          "As you say so," nakangiting sabi ni Miss Vina at sabay na kaming lumabas ng faculty.

        Naabutan namin si Nate na nag-aabang sa amin. Ngumiti ako ng kawayan niya ako at si Miss Vina. Nag-paalam narin naman si Miss Vina at nag-iwan ng ilang paalala bago kami iniwan ni Nate.

          "Sigurado kabang ayaw mong magpahatid?" tanong ni Nate.

        Tumango naman ako. Pahirapan ko pa siyang pinaalis ng nasa harap na kami ng eskwelahan ngunit umalis din naman ng makumbinsi ko kinakaunan.

          Sabi nga pala ni Connor na itext ko siya kung sakaling gusto ko ng umuwi. Kaya kinuha ko agad yung mamahalin niyang itim na cellphone na  iniabot niya sakin kanina.

           Tumingin muna ako sa paligid. Baka mamaya'y may magka-interes, wala akong maipapalit dito.

           Hinanap ko ang buton na bubuhay sa cellphone, nasa tuktok yun ng cellphone.

            Pakiramdam ko dapat hindi ko binuksaan ng ganito kabilis ang cellphone na hindi naman akin lalo na't kung bubunyag sayo ay ang litrato ni Kuya Connor sa isang magandang kuha.

        
          Si Connor na walang pang-itaas, bukas ang pantalon na mababang nakasabit sa kaniyang baywang habang nakasandal sa pinto ng kung ano at may kakaibang ngiti sa labi. Mga litratong hindi ko kakayanin.

   
———————-

       Makauwi pa kaya to si Caina o baka titigan nalang niya yung cellphone hahahahaha.

         Bukas na lang ulit yung UD :)

      Enjoy reading and thank you!

Love,

Seren/ Ate Pineloves or Angelica P.

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon