49 - They all leave

2.9K 129 27
                                    

"King."  Ang pangalan na lamang nito ang tanging naisapatinig ko habang hindi ko maialis ang aking dalawang mata sa kamay nilang magkahawakan.

He used to do that with me... not with the girl that he's with.

Ano ito?

Is this what I am waiting for?

Kahit tila tinusok ang mga mata ko dahil sa bigla nitong  gustong maglabas ng mga luha ay hindi ko pa rin magawang ialis ang paningin ko sa kamay nilang dalawang magkahawakan.

Why does it hurt so much?

Ipinikit ko na sandali ang dalawa kong mata at nang buksan ko 'yon ay diretso na akong napatingin kay King. Malungkot ko itong nginitian. "Problema mo?" He didn't answer.

Tanging ang pagkurap lamang ng dalawa nitong malamig at itim na mata ang tanging sagot niya.

I can't even tell his emotions anymore.

Humakbang ito palapit sa akin... humakbang pa ng isang beses at nang halos maabot ko na siya ay bigla siyang lumiko... lumiko palayo sa'kin at ang mga kaninang estudyanteng makalat ay biglang umayos upang magkaroon siya ng daan.

He left me.... he left me feeling all invisible.

He left me waiting for his answer.

He left me... he left me for that girl he's holding hands with.









*****



"Makota." Tawag agad sa'kin ni Pawu pagpasok na pagpasok ko pa lang sa Group House namin, hinanap ko kung saan nanggaling ang boses niya at nakitang nakaupo lang pala ito sa may mga sofa sa living room kasama ang lahat ng ka-miyembro namin.

Didiretso na sana ako sa may hagdanan nang hindi sila pinapansin lahat ng muling may tumawag sa pangalan ko... at this time ay boses naman iyon ni Venus.

I stopped from walking. Hinarap ko silang muli. "What?" Wala sa ganang tanong ko.

I'm really tired right now... no, I'm feeling really sad and lonely right now. Wala akong panahon sa meeting.

"Sit here." Ika ni Venus at hinawakan iyong katabing upuan niya na walang nakaupo. 

I shake my head. "I can't right now... please?" Ginaya ni Venus ang pag-iling ko, nagsisimbulong bawal kaya napataray na lamang akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito. 

"Make it fast." Mabilis kong ika pagupo na pagupo ko sa sofa katabi si Venus.

I just want to lay in my bed right now and cry... to sleep and to forget... even for just an hour... kahit days pa nga. Ayoko lang ng pakiramdam ko ngayon.

I don't like this feeling.

Ayokong pakiramdam ko ay mag-isa na naman ako. Just like Princess... just like my situation before.

"We're not going to have a meeting today." Panimula ni Venus kaya mabilis akong tumayo.

"Good." Ika ko at aalis na sana nang hilain ako nito paupo.

"We're just gonna talk to you." Napataray ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Ako na naman?

Bakit ako na lang palagi?

"Did you break up with my cousin?" Diretsang tanong ni Venus kaya mabilis kong inilipat ang mata ko galing sa kanya... hindi ko alam kung saan ako titingin kaya napatingin na lamang ako sa mga tahimik at seryoso naming ka-grupo.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now