27 - Tinangay ng Dilim

5.6K 165 50
                                    



"Anong oras na King paano kung hindi na tayo papasukin sa school?" Kinakabahang tanong ko.

Tinignan lamang ako nito sa salamin ng kotse niya. "Don't worry I'll take care of it... nakalabas nga tayo ng Academy kahit hindi pwede 'diba?" Muli itong nagbigay ng nakakalokong ngisi.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Sumusukong tanong ko na... I just want to sleep, antok na antok na talaga ako at wala akong tulog pero mukhang palayo kami ng palayo ni King sa siyudad ayon na rin sa mga nakikita ko.... nawawala na iyong matataas na gusali ng siyudad at napapalitan ng mga berdeng puno at dahon. 

"Remember that field the first time I brought you outside of our school premises?" Mahina akong napatawa sa paalala nito.

"Yep. Iyong tumakbo ako palayo sa'yo at pinahinto ko ang kotse mo out of nowhere." Pagkukumpirma ko.

"That's where we're going." Sabi nito.

Hindi makapaniwalang tinitigan ko ito. "Alam mo kung saan iyon? I swear... ilang oras tayong naglakad para makita iyong nagiisang kubo sa gitna ng tila walang katapusang bukirin." Paalala ko. 

Mahina itong napatawa. "The old man Makota, d'you remember him? I want to scare the fuck outta that old man again."  Hindi ko maiwasang mahinang mapatawa ng maalala iyong mukha ng matandang lalaki na biglang naglabas ng mahaba nitong baril at hinabol kami upang paputakan.

It's such an unforgettable night.

Tunay na karanasang tinatawag nilang 'You Only Live Once'

"That was my best night ever." Ika ni King at tinignan ako sandali upang bigyan ako ng ngiti niya, I smile back at kinurot ang pisngi nito kaya biglang nagbago ang ekspresyon nito at kumunot ang noo.

"Cute mo kapag ngumiti... lumiliit mata mo lalo." Pansin ko.

"Cute ako? Ew Makota." 

Sinamangutan ko ito kahit 'di niya ako nakikita dahil nagmamaneho siya at nakatingin sa daanan. "Anong gusto mo tawagin ko sa'yo?" 

"Mahal? Baby loves? Babe? Baby? Sweetiepie? Hubby?" Sa pagsabi pa lamang nito sa unang salita ay napatawa na agad ako ng malakas at tinakpan ang mukha ko ng dalawa kong kamay dahil sa sobrang tawa ko.

"God. King! Honestly?" 'Di makapaniwalang tanong ko sa gitna ng walang katapusang tawa ko.

King? Gusto ng tawagang ganoon? I can not!

Matapos kong tumawa ay tinignan ko ang itsura ni King at sobrang-sobra ang pagkokontrol kong hindi muling tumawa ng makitang nakakunot ang noo nito at mukhang hindi masaya sa naging reaksiyon ko.

He's really serious? 

Oh my gosh... I can't with this boy.

"Sorry na BABE?" Nilakasan ko pa talaga ang 'babe' upang ngumiti ito ngunit palpak dahil nanatili ang simangot niya. "Uy, galit ka?" 

Hindi siya sumagot.

"Oy, baliw ka... natawa lang naman ako a? Bakit ka galit?"

Umiling lamang ito na nakasimangot pa rin.

"Anong gagawin ko para 'di ka na magalit?" Tanong ko. 

"Sagutin mo na ako." 

Napaanga ako. "Wow huh. Duga 'di pwede iyon." 

"Pinapaasa mo lang ata ko 'e... kung ayaw mo naman pala sa'kin dapat una pa lang sinabi mo na." Malalim ang boses nitong sabi.

"Sinong nagsabing ayaw ko sa'yo?" 

Loving the DemonWhere stories live. Discover now