P27

1.4K 34 3
                                    




                Hindi ko alam kung papaanong ganito karami ang aking bisita eh halos wala naman akong malapit na kaibigan sa eskwela, maliban sana kay Odette kung hindi lamang siya gumagawa ng pagitan sa aming dalawa.

             Panay ang aking ngiti at pasasalamat sa bawat taong lumalapit sa aking pwesto upang ibigay ang kani-kanilang regalo. Ang iba nga ay halos hindi ko na kayang isipin ang presyo at yung iba naman ay tama lamang na magagamit ko sa hinaharap. Malaki na talaga ang pasasalamat ko kila Tita Dona at Tito Raf para mag-abala pang idaos ng ganito kabongga ang aking kaarawan.

             "Maligayang kaarawan, hija," ani Tatay Upeng ng tuluyan na siyang makalapit sa pwesto ko.

            Para bang hinaplos ang puso ko ng makita kong iniaabot niya sa akin ang isang paper bag na kulay asul, alam kong hindi ito ang pinakamahala at lalong alam kong hindi ito ang pinakamaganda sa lahat pero ang ang nagpapakita na hindi mahalaga kung mahal, mura o maganda ang isang regalo ang mahalaga ay maappreciate mo 'yun galing sa taong nagbigay.

           Sinilip ko ang loob ng regalo ni Tatay Upeng, nakikinita ko na na isa iyong kulay dilaw na pang-taas na may print sa harap.

           "Maraming salamat po 'Tay. Salamat po at nakapunta kayo," saad ko.

          "Hindi nga sana hija kasi alam kong para lamang to sa mga sosyal na gaya niyo, ngunit pinilit naman ako netong apo ko," may kiming ngiting sabi ni Tatay Upeng.

             Si Oddette? Idinapo ko ang aking paningin sa kaniyang likod para makita si Odette doon na nakayuko at may hawak na maliit na paper bag.

             "Talaga po?"

            "Aba'y oo, sya Odeng, ibigay mo na ang gusto mong ibigay," lingon ni Tatay Upeng kay Odette.

           Nakayukong pumunta sa aking harap si Odette, simpleng kulay pulang dress ang kaniyang suot. Maganda naman ito kaya hindi ko talaga siya maintindihan noon kung paanong ikinukumpara niya ang sarili niya sa akin gayong iba ako at mas lalong iba siya. Ginawa tayong lahat sa paraang wala tayong katulad kaya wala rin dapat na ikinukumpara.

             "Buti nakapunta ka," mahina kong sabi, sapat lang para marinig niya kahit pa may tugtog sa paligid at sabay ang ingay ng mga taong nag-uusap.

            "Happy birthday, Caina," aniya at saka iniabot sa akin ang maliit na paper bag.

            Nakangiti kong kinuha yun sa kaniya at saka binuksan, may dalawang pares iyon doon ng isang bracelet. A friendship bracelet. Binubuo ng mga light na uri ng kulay, at ang pinakamalaking espasyo doon ay may nakasulat na pangalan naming dalawa.

           "P-pasensya kana, yan l-lang kasi ang kinaya ko. Sa t-tingin ko naman ay nasayo na ang l-lahat kaya—"

            "Ito ang pinagusto ko, Odeng," nakangiting sabi ko.

            Kinuha ko ang pares at saka sinuot ang isa at inabot ang kaniyang palapulsuhan para isuot din doon ang isa.

          "C-caina," usal ni Odette habang may nagbabadyang luha sa kaniyang mata.

            "S-sorry. Hindi ko n-naman—"

            "Pinapatawad na kita, matagal na. Wala kang dapat ihinge ng tawad. Sasamahan mo naba ako sa library sa mga susunod na linggo?" nakangiti kong tanong.

            Pinunasan naman niya ang kaniyang luha bago tumango sa akin at niyakap ako.

            Bumalik na ang kaibigan ko.


**

            Akala ko'y tapos na ang gabi ngunit nandito na palang kami sa pinaka sentro ng aking kaarawan. Ang 18th roses. Ang pinakamagandang bahagi ng gabi.

               Malinis na ang dance floor at naka-dim nadin ang mga ilaw. May ilaw na nakatutok sa gitna ng intablano na para bang pag pumasok ka doon ay ikaw lamang ang tao sa buong silid.

                Napalingon ako kay Tito Raf ng inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harap.

              Ito ang pangarap ko sa lahat, maisayaw ako ng sarili kong ama ngunit alam kong imposible iyon ngunit nandito si Tito Raf para punoin ang kulang sa pinaka-importanteng araw sa buhay ko, ang maisayaw ng isang ama sa mismong kaarawan.

             Iniabot sa akin ni Tito Raf ang isang rosas at nakakatuwang nag-bow sa aking harap bago ako iginiya sa pagsasayaw.

             "Happy 18th birthday little Caina," bati sa akin ni Tito Raf.

            "Maraming salamat po sa lahat ng 'to," taos puso kong pasasalamat.

           Totoo iyon na nanggaling sa kailaliman ng aking puso. Sobra ang pagmamahal at pagpapagahalaga ang ibinibigay nila sa akin kaya sabihin niyo paano ko tatalikuran ang payapa at maayos na buhay na meron ako para sa pag-ibig?

             "You deserved more than this. Alam namin kung gaano kahirap lumaki ng walang ama at ina, Caina. Kaya nandito kami ng Tita Dona mo para punan ang lahat ng 'yun. Ang gusto lang namin ay tanggapin mo din kami ng buo sa puso mo bilang bago mong pamilya," ani Tito Raf.

            "Higit pa po sa pagtanggap ang gusto kong ibigay. Hindi ko po kaya bibiguin," nagbitaw ako ng salitang hindi ako sigurado.

            "Okay, its time to let go. Enjoy the night little Caina, happy birthday and you are always welcome to the family," ani Tito Raf bago ako hinalikan sa noo at iabot sa kasunod kong kasayaw.

              Ang ilan pa sa nakasayaw ko ay mga kaklase ko na medyo napalapit na sa akin at ang iba naman ay kamag-anak ng mga Volzkian.

           Tumigil kami ng sayaw ng aking kapareha at saka ito nag-bow sa akin bago umalis sa harap ko kaya naiwan akong mag-isa sa gitna, iyon ang aking ika-17th dance at ngayon ay hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kulang. Pakiramdam ko hindi tamang wala ang taong inaantay ko sa listahan.

 
              Kahit may munting kaba, pinilit kong luminga sa paligid. Isang sayaw nalang at wala ng pag-asa pang makasayaw ko siya ngayong gabi.

              Nakatayo lamang ako sa gitna ng malawak na bulwagan. Hawak ko ang punpon ng labing pitong rosas at isa nalang ang kulang. Ang panghuli ay manggagaling kay Nate, sa aking nobyo.

           Tuloy parin ang tugtog ngunit masyado ng matagal ang itinatayo ko dito kaya ramdam ko na ang titig ng mga tao, ang ilang bulungan kung nasaan na ang huli kong sayaw o meron ba akong pang huling sayaw. Nakita ko din ang pagtayo ni Tita Dona at may bahid ng pagaalala ang maganda niyang mukha. Siguro'y iniisip niyang mapapahiya ako ng malubha na talagang baka mangyari.

               Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kay Nate, bakit sa dami ng pagkakataon bakit ngayon pa?

             Nagsimula na akong maglakad ngunit bago pa man ako mawala sa liwanag na ginagawa ng party organizer kung hindi lamang may pumigil sa akin at hinila ako pabalik at saka hiniharap sa kaniya.

            Hindi ko maiwasang langhapin ang mabago netong amoy. Ramdam ko kung paano dumausdos ang kamay kanan netong kamay sa kaliwa kong palad, at ang kaliwang kamay sa likod kong ramdam ang lamig.

               "I got you, baby. Always will,"

————————————————

        Update po muna bago po ako sumabak sa matinding review para sa exam ko next week haha.

         Sana sapat na muna to ngayon kahit alam ko pong sobrang tagal kong pong mag-update 😪

          But anyways! Thank you parin sa mga nag-aabang! Malapit na tayong mag 20k reads, yey! 💕

         Wish me luck para sa exam ko and enjoy reading 😊💕

     
         Love lots ❤️

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now