P28

1.3K 44 4
                                    




   
          Natapos ang gabi nang wala si Nate. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung magagalit ba ako sa kaniya o magtatampo o ano dahil sa totoo lang kahit ni konti ay wala akong nararamdamang sama ng loob. Na para bang ayos lang kung nandoon man siya o wala, kung naisayaw niya ba ako o hindi.

            Kalalabas ko lang sa aking banyo nang aking pakatitigan ang napakaraming regalo na nakapatong sa aking kama, ang iba na malalaki ay patong-patong na lapag. Halatang mga mamahalin dahil nakalagay pa sa mga ribbon niyon ang mga brand. Hindi ko na maatim pang tanungin kung ano ang mga 'yun at kung magkano dahil talagang lalo kong maiisip na napakalaking gastos ang nagawa ng birthday ko.

           Sa gilid ng aking vanity mirror ay nakasuot sa isang mannequin ang sinuot kong gown kanina sa party. Hindi na 'yun ibinalik sa gumawa dahil personally made na daw 'yun at sa akin na kahit hanggang kailan ko gustuhin.

         Umupo ako at saka inabot ang isang kulay gold na maliit na paper bag, inilabas ko ang laman niyon. Isa iyong mamahaling pabangong pambabae. Galing aga ito sa isa sa mga schoolmate ko na hindi ko naman talaga kalapit ngunit nag abala pang pumunta at magbigay ng ganito kamahal na regalo.

  
                Sa dami ng regalo sa harap ko, pakiramdam ko ay kulang parin. Nararamdaman kong kulang hindi dahil gahaman ako kundi dahil may gusto akong makitang regalo galing sa taong inaasahan ko.

              Nilingon ko ang maliit na box na nasa bed side table ko. Iyong binigay kanina ni Ate France, susi ng isang kotse at isang condo na kung tama ang pagkaka-alala ko ay nakalokasyon pa sa Maynila.

           Kinuha ko ang susi ng kotse at saka dahan-dahang lumabas ng aking silid. Gusto kong makita ang kotse at alam kong nakaparada lamang 'yun sa labas ng mansyon. Nagpapahinga na ang mga tao sa aking palagay, siguro naman ay hindi na nila maririnig pa kung sakaling patutunugin ko ang kotseng iniregalo nila sa akin hindi ba?


             Aaminin kong naeexcite din ako sa isiping pwede na akong pumunta sa kung saan ko gusto dahil dito pero hindi naman ako marunong magdrive ng isang kotse. Isa pa natatakot din ako, baka dahil sa pag-aaral mag-drive ay mapasama pa ang kotse pero wala namang masama kung susubukan ko hindi ba?

               Isang simpleng cotton short nalang ang aking suot at isang spaghetti strap na sando ngunit mayroon naman akong jacket na suot at isang flip flops, hindi naman ganoon kalamig sa labas ngunit mas maganda ng maingat kesa madala pa sa sakit.

            Buti ay naipusod ko ng maayos ang aking buhok kaya hindi iyong masyadong nagulo ng makalabas ako ng pinto ng mansyon at sumalubong sa akin ang malakas na hangin.

            Naglakad ako palapit sa mga kotseng nakahelera sa tapat. Pinatitigan ko ang susi at remote na nasa aking kamay bago ko pinindot ang maliit na boton na nandoon.

             Nagulat pa ako sa pagtunog ng isang sasakyan sa di kalayuan. Nilapitan ko 'yun upang makita ng maayos.

             Kulay silver 'yun at napakakinis. Halatang bago. Sa tingin ko ay isa itong 2016 BMW 3 Series at iniisip ko palang ang presyo niyon ay pakiramdam ko hindi mabubuo ng baon ko sa buong college life ko ang presyo ng sasakyang 'to!

           Dumulas lamang ang aking mga daliri sa makintab nitong labas. Natatakot tuloy akong galawin ang sasakyang 'to dahil alam ko na napakamahal niyon. Binuksan ko ang pinto ng driver seat kaya bumungad sa akin ang napaganda at mabagong amoy na nanggagaling sa loob ng kotse. Mukhang pinalinis na nila 'yun.


              "You like it?"

            Muntik ng lumabas ang puso ko sa gulat ng dahil doon. Napatayo ako ng tuwid at saka mabilis na isinara ang pinto ng kotse. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilty na pinakialaman ko ang kotse gayong akin naman 'yun.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now