P45

1.1K 40 23
                                    





                  Hinimas ko ng magaan ang buhok ni Morgan. Tulog ito at nakapatong ang ulo sa aking mga hita at nakaangat naman sa upuan ng sasakyan ang katawan. Sa edad nitong anim na taon, masyado itong matangkad kaya bahagya pang nakabaluktot ang kaniyang mga tuhod upang magkasya sa upuan.

               Napatingin ako kay Ate Francia ng makita ko siyang nakatanaw sa amin sa rear view mirror. Tanda ko pa ang gulat at mangha sa kaniyang mga mata ng makita niya si Morgan. Hindi naman talaga maipagkakaila na anak ng kaniyang kapatid ang batang nakita. Halos wala itong nakuha sakin. Alam kong gusto niya akong tanungin kung bakit tumakbo pa ako gayong may anak kaming dalawa ngunit nanatili siyang tahimik at hindi na nag-usisa. Inaantay na ako na lamang ang magsabi ng kusa.

              "How old is he, Caina?" rinig kong tanong ni Ate Francia.

              "Six years old na siya, Ate,"

              "He has so many resemblance with him. Tiyak kong mamamangha din siya pag nakita niya si Morgan," nakangiti nitong sabi kaya ngumiti nalang rin ako.

                Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Tinatahak namin ang daan papunta sa airport dito sa Palawan papunta sa Manila. Alam kaniya niya na sa wakas, ito na, uuwi na ako kasama ang anghel naming dalawa. Ayaw ko mang aminin pero totoong natutuwa at nasasabik din ang puso ko ngunit hindi 'yun panandalian. Naisip ko, paniguradong nasa tabi na niya ang asawa niyang si Revina. Siguro'y hinanap niya ako dahil alam niyang may anak kaming dalawa. Siguro ay gusto niya lang makita ang anak namin at hindi naman talaga ako kasama. May kirot ngunit ano ba naman 'yun kung magiging masaya naman ang anak ko, hindi ba?

         
               "A-alam ba niya Ate France?" maliit at may nginig sa boses na tanong ko.

               Kita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon sa akin ni Ate France na nakaupo sa shot gun seat.

                "Hindi, Caina. Gusto kong bigyan siya ng malaking surpresa at kayo 'yun. Ikaw at ang anak niyo. Siguro ngayon ay mas gaganahan na siyang gawin ang mga therapy na kailangan niya lalo na kung may suporta ng kaniyang pamilya," ani Ate France.

            Tumango na lamang ako. At saka pinagpatuloy ang paghimas sa malambot na buhok ni Morgan.

             Hindi naman ganoon katagal ang biyahe papuntang airport. Mabilis lang ding nakapagpabook ng flight at makabili ng ticket.

              Inayos ko ang suot na polo ni Morgan. Ito ang pinakatatago kong damit niya dahil hindi naman ganun kalakihan ang sahod ko doon sa resto. Minsan ko lamang siyang mabilhan ng magaganda at mamahaling damit kaya pinakatatago ko talaga ang mga nabibili ko sa kaniya.

              "Saan tayo sasakay mama? 'Dun ba sa mga malalaking sasakyang lumilipad?" tanong sakin ni Morgan habang inaantay namin ang aming flight.

                "Oo, baby. Doon tayo sasakay," nakangiti kong tanong.

                "Wala na po bang ibang sasakyan? Pakiramdam ko po kasi matatakot ako ng sobra, mama eh!" nag-aalala netong sabi.

                Niyakap ko to at saka hinalikan sa ulo. Mabilis nga talaga ang panahon, kung dati ay puro iyak at karga ko pa siya ngayon naman ay halos ayaw ng magpaligo sa akin dahil malaki na daw siya at kaya na daw niya ang kaniyang sarili.

              "Nandoon naman ako. Katabi moko at syempre yayakapin kita para di ka matakot,"

                Bahagya pa tong nag-isip bago ngumiti ng malapad at niyakap ako.

                "Sige po, mama tabi tayo ah? I love you po ng million million times!" masiglang saad neto at saka madiin akong hinalikan na nakapagpatawa sakin.

                  Nakangiti parin akong pinagmasdan si Morgan na paandarin ang truck na laruan sa tiles ng airport. Siguro pag nakilala na niya ang kaniyang ama, mamimiss ko ang mga yakap at halik niya. Paniguradong gugustuhin niyang magkaroon ng quality time kasama si Connor at syempre wala naman ako sa posisyon para ipagkait 'yun sa kanilang dalawa. Lalong-lalo na sa anak ko.

               Hindi naman nagtagal at natawag na ang aming flight. Kita ko pa ang kaba kay Morgan ngunit agad ding 'yun nawala ng tuluyang makalipad ang eroplano, natuwa ito sa mga ulap na dati ay sa baba niya lang nakikita. Minsan niya naring pinagkamalang malalaking cotton candy ang mga 'yun na nasa langit ngunit agad ding napalitan ng disappointment ng malamang hindi naman talaga 'cotton candy' ang mga 'yun ng nagsimula na itong mag-aral.

              Mahigit isa't kalahating oras lang naman ang biyahe mula Palawan at Manila kung sakay ka ng eroplano. Ngayong nandito na kami para bang gustong umurong ng paa ko, gusto ko nalang bumalik sa Palawan at doon ipagpatuloy ang buhay naming dalawa ni Morgan.

              Paano kung gusto niya palang kunin ang anak niya sakin? Paano na ako kung mangyayari ang bagay na 'yun?

               May pangamba man tuluyan parin kaming sumama kay Ate France. Muling sumakay sa kanilang sasakyan at tinahak ang daan papunta sa kung nasaan ang mansyon. Maraming mga gusali ang nadagdag at may ilan-ilan ding mga bagong tayong mga store. Totoo ngang sobrang tagal na ng panahong nawala ako sa lugar na 'to.

            Habang tumatagal ang biyahe mas lalong nagiging pamilyar sa akin ang mga daan. Maging ang dati kong eskwelahan ay nadaanan namin. Mabagal ang takbo ng sasakyan dahil kay Ate Francia ngunit ganun naman ang bilis ng kabog ng aking dibdib.

               At mas dumoble iyun ng nasa harap na kami ng gate.

                "A-Ate Francia," tawag ko.

                Nakahimpil ang sasakyan sa harap ng gate. Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang tumango kay Ate Francia.

                Ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng mansyon ng mga Volzkian ay siyang nagpatigil din sa tibok ng aking puso. Habang ang anak kong si Morgan ay mangha at excited sa mga nakikita ako naman ay abot-abot sa langit ang kaba.

              Handa naba ako? Kaya ko na ba? Higit sa lahat, handa naba ako magkaroon ng kahati sa anak ko?

————————————————————

UPDATE: 2/2🌼🌸

             DOUBLE UPDATE FOR EVERYONE!❤️

             ENJOY READING LOVELY SUNSHINE!🌼🌻 SEE YOU SA NEXT UPDATE!🌸

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now