30 - Officially Together

4.6K 176 16
                                    



We're here in one of the event held for Anabelle's dead... it's been exactly a week since her death at kaliwa't-kanan iyong iyakan at sigaw ng mga estudyante sa pagtawag sa mga irresponsableng Offcials ng school.

Ilang kamatayan pa raw ba ang nararapat upang tumigil na?

Ano daw ba ang ginagawa ng School at bakit patuloy pa rin itong nangyayari?

They're calling justice for poor Anabelle's soul. We're here at the heart of Leysword Academy-- the open ground kung saan nagtitipon ang lahat tuwing may gusto kaming iparating na hinaing sa Academy.

We are all wearing black from head to foot for Anabelle and the other five students who were killed last year. 

Kataka-taka naman talaga... anim na ang nawalan ng buhay pero bakit ni isang hakbang tungo sa hustisya ay wala pa ring nagagawa ang Academy?

Kumikilos nga ba sila... o may tinatago sila?

Ibinaba ko ang ulo ko at ipinatong ito sa balikat ni King. Nandito kasi kami sa isa sa mga bench ng open ground na ito na nakaupo lang since kanina pa kami nagiikot-ikot. "Problem?" Tanong ni King.

"Marami." Malungkot ngunit mahina kong sabi.

"Tell me all bout it. I'll never get tired listening to my girlfriend." Napangiti ako sa tawag nito sa akin... we've been officially together yesterday and I just can't contain my kilig and happiness every-time he's calling me his 'girlfriend'

"Ayoko... ikaw pa? Baka bigla kang mag-freak out. Kilala kita. Masyado kang protective sa'kin." Nguso ko.

"Tangina." Biglang mura nito kaya mabilis kong inalis ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat niya at tinignan ito ng gulat. "Sinong nagbanta sa'yo!?" Tila may apoy na naman na lumabas sa mata nito sa sobrang galit.

Pinalo ko ang balikat nito. "Sabi na e! Wala pa nga akong sinasabi gumagawa ka na ng kwento."

"Sino nga!?"

"'E bakit mo ako sinisigawan!?" Balik kong sigaw dito.

Pumikit siya sandali upang kontrolin lang ang sarili at nang-kumalma na siya ay muling binuksan ang mata niya. "What happened? Why do you know that I'll freak out? Fuck... tell me about it." 

"Wala lang 'yon. Nagbibiro lang ako." Pagsisinungaling ko pero sa totoo lang ay hindi na ako halos makatulog tuwing gabi tuwing iniisip ko iyong nangyari a day after Anabelle's dead.

I swear... iyon 'yong lalaki na sumuntok sa'kin.

Sandali lamang siyang dumaan... hindi ako sigurado pero parang nakatingin ito sa'kin diretso sa mata? Tila ay galit na galit rin ito?

Pero bakit?

Ano bang ginawa ko?

Isusunod niya ba ako kay Anabelle?

Tuwing pumapasok sa isip ko ang mga tanong na iyon ay bigla akong natatakot... hindi kasi pwede iyon... hindi iyon maaari lalo na ngayon na may dahilan na ako upang gumising ng masaya tuwing umaga dahil kay King at sa hinaharap namin... hindi pwedeng bigla na lang akong mawawala.

I can't be Anabelle.

Hindi pede 'yon.

Kita ko ang paghinga ng malalim ni King dahil alam nito na nagsisinungaling ako. Hindi naman nagtagal ang pagtingin ko dito dahil biglang nawala ang pokus ko dito ng makita si Zake sa gilid ng mata ko... sa gilid niya na may kalayuan sa'min na naglalakad palapit sa grupo nito... iyong grupo nilang pangalawa sa Ranking, noong unang buwan lamang nila natalo ang grupo ni Kuya Dave at King. For three months at wala nang pumalit muli kila King.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now