P37

1K 30 11
                                    





Isang linggo na siyang wala ngunit regular naman ang kaniyang tawag dito sa bahay. Sa mga naunang araw ay sapat 'yun para sa akin ngunit pagkalipas ng apat pang araw, parang hindi ko na gustong marinig ang boses niya na nasa telepono lang.

Tahimik lamang akong naka-upo sa malambot na sofa sa living room ng malaking bahay na 'to. Hawak ko pa ang librong ilang araw ko ng pinagkakaabalahan at sinusubukang intindihin ngunit parang wala namang pumapasok sa isip ko kahit pa ulit-ulitin ko ang pagbasa ng isang buong bahagi ng kwento.

Kunot-noo kong isinara ang libro habang nagtatagis pa ang aking mga ngipin sa kadahilanang hindi ko naman talaga alam na lalo ko lamang ikinainis. Aburido kong inilapag sa mababang lamesa sa harap ko ang libro na lumikha ng ingay dahil sa mabigat na pagbagsak neto sa salaming lamesa. Kahit siguro ang bulaklak na nasa vase na nakapatong sa lamesang iyon ay nakakainis sa paningin ko.

Kunot noo akong tumagilid ng upo at saka humalukipkip habang nakatingin sa hamba ng pinto. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang inis ko lalo na sa pinto na ilang dipa ang layo sa akin na para bang kung sino ang papasok diyan ay masisigawan ko ng wala sa oras.

Ilang minuto ako sa ganoong pwesto bago ako bumuntong hininga at tuluyang tumayo. Lalabas nalang ako sa hardin at mag-aayos ng mga halaman, tutal ay tinuruan naman ako ni Aling Daphnie kahapon kung paano mag-alaga ng halaman.

Isinuot ko ang isang pares ng gloves bago ako umupo at saka kinuha ang isang paso. Ang sabi ay kailangan maganda ang lagay ng lupang kinalalagyan neto, nadidiligan dapat ng tama at aalisin agad ang patay na parte ng dahon para hindi na kumalat sa buong halaman.

Kumuha ako ng pandilig at saka diniligan 'yun, inenspekyon ko ang mga dahon at kung ano-ano pa na hanggang una lang ako nasiyahan. Hanggang sa nasira ko na 'yun ng tuluyan. Naiinis ako na hindi dapat ganoon ang hitsura ng halaman pagkatapos kong ibigay ang ilang sandali ko dito!

Inis kong inalis ang aking gloves at basta ko na lamang inis na ibinato sa lupa sa kung saan bago nagdadabog na lumakas papasok ng bahay, paakyat sa kwarto at malakas na isinara ang pinto. Dumeretso ako sa kama at saka nagtalukbong ng kumot hanggang nilamon narin ako ng sariling antok kahit na alas nuebe palang ng umaga.

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking bata. Umupo ako sa kama at saka kinusot iyon bago pinagmasdan ang paligid. Tumatagos na ang panghapong sinag ng araw sa kulay puting kurtina ng kwarto.

Inabot ko ang maliit na orasan sa gilid ng kama at pumapatak yun ng alas kwatro na ng hapon! Gaano ba ang haba ng tulog ko?! Hindi naman ako pagod sa mga pinaggagawa ko para lamang makatulog ng ganoon kahaba.

Kunot noo na naman akong tumayo ng kama at saka mabilis na lumabas ng kwarto upang bumaba sa unang palapag ngunit sa gitna palang ng hagdan ay agad akong napatigil.

Sira naba ang pang-amoy ko o meron talaga akong naaamoy na hindi kaaya-aya sa pang-amoy ko ngayon?

Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa kusina kaya agad akong pumanhik doon. Pagpasok ko ay nakita ko si Aling Daphnie na naghuhugas ng iba't ibang prutas ngunit wala doon ang atensyon ko, lumipas ang aking mata sa island counter dahil nandoon ang iba't ibang gulay at kung ano-ano pang halamang panglahok sa kung ano.

Napaatras ako ng muli ko na namang naamoy ang mabahong amoy na 'yun. Sa totoo lang ay hindi naman talaga mabaho ngunit kinukunsidira kong mabaho dahil...iyon ang gusto kong isipin!

"Aling Daphnie, ano ho yung naamoy ko?" Agaw atensyon ko sa ginang.

Humarap siya sa akin habang nakalagay sa buhay niyang tray ang mga hinugasan na prutas.

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon