38 - KL Buildings

3.5K 129 13
                                    



It's not the old farmer that we initially thought.

It's just a little girl... well, not literally a little girl, mukhang kasing edad lamang namin ito pero hindi ito ganoon katangkad at balingkinitan ang katawan niya.

She's got that very innocent look in her face.

Her beauty is shining, kahit napapaligiran ako ng mga kagrupo kong sobrang gaganda rin ay iba 'yong ganda ng babaeng nanglalaki ang dalawang mata ngayon at nabitawan pa ang hawak niyang mga gulay dahil sa'min. Sandali siyang tumingin sa may labas na tila naghahanap ng matatakbuhan ng bigla ko itong ngitian

"Nakatira ka dito?" Biglang nahihiyang bumaba ang mata nito at nakayukong tumango. "Uh... akala namin walang nakatira dito? Napadpad lang kami at napagod na kami kagabi kaya... ano, natulog muna kami?" Pagsisinungaling ko dahil alam ko namang sinadya ni King na dalhin ako dito.

"We will just pay you for all the clutter that we made. How much d'you want?" Malamig na tanong ni King sa babae kaya mabilis nalipat ang paningin ng mahiyaing babae kay King at pilit na ngumiti kasabay ang pag-iling. "Are you deaf?" Diretsong tanong ni King kaya siniko ko agad ito. "Fuck." Malutong na murang bulong nito.

Parehas kami ni King napatingin sa babae ng bigla itong yumuko at kuhain ang mga nahulog niyang gulay kung saan nagsigulong ang mga ito... umalis na rin ako sa kahoy na mesa at tinulungan iyong babae. "Sorry." Bulong ko dito.

"O-okay lang... na-nagugutom k-kayo?" Utal-utal nitong tanong kaya umiling ako.

"Ano... aalis na nga kami 'diba King?" Ngiti ko dito pero hindi niya binalik ang ngiti ko.

Why does he have to be rude!?

Kami na nga ang nanggugulo dito!

"Gutom ako." Angal nito kaya mabilis akong naglakad papunta sa kanya upang upang paluin sana ito sa kabastusan niya ngunit bigla akong napahinto dahil nakita ko sa gilid ng mata ko ang babae...mabilis na naglakad ito patungo sa gilid na bahagi ng kubo... nahinto ito sa isang tila malaking kaldero na kahoy at inilabas doon ang dalawang kamote. Malaki ang ngiti nitong bumalik kung nasaan kami ni King at iniabot sa'min ang kamoteng hawak niya. Tinanggap ko agad iyong iniabot niya sa'kin ngunit ng tignan ko si King ay hindi nito kinukuha ang iniaabot ng maliit na babae. 

Unti-unti ay nawala tuloy ang magandang ngiti ng babae at bumalik doon sa may malaking kahoy na kaldero upang ibalik ang kamoteng hindi tinanggap ni King.

Masama ang tingin na ibinigay ko kay King at nang magsasalita sana siya ay nagsimbulo akong 'wag na lang siya magsalita kaya napataray na lang ito sa kawalan. "M-may mais po ako... o kaya p-palakang prito." Muntik ko nang madura ang kinakagat kong kamote sa huling pagkain na sinabi niya kaya umiling akong muli.

"Hindi talaga... aalis na kasi kami 'e. Sorry sa abala huh? Ano bang pangalan mo?" Nakangiting tanong ko.

"M-mahalia... ako si Mahalia."  Napangiti ako sa sinabi nito.

"Pretty name."

"S-salamat po."

"What does it symbolizes?" Sandali itong tila naguluhan pero mabilis ring sumagot.

"A-ang ibig sabihin po no'n ay malambot... parang marupok o 'di kaya banayad at mayumi." Mahina akong napatawa sa sinabi nito dahil bagay na bagay talaga sa kanya iyong mga katangian na sinabi niya pero nakita ko ang muling pagkakayuko nito at bigla niyang tila paiyak na postura.

"Uy! Bakit?" Umiling ito nang nakayuko pa rin. "Mahalia... aalis na kami?" Tumango ito kaya mabilis ko nang hinila ang kamay ni King palabas ng bahay.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now