P38

1.1K 25 3
                                    




              Dalawang linggo na siyang wala. Sa loob niyon ay halo-halo na ang emosyon ko kaya nagagawa ko siyang awayin ng paulit-ulit sa kadahilang hindi ko din mahapuhap na lalong nakakadagdag ng inis ko.

              Ngunit sa dami ng inis at kung ano-ano pa, natuldukan ko na ata ang lahat. Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na 'to?

              Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng kwarto ngunit nakabukas ang pinto ng banyo kung saan iniwan ko ang tatlong bagay na ipinabili ko noong nakaraang araw.

               Kung tama ba ang iniisip ko, hindi ko alam ang maramdaman ko. Saya? Pangamba? Takot? Paano kung hindi ako maging mabuting ina?

                Napabuntong hininga ako bago kinakabahang umupo sa hamba ng kama. Alas ciete na ng umaga, sabi nila ay mas epektib 'yun sa umaga lalo na ang una mong ihi kaya ngayon ko isinagawa ang sana'y kahapon pa.

             Nakakatakot. Sa ganitong edad ko, natatakot ako. Pero naiisip ko palang na hindi naman ako mag-iisa, lumalakas ang loob ko. Naiisip kong walang magandang buhay ang hindi dumaan sa hirap. Lalo na at alam kong kasama ko siya sa lahat ng bagay na pwede kong kaharapin ng mas maaga.

             Tumayo na ako at saka bumalik sa loob ng banyo upang kunin ang tatlong white stick na iniwan ko sa ibabaw ng sink. Pinakatitigan ko muna ang mga 'yun bago ako dahan-dahan na lumapit upang malaman ang resulta.

               Magkakatabi lamang 'yun at alam kong hindi ako nililinlang ng aking mga mata. Pare-parehong may tig-2 red line ang mga 'yun na nagsasabing nagdadalang tao na nga ako!

               Napahinga ako ng malalim at saka napahawak sa aking kwintas na para bang maipapadala niyon ang kaba, takot at tuwang nararamdaman ko kay Connor ngayon.

                Kinuha ko ang tatlong stick na 'yun bago bumalik sa kama upang itago 'yun sa drawer na malapit doon.

                 Gusto kong malaman niya 'to sa personal. Gusto kong kami ng magiging anak niya ang sasalubong sa kaniya pagka-uwi niya samin. Gusto kong maramdaman niya na ito na, handa na talaga akong isuko ang lahat ng sa akin.

                Ngayon tuloy ay naiisip ko kung gaanong nakakainis para sa kaniya ang ugali ko netong mga nakaraang araw kaya agad akong bumaba sa sa unang palapag at kinuha ang wireless telephone doon upang idial ang telepono ni Connor.

               Naka-ilang ring na 'yun ngunit walang sumasagot kaya sa huling pagkakataon ay dinial ko 'ulit ngunit nakapatay na ngayon.

              Masyado naba siyang nakulitan sa akin?

              Masyado naba siyang nainis sa ugali ko netong mga nakaraan?

             Mapait akong napangiti. Hindi, Caina. Busy siya. Umuwi siya doon upang ayusin ang lahat para samin. Dapat alam kong hindi magiging madali 'yun kaya dapat ay intindihin ko siya. Tama. Mamaya nalang ulit.

                Iwinaksi ko na lamang sa isip ko ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin ay inabala ang sarili sa hardin. Tinulungan ko rin si Aling Daphnie sa ilang gawain ngunit yung mga kaya ko lamang dahil hindi nalang ako ngayon ang may-ari sa katawan ko. Nandito ang anghel naming dalawa ni Connor.

            Nang maghapon ay sinuhukan ko ulit tumawag ngunit ilang ring lang ulit bago tuluyang hindi na-contact. Nanghiram pa ako ng cellphone ni Aling Daphnie dahil imposibleng mai-text ko si Connor sa uri ng teleponong nandito sa mansyon niya.

                 Isang text lamang 'yun ngunit hinabaan ko na. Nagtanong ako ng araw niya, kung kumakain ba siya ng maayos, kung kailan siya maaaring maka-uwi at pinaalam kong may malaking surpresa akong ibibigay sa kaniya ngunit pauwi na lahat-lahat si Aling Daphnie ay wala parin siyang reply ni-isa kaya may pilit na ngiti kong inihatid na lamang si Aling Daphnie sa gate ng bahay bago ako naiwang mag-isa.

              Sa isiping wala siyang paramdam sa akin ngayong araw, naisip kong baka sobra na nga ang nagawa ko sa kaniya netong mga nakaraan. Siguro'y hindi ko na siya nabigyan ng pahinga sa isip kaya minabuti niyang wag akong kausapin ngayong araw.

             Nanunubig ang aking matang bumalik sa aming kwarto. Hindi na ako nag-abala pang mag-bukas ng ilam dahil kinain na ng isiping 'yun ang sistema ko. Hindi ko narin nagawang magpalit ng pantulog at deretso na lamang akong humiga sa kama at nag-kumot bago nagdadamdam at nalulungkot na natulog.

              Kinabukasan ay maaga naman akong nagising ngunit para bang wala ako sa hulog upang gumalaw. Alas dies na ngunit nakahiga parin ako at nakatitig sa kisame ng kwarto. Ang utak ko ay nasa kahapon parin.

             Ayaw kong gumalaw ngunit sa isiping wala pa akong umagahan ay napa-upo ako. Napahawak ako sa impis ko pang tiyan, naisip kong hindi ako mag-isa upang balewalain ko ang umagahan.

             "Pasensya na baby, tinatamad si Mama pero wag kang mag-alala, kakain na tayo," nakangiti kong pagkausap sa aking sarili.

              Dahan-dahan akong tumayo sa kama at nag-suot ng roba. Pagkalabas ko pa lamang ng kwarto ay may nasagap agad ang aking pang-amoy na mabangong halimuyak.

           Nagmamadali ngunit maingat akong bumaba upang abutan lamang ang napakaraming kulay pulang rosas ang nasa hamba ng pintuan ng mansyon papasok. At meron pang ipinapasok na iba. Sobrang dami niyon na sa palagay ko'y nasa benteng malalaking bucket bouquet!

               "A-ano pong meron, Aling Daphnie?" Agaw pansin ko kay Aling Daphnie na busy sa pag-hehelera ng mga bulaklak at ng mga ipinapasok pa lamang.

             Sumilip ako sa labas at talagang idineliver pa 'yun ng isang truck ng Flora Vida! 

                May lumapit sa akin na isang trabahante ng Flora Vida na may hawak na papel na pwede kong permahan.

               "Mrs. Volzkian di ba po? Pakiperma na lang po dito," aniya.

                Lutang kong kinuha ang ibinigay niya ay pinirmahan. Pagkatapos ng ilang sandali ay umalis rin ang truck.

             Nilingon ko ang mga bulaklak at saka ko nilapitan ang isa kung saan may nakita akong nakaipit ba kulay cream na envelope.

             Binuksan ko 'yun at saka kinuha ang maliit na piraso ng papel na nasa loob niyon.

              "I'll be home soon..." basa ko.

               Ganoon kadali napalitan ang pighati ko ng saya. Ganoon kadali basta siya.

——————————————————

     Sorry Loves kung matagal. May research kasi kami haha.

     By the way, totoong shop po ang Flora Vida and it's by Marian Rivera-Dantes. Ang gaganda kasi ng mga bulaklak nila ❤️

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon