42 - Belated Happy Birthday

3K 117 12
                                    



Alam kong nabasa na ng maliit na lalaking doctor ang ibig kong sabihin ng makita nito ang ekpresyon kong nagtataka kaya mabilis niya na akong sinagot. "Just 15 minutes ago po inilipad iyong pasyente sa ibang bansa via emergency passport na pinirmahan at pinayagan ng parents ng patient." 

Nanglaki ang dalawa kong mata.

So they knew?

King's parents have been here?

Ito iyong dahilan kung bakit ayaw kong umalis o pumikit ng mata kahit isang segundo 'e! 

Naramdaman ko iyong tila pagtaas ng dugo ko sa galit at sandali akong napapikit ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo sandali.

It's not the doctor's faut.

Ginagawa lang nito ang trabaho niya. 

It's not the doctor's fault... come on, Makota breath.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang dalawa kong mata.

Pero paano ba ako kakalma kung pinaghalong gutom, pagod at antok ang nararamdaman ko!?

Tinignan ko ng masama ang doctor. "Hindi ba delikado iyon sa kanya?" Malamig ang boses kong tanong. "How are you sure na parents niya iyong pumirma ng kung ano mang bullshit na papers na 'yan!?" Sigaw ko na... no, I can't calm no more.

It's King's life we're talking about.

Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa galit. "Ako iyong nagdala dito sa pasyente! Nakita mo naman 'diba!? B-bakit... sa ibang tao ka--" Hindi ko na natapos dahil sa kawalan ng salita. Umupo na lamang ako sa kinauupuan ko kanina bago ako inostorbo noong doctor.

Fuck it.

Where's my King?

Paano ko siya mababantayan ngayon?

Paano ko malalaman kung ligtas pa ba 'siya?

"Ma'am it's on the rule that if the patient can't decide on his own--- which is Patient King Larkspur situation, tanging at tanging ang pamilya lang po nito ang maaari naming sundin."

Sumusukong nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga. "Are you sure na family niya iyong kumuha sa kanya?" Sumusukong tanong ko na.

Nang tumango ang doctor at kung ano-ano pa ang paliwanag na sinabi ay hindi ko na lamang ito pinakinggan, puro kontrata lang at papeles ang naririnig ko dito at wala na akong iba pang maintindihan.

Basta't siguraduhin lang nilang ligtas si King at wala na akong paki sa iba pa.

Wala na akong marinig.

Nahihilo na talaga ako.






*****




Pagbukas na pagbukas ko ng dalawang mata ko ay awtomatiko akong napabangon. "King!? Si King!?" Inikot ko ang paningin ko sa buong lugar upang hanapin siya pero wala... wala... tanging si Kuya Dave at Sarang lang ang kasama ko.

Nang bigla kong maalala iyong nangyari sa Hospital ay para na namang gripo iyong mata ko sa pagluha kaya tinakpan ko iyon gamit ang dalawa kong kamay. 

Loving the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon