Chapter 4

2.4K 64 40
                                    


Fuck did he just make a fool out of me?

What is happening?

Palipat-lipat ang paningin ko doon sa lalaking kausap ko lang kanina at sa lalaking na'sa may pinto pa rin na tila naghihintay.

Tama ba ang na'sa isip ko na hindi ang tunay na si Kingston ang kanina ko pang kausap na lalaki?

If he's not the Kingston I thought he was... is he just pretending all this fucking time!?

Hindi ko alam ang ire-reak ko kaya pilit ko na lamang pinatili na kumalma... kung hindi man ang Kingston na may ari ang lalaking kausap ko kanina pa ay alam kong kailangan ko pa rin makontrol ang emosyon ko dahil maaaring 'yong lalaking na'sa may pinto ang tunay na Kingston.

"Hey." Malumayang bati no'ng lalaking niloloko lang pala ako... kung wala lang ang isa pang lalaki na na'sa may pintuan ay malamang sinapak ko na ang kaharap ko ngayon.

How dare him make a fool out of me!?

Does he think he's funny?

Maybe in another life!

Hindi bumati pabalik iyong matangkad na lalaki sa may pintuan at patuloy lamang ang pagtititigan nila ng isa pang lalaki na akala ko ay ang Kingston... wala man lang sumusuko sa dalawang ito at tila naguusap na sila gamit lamang ang mga mata nila.

Mahina akong umubo upang ipahalata sa mga 'to na may tao, na nandito pa rin ako. "Excuse me? Hindi ko alam kung anong nangyayari." Diretsang ika ko na pinipilit na hindi maging masungit ang tono dahil baka mamaya isa pala sa kanila ang magiging boss ko.

Bwisit.

Saan ba ako napasok?

"Oh hey." Bati bigla nong lalaking na'sa may pintuan na tila ngayon lang ako napansin, akala ko ay aalisin niya na rin agad ang paningin niya sa'kin ngunit maya-maya pa ay bigla na lamang itong ngumiti.

Seryosong-seryoso ito noong pagbukas niya ng pinto hanggang sa titigan nila ng lalaking na'sa harap ko pero ang layo-layo na ng itsura nito ngayon sa kanina... para bang ibang tao siya? 

Masayahing bata?

"H-hey?" Patanong kong bati.

What the actual fuck.... where's the one who's gonna interview me anyways?

Magsasalita na sana iyong lalaking na'sa may pintuan ng agad-agad ko na itong unahan. "I was actually called for the second interview? And... I don't know what's happening now." Ika ko na pinapakita ang kaguluhan rin sa mukha ko witouth showing them really how impatient i am feeling right now.

Pinaglalaruan ba nila ako?

I would love to be a part of this company but if they'll keep playing with me I'll rather  just find another possible job.

What I really hate are those slow one. 

"Sorry for all the confusion." Ngiti sa'kin noong lalaking na'sa pinto at doon ko lamang napansin ang diretso niyang puting ngipin, makapal rin ang kilay niya at halatang kakatapos lang maligo dahil sa basa niya pang buhok. "I am Kingston Froi the one who owns this nightclub and will be interviewing you." Ika niya ngunit nawala ang ngiti sa huling sinabi kasama na doon ang paglipat niya ng seryoso niya na ngayong paningin sa lalaking na'sa harap ko.

If he's the real Kingston... then who the fuck is this person in front of me pretending all along?

Hindi ko na tinago ang nararamdaman ko, tutal hindi naman ako ngayon nakikita ni Kingston na siyang magdedesisyon kung makakapasok ba ako o hindi kaya binigyan ko na ng masamang tingin 'yong lalaking kausap ko kanina.

Loving the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon