P40

1K 29 9
                                    




              "So, this is your home-sweet-home?" Aniya.

              Labis ang tahip ng aking dibdib. Hindi ko inaasahan na siya ang bubungad sakin sa pagbukas ko ng pinto.

  
               Matingkad na kulay pula ang kaniyang suot, hapit iyon sa magandang hubog ng kaniyang katawan at may pares na malaking pulang sombrero. Mataas ang kaniyang takong at matalas ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

               "R-revina," walang lakas na saad ko.

                Ngayon ko nararamdaman ang kagustuhang lumuhod sa harap niya at magmakaawa na wag ngayon, kahit wag nalang ngayong araw kasi importante 'to, mahalagang araw para sa akin to para sa pag-uwi ni Connor. Para bang gusto kong sabihin na kung pwede ay sa sunod na araw nalang kung maaari, pwede ba 'yun?

               "It's pretty. Homey. Maganda ngang bumuo ng pamilya dito," aniya muli bago tuluyang pumasok at pinagapang ang mga daliri sa kagamitan.

                  May nginig man sa tuhod ngunit sinundan ko siya sa kung saan niya naisin pumunta.

                  "Do you expecting him today?" Ani Revina bago umupo sa sofa sa sala.

                  Nanatili akong tahimik at tinitigan lamang siyang pinagmamasdan ang buong sala bago ibinalik sa akin ang tingin.

                "Sit, Caina. Kinakausap kita," madiing sabi niya kaya dahan-dahan akong umupo sa kaharap na upuan.

                 Balisa akong yumuko at pinaglaruan ang aking mga daliri. Sa pag-yuko ko ay siya ko namang kita sa kwintas na nakasuot sa akin. Bigay ni Connor. Ramdam kong babalik siya, babalikan niya kami.

                   "Don't wait anymore, little Caina," rinig kong sabi ni Revina na nagpaangat ng tingin ko sa kaniya.

                 Maaaring hindi pa nga ako nakakatungtong ng koleheyo at nakakapagtapos ng sekondarya pero hindi ako bobo para hindi maintindihan ang sinabi niya. Huwag na akong maghintay? B-bakit? Maghihintay kami. We are his home.

               "U-uuwi siya," mababang tinig na sambit ko.

                Napalingon sa akin si Revina at tiningnan ako na para bang nakakatawa ang binanggit kong mga salita.

                  "You're fooling yourself, child. Can't you see? Kung uuwi siya, nasan na?"

                   "Alam kong uuwi siya," pagdidiin ko pa.

                    "He won't. Sa tingin mo ba pagtiya-tiyagaan ka ni Connor? Ilang taon kana ba? 18? Nakuha na niya ang gusto niya sayo, Caina! Ako ang kasama siya sa maraming taon kaya mas kilala ko siya kesa sayo. Connor only wants to play at nagkataong nandyan ka. And now that he's finished, I'm taking back what's mine and—"

               "Uuwi siya! Nangako siyang uuwi siya! Narinig mo ako?! Uuwi siya, Revina!" sigaw ko habang namumuo ang luha sa aking mga mata.

                 Bakas ang takot sa aking tinig. Nagsisimula palang akong maging matapang ngunit binabasag na agad ng kaisipang hindi na siya babalik ang tinatayo kong tapang.

                  "Caina! Anong nangyayari hija?" rinig kong tanong ni Aling Daphnie. Ramdam ko ang haplos niya sa aking mga balikat.

                      Bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Revina na hindi na niya ako babalikan. Hindi na siya babalik kahit kailan kasi ano? Tapos na? Ganun ba yun?

                  "S-sino ka? Pakiusap, kung sino ka man wag mo ng bigyan ng sama ng loob ang batang 'to. Maselan ang lagay niya," pakiusap ni Aling Daphnie kay Revina.

                  Tumayo na si Revina sa kaniyang kinauupuan bago may hinugot na magandang klase ng envelope at saka inilapag sa lamesang kaharap namin.

                   "He won't comeback anymore. That is the reason. Open it and find for yourself. Wala akong pake kung anong lagay mo, I'm just here to say that Connor is finally done with you," ani Revina bago naglakad papalabas ngunit bago siya lumabas ay muli siyang nagsalita.

                "By the way, Caina. Leave this house immediately. Connor and I will be placing this for sale starting tomorrow,"

                Ramdam ko ang pagtayo ni Aling Daphnie upang sundan si Revina papalabas ng bahay at ako naman ay naiwang mag-isa sa sala kaharap ang isang kulay puting magarang envelope.

                Nanginginig ang kamay na kinuha ko 'yun. Kahit hindi ko buksan, nasasaktan na agad ako. Ito na ba yun? Tapos Niyo na po ba sa aking iparanas yung pagmamahal?

                    Pumatak ang aking luha ng makita ang laman. Isa iyong wedding invitation. Connor and Revina.

                    Gusto kong isumbat sa kaniya ang lahat ngayon! Pagkatapos ba ng lahat ng mga binitawan ko para sa amin, ito nalang ako ngayon?! Paano naman yung mga pangarap ko? Paano naman ako at yung magiging anak namin?

                Gusto kong umiyak ng tahimik ngunit para bang papatayin ako ng katahimikan kaya hinayaan ko ang sarili kong isigaw at iiyak ang nararamdaman.

                   Binitawan ko ang hawak at saka napaupo sa malamig na marmol kung saan kita ko ang sariling repleksyon.

                    Kitang-kita ko kung gaano kalayo ang narating ng babae sa repleksyon para lang sa pag-ibig. Kitang kita ko ang pinaghalong sakit at pagsisisi. Kitang-kitang ko kung paano siya unti-unting nababasag.

                      Sa huling tulo ng luha niya, alam niyang may lamat na. Alam niyang hindi na matatakpan  o matatagpian ng kahit ano ang bahaging nagkaroon na ng lamat. Alam niyang anak nalang niya ang magdidikit sa kaniya bilang isang babae at ina.

———————————————————-

        Lame ba update ko ngayon Love?👀🤭

         Sorry 😐

        But I hope kahit papano nag-enjoy kayo! Iwanan niyoko ng feedback sa comment kung anong reply niyo sa nangyari ngayon! 😊❤️

        SEE YOU SA NEXT UPDATE!❤️🌸

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now