P39

1K 33 4
                                    



Binuksan ko ang drawer kung saan ko inilagay ang tatlong stick ng pregnancy test noong nakaraan. Nagpabili din ako ng ilang maliit na box na kasya ang tatlong stick na hawak ko dahil gusto kong salubungin si Connor ng pinaka-importanteng regalo sa buhay namin ngayon.

Maliit lamang yung box ngunit pinagihigan ko ang pagdedesign. Inilagay ko ng helera ang mga pregnancy test stick sa loob at saka pinatungan ng makinis at malambot na klase ng papel bago tinakpan at nilagyan ng isang pinaghalong asul at pink na ribbon bago itinabi 'yun sa tabi ng kama.

Ang sabi niya kay Aling Daphnie ay uuwi na siya ngayon kaya ngayon ko ginawa yung regalo. Hinalungkat ko din ang aking mga damit para maghanap ng maganda at fresh na masusuot para masalubong ko siga mamaya.

Pinili ko na lamang ang isang kulay dilaw na wrap dress. Simple lamang 'yun ngunit hindi din panget tingnan sa isang babae. Inayos ko din ang aking buhok at ang kwarto bago bumaba upang puntahan si Aling Daphnie.

Ayaw ko naman talaga masyadong makaabala kay Aling Daphnie ngunit pinagbigyan niya ako sa request ko na mamalengke ng maaga upang makapagluto din ng mga gusto ni Connor para sa pagdating niya.

Pinagbigyan rin ako ni Aling Daphnie sa pag-tulong sa kusina kahit wala naman talaga akong masyadong karanasan sa pagluluto ng mga putaheng gusto ni Connor. Siguro nga'y dapat ko ng simulang mag-aral magluto dahil hindi habang buhay na kaming dalawa lamang ang magkasama. Madadagdagan na kami at hindi ako pwedeng umasa na laging si Connor ang mag-luluto para sa akin o sa amin ng magiging anak niya. Gawain ko dapat 'yun dahil babae ako at magiging asawa niya sa hinaharap.

"Liitan mo lamang ang paghiwa, hija, ng sibuyas. Masyado iyang malalaki," ani Aling Daphnie habang pinagmamasdan akong maghiwa ng sibuyas para sa niluluto naming adobo.

Pinakatitigan ko naman ang malalaking hiwa ng sibuyas sa aking harap dahil sa takot kong maidamay ang aking mga daliri. Maluha-luha narin ako dahil sa ginagawa ngunit ayaw kong paawat.

"Ako nalang diyan, anak. Kung gusto mo talagang tumulong sa akin, mas mabuti pang umupo ka na lamang diyan at panoorin ako upang di ka mapagod. Masama 'yun bilang isang buntis," saad na naman ni Aling Daphnie at saka kinuha sa aking kamay ang kutsilyo at iginiya ako sa pag-upo sa mataas na upuan na nasa kitchen para mapanood ko na lamang siya.

Siguro'y mag-aabot nalang ako ng mga bagay-bagay na kailangan ni Aling Daphnie sa pagluluto.

"Kailan ang check-up mo niyan, Caina?" magiliw na tanong ni Aling Daphnie.

Napayuko ako at napaisip dahil hindi ko rin alam kung kailangan nga ba o saan nga ba. Bago ako sa tatahakin kong daan kaya natatakot akong ilakad ng mag-isa ang paglalakbay na to ng ako lang.

"H-hindi ko pa po talaga alam, Aling Daphnie. Kailan po ba dapat?"

"Ilang week naba? Dapat ay meron kanang check-up kahit sa ika-apat hanggang ika-dalampu't walong lingo ng pagbubuntis, kahit isang beses lamang para alam mo kung ano ang mga dapat mong iwasan o inuming vitamins para maalagaan mo ng maayos ang yung katawan," payo pa ni Aling Daphnie.

Agad kong ipinasok sa utak ko na sa oras na maka-uwi si Connor ay magpapacheck-up ako. Gusto kong kasama ko siya sa unang health consultation namin sa aming magiging anak.

"Sige po, tatandaan ko yan," nakangiti kong tugon.

Hinarap ako ni Aling Daphnie pagkatapos niyang takpan ang niluluto. Ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Alam naba ito ni Connor, hija?" aniya.

Napangiti ako ng maisip ko ang nagawa kong regalo kanina na nasa kwarto namin sa taas ngayon. Napaka-cute niyon sa paningin ko at maisip ko palang ang magiging reaksyon niya sa ibibigay ko ay parang nanunibig agad ang aking mata sa saya.

"Hindi pa po. Pero may inihanda na po ako para malaman niya po ito pag-uwi niya,"

Ilang segundo pa akong pinakatitigan ni Aling Daphnie bago tumango at tinungo ang niluluto.

"Gusto kong malaman mo Caina na hindi madaling maging isang ina. Hindi ito trabaho na may sweldo at pwedeng magretiro. Respondibilidad ito bilang isang babae at asawa. Ito ang klase ng larangang hindi mo na kailangan pag-aral dahil natural sa atin. Walang kapantay at puno ng sakripisyong hindi ka masasaktan dahil para iyon sa anak mo," nilingon niya muli ako.

"...Gusto kong malaman mong naniniwala ako sayo bilang isang ina na magiging mabuting may-bahay ka at ina sa iyong magiging anak," pagpapatuloy niya pa.

Napangiti ako dahil doon. Itatatak ko 'yan sa aking isip Aling Daphnie.

Tumulong ako kay Aling Daphnie ng ilang beses sa kusina bago ko narinig ang pagdating ng isang kotse. Maging ang pagbukas ng gate ng bahay ay rinig ko din kaya agad kong binitawan ang mangkok na hawak.

Masyado pang maaga ngunit nandito na siya?! Hindi pa kami tapos magluto ni Aling Daphnie.

"Puntahan mo na hija. Ako ng bahala dito," ani Aling Daphnie.

Hinubad ko agad ang suot na apron at bahagyang inayos ang aking buhok at saka lakad-takbong pumunta sa pingo upang buksan 'yun ng malaki.

Nang aking buksan ang pinto ng bahay, para bang bumagsak ang nararamdaman ko. Ang saya ay napalitan ng takot, pangamba, pagtataka at iba't ibang klase ng emosyon.

Pinakatitigan ko ang taong naglalakad palapit at ganoon din siya sa akin habang may panunuyang ngiti.

"So, this is your home-sweet-home?" aniya.

At sa oras na 'yun alam ko ng hindi maganda ang mangyayari. Hindi. Wag ngayon, pakiusap.

———————————————————-

Baka mapadalas na tayo ngayon sa update kasi eager nadin akong matapos 'to kasi nakita ko loves yung post ng PSICOM Publishing na tumatanggap na sila ng manuscript at wala pang deadline. Gusto kong itry na ipasa itong Caina because there's no harm in trying naman eh haha.

Sana matagal pa ang deadline pero malapit na po ang end ng kwentong 'to. Napi-feel ko na po haha.

Btw, unang drop ko po sa madaling araw! Early greetings for Goodmorning!❤️

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now