33 - Annie

3.7K 139 19
                                    


This can't be happening.

Oh my god.

Please... please... gisingin niyo na ako sa panaginip na ito..

Hindi 'to totoo... hindi ito maaaring mangyari.

Paano? Paano?

Nakatingin lamang ako no'n sa babaeng tumawag ng pangalan ko ng unti-unti ay hindi ko na siya makita... hindi ko alam kung bakit biglang lumabo ang paningin ko. Dahil ba 'yon sa tila gripo kong dalawang mata kung maglabas ng tubig? Dahil ba 'yon doon? Hindi ko alam... hindi ko alam at wala akong paki.

Kasinungalingan.

Imposible.

Paano?

Paano ito nangyayari?

Anong kagaguhan ito?

"Ate... ate..." Patuloy na tawag no'ng babaeng kamukha ni Annie na mas matanda na nga lang ngayon. "Ate Princes... i-ikaw 'yan 'diba? Ate... ate..." Alam kong hindi na lang ako ang lumuluha dahil ayon sa boses ni Annie... o sa boses ng kamukha at kaboses ng nakababata kong kapatid ay umiiyak rin siya, nanginginig pa nga ang boses nito at sobrang bigat ng mga emosyon.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napahawak na lamang sa hawakan ng hagdan dahil hindi ko na makaya ang lahat.

Paano?

Paano?

Patuloy pa rin ang mga mata ko sa pagluha na animo'y wala itong katapusan nang makarinig na lamang ako ng mga ingay.

Mga boses.

Sigaw ni Annie?

Boses ni Mommy at Daddy? Hindi ko alam... hindi ko maintindihan at wala akong makita dahil sa mga luha sa mata ko... basta... basta sobrang labo na ng mata ko at wala ng pumapasok sa isip ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako ng isa na namang bangungot... hindi ko alam pero ang alam ko lang ay parang totoo lahat... ang alam ko lang ay sobrang bigat ng puso ko.

"Makota." Boses iyon ni mommy. "Dear please... please okay ka lang?" I don't where I was... ang alam ko lang ay tinawag lang ako ni Annie habang na'sa may hagdan ako pero ngayong nagising na ako at malinaw na nakikita ang buong paligid ay na'sa isa na akong kwarto... sa kama at na'sa harap ko si daddy at si mommy.

"It's..." Nilunok ni daddy ang laway niya at napasapo sa ulo niya. "It's, your sister?" Sa wakas ay tanong na nito.

Umiling ako.

Hindi ko alam... hindi ko talaga alam ang mga nangyayari.

"Makota drink this." Sabay abot sa'kin ni mommy ng isang basong napupuno ng tubig na magalang ko namang tinanggihan.

"Si Annnie... iyong babae, iyong babaeng na'sa tabi kanina ni Kuya Ashton nasaan siya My?" Tanong ko. "My nasaan siya? Please... mommy? Ipakita niyo siya sa'kin, hayaan niyo akong kausapin siya... my please?" Alam kong may tumutulo na namang mga luha sa mata ko dahil sa pagkakalabo ng paningin ko.

Naramdaman ko na lamang ang malalaking kamay ni Daddy na masuyong hinahagod ang likuran ko at ang mga daliri ni mommy na pinupunasan na ang mga luhang tumutulo sa mata kong walang katapusan ang pagluha. "Don't worry about her... hindi... hindi iyon 'yong kapatid mo Makota. Ang tanging kapatid mo lang ay si Kuya Dave at Ashton mo... 'wag mo na lang iyong isipin." Mabilis na nanigas ako sa sinabi nito.

"Annie is my sister My! Hindi mo pwedeng sabihin 'yan. I just want to talk to her. Please mommy." Kahit anong pilit kong pigilan ang sarili kong hindi umiyak ay napahikbi pa rin ako sa dulo...nang tignan ko si mommy ay nakita ko ang pagkagat ni mommy sa ilalim na labi niya at pagtingin sa likod ko kung nasaan si daddy na tila nanghihingi siya ng permiso... makalipas ang ilang segundong titigan nila ay napalabas na lamang ito ng malalim na buntong hininga.

Loving the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon