52 - Megane Arselo

3K 118 38
                                    

A/N: TAAS PAA DIYAN NG MGA NAGBASA NG TOXIC LOVE DITO. De joke, iyong chapter kasi na 'to ay konektado sa Toxic Love it happens no'ng chapter 5 - It's showtime until Chapter 6 - My Jax kaya magiging familliar to ng very unti. Haha!

SOUTH KOREA

5 Months after their breakup.

"Daddy is going to be here for his business meeting on Wednesday hindi kaya oras na para makipag-ayos ka sa kanila?" Sandali akong napatingin kay kuya mula sa pinapanood kong Korean TV Show na hindi ko naman naiintindihan.

"Nahihiya ako."

"Kay dad?" Tumango ako at ibinalik na ang pinapanood ko sa television... wala talaga akong naiintindihan sa pinagsasabi nila pero hindi ko malaman kung bakit ako natatawa.

I just searched on the Internet the show's title at nabasang 'Running Man' daw iyon, it's a variety show at marami namang eng-subs sa internet ang kaso ay tinatamad na ako kaya sa TV na lang ako nanonood kahit 'di ko maintindihan ang sinasabi nila.

"You know he loves you Makota." 

"I know."

"Si Mommy... lagi ka niyang tinatanong sa'kin." 

"Really?" Napakagat ako sa ibabang labi.

I felt really bad for them... I know it's my fault pero ang taas-taas pa rin ng pride ko.

Bakit ba naman kasi hindi?

Ayon na nga lang ang tanging pinanghahawakan ko... wala na 'yong puso ko, kinuha niya na at winasak, iyong kaluluwa ko? Matagal nang na'sa dilim.

Pride is the only thing that I have now.

But they're my parents... sila 'yong alam kong tunay na nagmamahal sa'kin.

Napapikit ako ng dalawang mata ko. "Fine. I'll talk to him on Wednesday." Malaki ang ngiting ibinigay sa'kin ni kuya.

"So... see you then sa dome later?" I nodded at nginitian siya.

It's a requirement. Mayroon kasing huling event ang school which is about Mr. and Ms of every school. Sa South Korea pa nila napiling ganapin iyon kaya kami ay walang ibang pagpipilian kung hindi ay dumalo. 

No'ng nang second semester ay may nangyaring exchange program sa apat na school na pagaari ng Larkspur... doon ko rin nalaman na kaya pala bigla akong maraming bagong mukha na nakikita sa school kasama na si Vanessa 'coz she's originally from Siens Muse. Isa lamang ito sa mga napiling exchange student na nalipat sa Leysword. Minsan ay naiisip ko, kung hindi kaya iyon nangyari ay magkakabalikan pa kaya sila ni King? Kami pa kaya sana ni King?

Though, most of the time ay inaalis ko na lamang ang mga ganoong pagiisip. Naaawa na kasi ako sa sarili ko.

"Makota, mag-ayos ka na!" Sigaw ni Pawu mula sa loob ng kwarto namin, kahit dito ay roommate pa rin kami... we're in a famous five-star Hotel in South Korea, nirentahan ito ng whole school kaya lahat ng galing sa Leysword ay dito nags-stay for one week. Iba-iba kasi ang Hotel ng bawat school. It's also like a field trip for us dahil second day pa lang namin at pwede na kaming gumala o gawin ang kahit anong gusto namin after the competition mamaya.

Napahinga ako ng malalim. "Later!" Hindi naman kasi ako matagal mag-bihis at sa totoo lang ay wala na akong paki sa itsura ko kahit na... minsan ay nanghihina ako tuwing nakikita ko ang ganda ni Vanessa.

I don't really care now though.

Hindi naman na ako muling papansinin ni King ano mang mangyari.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now