P24 (Part 1)

1.8K 56 10
                                    



Happy 10k reads fam!!! 💕 Thank you and I love you! :)

———————————

Paulit-ulit kong inililipat ang pahina ng portfolio na dala ng isang party organizer na pinatawag ni Tita Dona para sa aking debut. Sabi ko naman dati na kahit simpleng hapunan kasama sila ay okay na kaso talagang mapilit siya. Ngunit kahit na ganun, nagpapasalamat parin ako sa pamilya Volzkian para sa ibibigay nila saking handaan para sa aking 18th birthday sa susunod na buwan.

"May napili kana ba?" Tanong ni Ate Francia.

Si Ate Francia ang kasama ko para tulungan ako sa pagpili ng mga dekorasyon pati narin ng mga pagkaing ihahanda sa araw na 'yun. At talaga namang nalulula ako sa isiping presyo ng lahat ng ito.

Ibinuklat ko muli ang portfolio. Magaganda at parang pang prinsesa talaga ang mga design na nandito at nasisiguro kong pang prinsesa din ang presyo kaya ibinalik ko sa unahang bahagi ng portfolio ang sarili ko, kung nasan ang pinakamura.

Napalunok ako at ipinakita 'yun kay Ate France na prenteng naka-upo at nagbubuklat din ng iba pang portfolio.

Ang ipinakita ko ang pinaka simple. Ayos na ako sa simpleng desenyo ng party na gusto nilang gawin ko. Tama lamang ang pastel color na violet ng mga tela at konting desenyo ng mga kulay violet din na bulaklak sa paligid. Simple at mas mura kumpara sa mga nasa sunod na pahina.

"Ito Ate France. Maganda na 'yan atsaka—"

"Mura?" Dugtog niya.

Napahigit ako ng hangin atsaka tumango. Nahihiya kasi akong ituro ang pinakagusto ko dahil umabot 'yun ng mahigit tatloong daang libo. Sayang lamang 'yun para sa pagdiriwang na gaganapin lang sa isang araw.

"And we never settle for less, Caina. Walang problema ang pera sa pamilya natin kaya wag mong isipin ang gastos. And remember, ang 18th birthday ang pinakamahalaga sa lahat," aniya na ikinatango ko.

Ibinalik ko sa aking kandungan ang portfolio at tuluyang ibinuklat ang pahina sa pinakagusto ko. Naglalaman 'yun ng mga kulay pulang desenyo. Ang mga tela at mga sapin ng mesa pati narin ang mga upuan. Binubuo yun ng kulay na pula at ginto para sa mga disenyo. Maganda din ang lagayan ng mga kandila at pati narin ng mga bulaklak na ilalagay sa paligid.


Entrance design:
   

 Entrance design:   

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Table's design:

Table's design:

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.
Caina (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum