10 - Her name was Princess

7.1K 199 15
                                    


"Tangina naman Lorna! Nasaan na 'yung pera ko!?" Sigaw ng isang lasing na lalaki na akala mo'y puputok na ang lalamunan sa lakas ng sigaw, kasabay  pa noon ay ang walang-awa niyang paghagis sa platong may laman na pagkain na handa ng kanyang asawa.

"Nagkasakit kasi si Princess! Papalitan ko naman iyon 'pag mayroon na ako! Para naman 'yun sa anak mo!"  Gusto ng umiyak ni Lorna, takot na takot siya at pruweba noon ay ang panginginig niya ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niyang hindi gumawa ng ingay.... upang hindi magising si Princess, ang kanyang anak.

Minsan ay pumapasok sa isip ni Lorna na iwanan na lang ang asawa ngunit hindi niya  iyon magawa-gawa. Hindi niya kaya. Wala siyang alam. Lumaki siya sa probinsiya at alam niyang hindi niya kakayanin sa Manila ng wala ang kanyang asawa.

Para sa anak niya, sa sanggol na hawak niya ngayon at sa isa pa na wala pang muwang sa mundo na dinadala niya. Titiisin niya ang lahat.

"Anak!? Anak!? Lorna ginagago mo ba ako!? Hindi ko nga iyan kaano-ano!"

"Natutulog si Princess Lenard. Manahimik ka at magiisip ako ng paraan kung paano ko sa'yo maibabalik iyong pera mo!" Hindi na nakapagpigil na sigaw ni Lorna sa kanyang asawa pero mabilis rin niyang pinagsisihan iyon.

Paano kung saktan siya nito? Paano kung iwan siya?

"Pag-balik ko dito ay dapat wala na iyang malas na batang 'yan!" Sigaw ni Leynard at lumabas na ng maliit nilang bahay.




*****



"Pa? Lasing ka na naman? Sabi ni Mama Lorna ay masama daw 'yun." Inosenteng wika ng isang pitong taong gulang na bata pero tanging ang pagtingin lamang ng masama ang sagot sa kanya ng kanyang papa... iyon lang ang hinihintay niya upang tumakbo ng mabilis papunta sa kwarto nila.

Iyong tingin na iyon.... galit ang papa niya at maaari na naman siyang saktan!

"Ate! Sabi ko naman sa'yo wag ka na lalabas 'eh ano pinagalitan ka ni papa 'no?" Tanong kaagad ng maliit niyang kapatid na na'sa loob pala ng kwarto nila, kumakain pa ito ng choco-choco habang nagsasalita, ang dungis-dungis nito pero hindi iyon ang napansin niya.

"Ang duga mo naman Annie! Bakit hindi mo ako binibigyan niyan!" Sigaw niya sa nakababatang kapatid na madungis, nagkalat kasi sa mukha nito ang choco-choco na kinakain. "Huy! Uubusin mo na ata 'eh!" Lalapit na sana siya ng bigla siyang matumba dahil sa lakas ng pagtama niya sa ding-ding paano ba naman kasi ay biglang malakas na nagbukas ang pinto ng kwarto nila.

"Papa!" Natatakot na sigaw ng kanyang nakababatang kapatid na dahilan ng pagkatakot niya rin, nandito ang papa niya! Baka pagbuhatan muli siya ng kamay!

Naramdaman ni Princess ang pagkirot ng kaliwa niyang pisngi na natamaan ng pinto, sobrang lakas kasi ng impact nito. Naiiyak na siya ngunit pinipigilan niya iyon, nagtago kasi siya sa may likod ng pintuan kung saan hindi siya kita ng papa niya, baka mamaya ay makita siya ng Papa Leynard niya. Kahit gusto na niyang umiyak ng malakas ay umiyak na lang siya ng pigil.

"Si Princess!?" Lasing-lasing na tanong ng papa niya at nakita niyang lumakad na ito paloob sa nakababatang kapatid niya, pakending-kending pa ito at halos matumba na.

"P-papa." Sabay turo ng kapatid niya sa kanya, sa likod ng papa nila. Napatingin naman sa kanya ang papa niya.

"Labas ka muna anak." Hinaplos pa ng papa niya ang mukha ng kapatid niya bago pumunta sa kanya.

Loving the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon