P14

2.1K 53 3
                                    




          Natapos ang family dinner na 'yun na meron akong kaba. Hindi niya dapat binubulalas ang mga ganoong kataga sa harap mismo ng kaniyang mga magulang. Ang pwesto ko sa buhay niya at sa buhay ng kaniyang mga magulang ay tanging kapatid at mabuting anak. Hanggang doon na lamang at 'di na lalampas. Alam ko rin naman kung gaano nila kagusto si Revina para sa kaniya.

           Sino bang hindi? Isa siyang supistikadang babae, mataas ang pinag-aralan, maganda, maayos ang hubog ng katawan, at maaring matalino rin at higit sa lahat galing sa magandang pamilya. Isang klase ng babae na nararapat sa kaniya, hindi ba? Ano na lamang ako? Bukod sa walang ipagmamalaki, walang kahit ano sa mga nabanggit ko.

              Inayos kong maige ng mag-isa ang aking seatbelt. Hindi na ako nagreklamo pa ng napagpasyahan ng lahat na kay Connor na ako sumama papauwi. Si Tita Dona at Tito Raf kasi ay may pupuntahang personal habang si Ate Francia naman ay makikipagkita raw sa mga dating kaklase sa kolehiyo at tanging si Connor lamang ang 'walang' mahalagang pupuntahan sa ngayon o baka meron.

          Hanggang sa biyahe papauwi ay ni hindi ako lumingon o sumulyap man lang kahit sa maliit na salamin. Gusto kong simulan na ang paglalagay ng bakod sa aming dalawa. Mas mabuti 'yun.

           Napahinga ako ng malalim dahil halos lumabas na sa sarili kong katawan ang aking puso ng maramdaman ko ang hawak niya sa aking kamay. Agad ko siyang nilingon habang pakiramdam ko ay nagliliyab ako sa kung ano.

          Hindi ba niya alam na pinahihirapan niya lamang ako?! Kung siya ay hindi natatakot, paano naman ako? Paano ako? Kung siya ay tatanggapin parin pagkatapos ng lahat, paano naman ako?

         "A-ano bang ginagawa mo? Hindi mo ba naiintindihan Kuya?" may nginig sa boses na sabi ko bago ko inagaw ang aking kamay.

          "Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan, Caina. Ang taong may kakaibang nararamdaman sa iba ay hindi kailan man makakaintindi," mahinahon na sabi niya.

          Wala siyang nararamdaman, nasisiguro ko 'yan. Hindi mo pwedeng gustuhin ang ang isa tao kung may nauna pa. Alam kong bata pa ako, walang alam sa ganito ngunit hindi ako ganoon katanga, karupok at kasakim na kahit gusto kong kami nalang alam kong hindi pwede.

           At kahit kelan hindi talaga pwede.

           Tinabig ko ang kaniyang kamay na nasa akin. Hindi 'to gawain ng mag-kapatid. Yung halik noon, hindi rin 'yun gawain ng mag-kapatid. Isa lamang 'yung malabong alaala para sa akin.

          "Pwes kailangan mong maintindihan. Pinahihirapan mo lang ako. Pahihirapan mo lang ang sitwasyon," deretso kong sabi.

            "Desidido kaba sa sinasabi mo, Caina?" aniya.

              "O-oo,"

              "Then what's with the tears?" aniya muli bago itinigil ang sasakyan sa tabi ng isang emergency parking.

              Agad na dumapo ang aking sariling kamay sa kanan kong pisnge. Basa 'yun ng luha. At kahit gusto kong pigilan ang pangingilid muli ng luha mas lalo lamang nanlabo ang aking paningin dahil sa muli na namang pagbagsak na mga 'yun.

  
              "Hindi mo pa man nasasabing hindi mo gusto, nararamdaman mo na mismo ang tumututol sayo. Caina, I already drop a hint! Don't you get it? I want us both to be in a relationship! I like you for God sake!"

              Gusto rin kita.

               "H-hindi kita gusto. Ayaw ko sayo. Dahil alam kong may mas hihigit pa akong makikilala kesa sayo," dere-deretso kong sabi kahit pa dere-dereyso din ang tulo ng aking luha.

              Gusto kita. Mas gusto kita. Totoo.

               Nakita ko kung paano nangunot ang kaniyang nuo at kung paano nagliyab ang kaniyang paningin na sa akin nakatuon.

              "What did you say?"

              Agad akong nag-iwas ng tingin at pinunasan ang sariling luha gamit ang sleeves ng aking uniform kahit pa may nagbabadya na naman. Para bang ayaw na nilang tumigil sa pag-agos.

              Yumuko ako. Gusto niya bang pahirapan ako sa pagsasabi ng hindi ko siya gusto kahit pa salungat 'yun sa totoong nararamdaman ko? Hindi dapat ganito 'yun, Connor.

            "Hindi kita g-gusto. Ayaw ko sayo. May makikilala pa akong Mas higit sa—"

             Lahat ng 'yun ay naputol ng hilain niya ang aking kaliwang kamay, paraan upang mapaharap ako sa kaniya at ang mapaglinlang kong mga labi ay lumapat sa kaniya.

              Ang pangalawa kong halik. Nakita ko kung paano siya pumikit at ramdam ko kung paano mapaghanap ng tugon ang kaniyang mga labi. Ang kamay niyang hinila ako palapit. Ang intensidad, pakiramdam, kaba, saya at lungkot ay nararamdam ko ng buo at alam kong sa kaniya ko lang 'yun mararanasan at gustong maranasan.

             Mapanlinlang din ang sarili kong katawan. Ang mga kamay kong dapat ay tumutulak sa kaniya papalayo ay lalo siya hinihila papalapit. Ayaw bumitaw at nakakapit ng mahigpit.

               Siya rin mismo ang nagputol niyon kaya't ng ipatong niya ang kaniyang nuo sa aking kanang balikat at wala na akong sinabi.

               "No. I won't allow you meet someone else. I want you to always see me, not as your brother but your man, your present and hopefully your future. Dahil ako, kahit kailan ay hindi kapatid ang tingin sayo," rinig kong sabi niya.

              Naramdaman ko na naman ang namumuong luha sa aking mga mata. Paano ako makakapaglagay ng bakod kung ganito?

 
              Kasabay ang pagpatak ng panibagong luha ay ang pagpulupot ng kaniyang dalawang kamay sa akin.

 
              "I like you. I want you all for myself,"


               Iniyakap ko rin ang aking kamay sa kaniya.

  
                Should I take the risk? Because...

                "Gusto din kita,"

———————————————

         Sabaw sa gabi haha. Good evening!  Dami ko kasing gawa na school works, moving up na next month eh haha but anyway! Happy 1k reads everyone, bawi-bawi tayo sa update soon :) xoxo.

Love,
Your beloved always sabaw author📚💕

   

              

            

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now