Chapter 15

2.1K 78 38
                                    


"Are you really going now Kuya? Bakit hindi ka muna dito mag-stay since isang linggo ka naman sa Philippine 'diba?" Pangkukumbinsi ko kay Kuya Dave na ngayon nga ay hawak-hawak na ang de-gulong niyang luggage bag na paalis na ng Apartment ko.

"I promised Ashton to visit him in our house here before I leave. Tayo na nga magkasama ng apat na araw ko 'dito hindi pa ba 'yon sapat?" Natatawang tanong ni Kuya kaya nagpakawala na lang ako ng buntong hininga.

May kasama naman kasi si Ashton... nandoon palagi si Annie para sa kaniya pero ako ay bihira lang bisitahin ng kahit na sino kaya naman ay nalulungkot ako tuwing maiiwan na naman akong mag-isa.

"Fine." Ika ko at tumayo na sa inuupuan ko upang bigyan si Kuya Dave ng halik sa pisngi nito bago pa siya tuluyang umalis.

"How about you stay with us? Tatlong araw lang naman 'e, magiging kumpleto tayong magkakapatid even with a short period of time?" Tanong pa ni kuya.

"May trabaho ako Kuya, malayo sa bahay natin sa Paranaque, ikamusta mo na lang ako kay Ashton at Annie." Sabi ko at binuksan na ang pinto para kay kuya. "Gusto mo ihatid pa kita hanggang sa baba?"

Umiling si Kuya Dave. "Kaya ko na." Huli nitong sabi bago tuluyang lumabas ng pintuan at maglakad na palayo sa akin.

Pinanatili ko lamang na bukas ang pintuan ko dahil pinanood ko si Kuyang maglakad pababa ng palapag at nang sandali siyang tumingin sa akin pabalik ay nagbigay ako ng isang wave na ginantihan niya rin.

Makalipas lamang ang halos isang minuto ay hindi ko na makita si Kuya Dave kaya doon ko na sinarado ang pinto ko.

Matapos kong isarado ang pinto ay pinagmasdan ko ang buong Apartment ko. Balik sa dati ang katahimikan.

I'm all alone... again.

Nilakad ko na lamang ang kakaunti kong distansiya doon sa sofa ko at ng sapat na ang lapit ko ay pabagsak kong inihiga ang sarili ko.

It's just 9:00 AM in the morning, mamayang gabi pa ako maghahanda para sa trabaho, it's my sleeping time.





*****





Maaga kaming pinapasok ngayon ni Kingston sa hindi malamang dahilan pero ang hula ko ay may meeting ngayon. 

Hindi ko nga lang alam kung para sa improvement ng nightclub, magha-hire ba ulit ng maramihan? Magtatanggal? May mga mapro-promote? I don't know pero lahat kasi na nagtratrabaho for the nightclub ay pinatawag niya, kahit na iyong ibang part-time lang.

There is a big room sa office area, it's sort of a conference room na ngayon nga ay kinalalagyan namin ng mga katrabaho ko, napupuno iyon ngayon ng mga workers mula sa security guards,  janitors, sa mga nagtratrabaho sa loob ng nightclub at 'yong mga office worker na na'sa kabilang Building, maingay pa ngayon dahil wala pa naman namumuno na magsalita kaya nanatili na lamang ako sa isang tabi.

I don't have friends here kaya wala rin naman akong kausap kahit gusto kong dumaldal. I am really bad with names na hanggang ngayon ay si Kaylyn lang ang kakilala ko.

Iyong Building namin ay nahahati sa dalawang bahagi, there is the nightclub kung saan ako at konektado naman doon ay ang office area, halos doble no'n ang laki pero kaunti lamang ang nagtratrabaho doon, it's just really big kasi karamihan ng kwarto doon ay pinaparentahan for bussiness meeting, event or kahit na anong formal gathering. 

Sa isang buwan ko ng pagtratrabaho dito ay ngayon pa lamang ako natawag sa isang ganitong kalaking 'meeting' kaya naman hindi ko talaga alam ang paguusapan.

Ipinikit ko na lamang ang mata ko sa kawalan ng magawa ng maramdaman ko ang paligid na tila tumahimik at naging payapa kaya naman sa kuryusidad ay agad ko ring binuksan ang dalawang mata ko.

Kaya naman pala.

May iilang tao na na'sa may stage. 

Isa na doon ay si Kingston na malaki ang ngiti.

He is really so nice.

Kapag kausap mo talaga siya ay hindi mo mararamdaman na na isa ka lang niyang employee, he's really just a friend na malalapitan mo lagi at talagang malapit sa kaniya ang lahat. 

He's the best employer I've ever known. No regrets na pumasok ako sa nightclub niya, it was just for the money at first pero these days I find myself waking up and actually looking forward to work.

No doubt, Giovanni's one of the reason. 

He really makes me forget all of the problems I've had. He is so funny and annoying at times but that's what makes him 'Giovanni' and I can now say I'm ready to have a friend.

"Hello everyone." Pabati ni Kingston at binigyan ang lahat ng ngiti niyang labas ang mapuputi niyang ngipin. "Siguro ay lahat kayo nagtataka kung bakit tayo nandito at nagtipon-tipon, hindi ba?"  Sandali itong huminto at pinakinggan ang mga sagot ng employado niya na alam kong hindi niya naman naintindihan dahil sa dami ng nagsalita.

"Okay, okay, kalma lang isa lang po ako." Biro pa nito. "I'll get straight to the point people, for the first time since this businesses started last year we're finally having our very first Team Building!" Masayang balita nito kaya nag-ingay na naman ang mga tao dahil sa excitement.

Iyong ingay ngayon ay para bang noong kanina na wala pang tao sa harapan, it's really loud pero hindi naman nakakaasar since pati ako ay nae-excite. Sa mga kumpanya na pinagtrabahuhan ko for my 2 years of working ay 'yong mga office worker lamang ang sinasali sa Team Building pero ngayon ay dito ay lahat kasama.

I knew Kingston is different the first time I talked to him.

This is just one of the many proofs that he really look at us in equality.

Props to him.

"The five of us were talking for days now about where we should go," Ika nito at sabay turo sa apat na taong na'sa likod niya.

Nakikita ko doon si Kaylyn at tingin ko lahat ng apat na 'yon ay ang nagle-lead sa iba't-ibang department and teams dito sa company.

"At hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-desisyon sa lugar na pupuntahan natin kaya naisip kong bakit hindi kayo tanungin? Bakit kami-kami lang ang nagdesi-sisyon kung ang goal naman ng Team Building natin ay maging masaya tayong lahat at mas maging healthy ang pagsasama ng lahat both relational and work wise." Ika pa ni Kingston at sandaling huminto dahil tila may inutos ito sa isang lalaki na na'sa tabi ng loptop at maya-maya pa ay bigla na lamang dumilim at nagkaroon ng kulay iyong LED screen.

Pakiwari ko ay inaayos na ngayon iyong projector na ipapakita sa amin.

Hindi nga ako nagkakamali ng makalipas lamang ang ilang minuto ay may mga video na kaming nakita, I am not sure of the places dahil mabilis lamang iyon ipinakita, it's kind of a montage. 

Maya-maya pa ay may bigla nang may ipinakitang iisang lugar, according to the video ay na'sa Laguna iyon. Tahimik lamang akong nanonood habang ipinapakita doon ang kwarto na tutuluyan namin, iyong mga laro na lalaruin  at 'yong kabuuan ng lugar. Nawala lamang doon ang pansin ko dahil may naramdaman akong tumabi sa akin na kanina naman ay wala.

Patay ang ilaw kaya hindi ko makita kung sino iyon.

Tahimik ko na lamang at patagong inobserbahan kung sino ba ang tumabi sa akin, I really can't say kung sino pero ang pagkakaalam ko lang ngayon ay isa iyong lalaki.

Lalaking matangkad and that's the only thing I know.

"Love." Biglang sabi nito kaya nagpakawala ako ng mahinang tawa.

It's him.

Giovanni.

For some reasons him being here suddenly made my day.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now