36 - Extremely Angry

3.5K 137 11
                                    


"Annie?" Pangalawang ulit ni Nanay Lorna habang nakatingin sa'kin na akala mo talaga ay nakikita niya kung sino ako pero.... malamang ay sinundan lamang nito ang pakiramdam niya kaya eksakto siyang nakatingin sa'kin ngayon.

Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi lumabas ang ingay gawa ng hikbi ko pero hindi... hindi ko pa rin na-kontrol at alam kong naririnig na rin iyon ngayon ni Nanay Lorna."Annie?" Pagtatakang tawag nito at naupo na sa kama niya dahil kanina siyang nakahiga. Sandali siyang kumapa-kapa hanggang sa mahawakan niya na ang braso ko at umusog pa siya palapit ng kaunti, nang makalipas ang ilang segundo ay niyakap niya na ako. "N-nahihirapan ka na ba?" Malungkot ang tinig nito kaya kahit hindi niya nakikita ay umiling na lamang ako.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Nanay Lorna at mabilis nang tumakbo para lumabas ng kwarto nang maramdaman kong hindi ko na kaya ang lahat ng emosyon.

I can't breath.

It's just too much.

Nang makalabas na ako ng pinto ng kwarto ni Nanay Lorna ay sumalubong na agad sa'kin si Annie na parang alam na ang nangyari... napailing na lamang ako habang malungkot nitong sinilip si Nanay Lorna. "'Nay... nandito lang po ako... kukuha lang akong tubig." Patungo nito sa loob ng kwarto ni Nanay at lumapit na sa tabi ko. "Ate... kaya mo ba siyang kausapin?"

Napailing na lamang ako. "May iba pa namang oras ate." Kinamot ni Annie ang taas ng ulo niya at malungkot na napangiti. "Lagi ka namang welcome dito kapag handa ka na." 

"I... I want to go home." Ang tanging nasabi ko na lamang.




*****





"Where are you going Makota?" Malamig na tanong ni mommy nang makita ako nitong palabas na naman ng malaking pinto namin, napahinto ako sa paglabas at binigyan si mommy ng pilit na ngiti.

I can't still erase Nanay Lorna's physical form in my mind.

Gusto kong umalis.

Gusto kong takasan ang reyalidad.

I felt really bad.

I want to cool off.

Maybe take a walk? Hindi ko alam... basta gusto kong mapagisa at hindi ko iyon magagawa sa bahay na ito dahil simula pagkauwi ko ay ramdam na ramdam ko ang striktong panonood sa'kin ni mommy at daddy.

"Just--just in the mall mommy... I'll just buy a few clothes for second semester." Pagsisinungaling ko pero alam kong alam iyon ni mommy dahil sa pag-ismid niya.

"I am gonna buy clothes for you when we go to Singapore this week Makota... just like before, you don't need to bother."

"I want to choose my own clothes ma." Tinaas nito ang isa niyang kilay.

"Kakapunta mo lang kila Annie kanina..." Mapait ang boses nito. "Tapos aalis ka ulit? We just got home and we just have seen each other after what? 4? 5 months?Bakit ba alis ka ng alis?" Tila bigla akong nakonsensiya kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"Sandali lang ako my." Marahan kong ika.

'Sandali nga lang ba?' Tanong ng isip ko na hindi ko na lang pinansin.

Alam kong hindi masaya si Mommy sa mga ina-aksiyon ko ngunit napalitan na lamang itong tumango kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon at lumabas na ng bahay.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now