P18

1.9K 50 2
                                    

            Napag-usapan ng parehong pamilya na 2 months pagkatapos ng aking debut ang kanilang kasal. Ngayon palang ay naiisip ko na kung paano ko pagagaanin at ibabaon sa kailaliman ng aking isip ang lahat.

           "That would be magical for the both of us," malambing na sabi ni Ate Revina kay Connor bago siya sumandal dito.

             Iniiwas ko na lamang ang aking tingin sa kanila at itinuon yun sa juice na nasa aking harapan. Nasa garden kami ng mansyon at hindi pa naman kalaliman ang gabi kaya halos lulong pa sa balita ang dalawang pamilya. Panay ang kanilang plano kung paano ang magiging hitsura ng kanilang kasal at kung saan. Ang bahay na kanilang titirahan at iba pang usapang pag-aasawa.

          Hindi naman ako bagay dito. Halos hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan dahil masyado pa akong bata... O ayaw ko lang talagang makinig.

           Inilapag ko ang aking baso sa mesa at dahan-dahang tumayo at saka inayos muli ang laylayan ng aking damit kaya napatingin sila sa akin.

            "P-pasensya na po. Una na po ako sa taas, maaga pa ho ang pasok ko," nakangiti kong paalam.

             "Oh right," rinig kong sabi ni Revina.

             "Sige, hija. Sleep well, honey," ani Tita Dona.

             Pormal akong nagpaalam sa dalawang pamilya bago naglakad papasok sa mansyon. Hindi ko na sinubukan pang magtapon ng tingin sa magkasintahan.

             Napabuga ako ng hangin nang makatapak na ako sa loob ng mansyon. Ang kanilang mabilis kong lakad ay bumagal, hindi dahil sa natatakot akong madulas sa makintab na marmol ng mansyon kundi dahil sa bigat ng damdamin. Kahit pa sabihing maaga ang aking pasok bukas, sigurado naman akong hindi ako makakatulog ng maayos.

           Halos hindi ko na pinapansin kung saan ba ako papunta.

           "Hey, shaker," ani isang tinig.

            Lumingon ako sa taong prenteng naka-upo sa malambot na upuan sa sala. Naka-de quatro pa itong upo at para bang bahay niya talaga ang kaniyang tinatapakan dahil sa pagtapik ng kaniyang makintab na sapatos sa marmol.

            Ayaw ko talaga sa kaniya.

            "Don't look at me like that, kitten," aniya.

              Binigyan ko ba ito ng permiso para tawagin sa kung ano-anong pangalan?

             "Why don't you seat down for a while? Masyado kang stiff sa akin," aniya at may kasama pang kaunting tawa.

           Ayaw ko sa kaniya pero heto naka-upo na ako sa harap niya na para ba kaming magkaibigan.

           Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya at halod mapaatras ako kasama ang upuang kinauupuan ko ng dumukwang siya kahit pa may maliit na lamesang naghahati sa aming dalawa. Ginawa niyang panukod ang kaniyang kaliwang kamay sa lamesa at inabot ang aking noo...

            Para lamang plantsyahin ang kunot nito kamit ang kaniyang daliri.

            "There, masyado mong inistress ang sarili mo pusa," aniya at umayos sa pagkaka-upo.

             Dumapo ang kamay ko sa aking noo. Ano bang problema niya?

             "Chill, I just wanna be friendly. Hanz, by the way," aniya ngunit hindi iniabot ang kamay sa akin.

               Tinitigan ko muna siyang mabuti. Ayaw ko sa kaniya pero ayaw ko rin naman maging bastos sa kaniyang harap. Siguro'y walang masama kung kikilalanin ko rin ang magiging bagong miyembro ng aming pamilya.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now