11 - FRIEND

7.4K 217 38
                                    


"Fuck you King weak ka pala!" Puno nang mga ganong sigawan lang ang naririnig ko simula ng matapos ang laban namin at manalo ako dahil hindi siya agad nakabangon.

I don't understand why they are degrading him because I won... is it because I am a woman?

I don't to be dramatic kaya hindi ko na lang iyon pinapansin. Maybe... it's just an inside joke.

Kasalukuyang na'sa backstage kami ngayon ni King at naglalakad sa lugar na hindi ko alam kung saan patungo, patuloy pa rin 'yong mga pangaasar kay King ng mga estudyante at staff ng school na nakakasalubong namin, and weirdly mukhang 'di naman siya napipikon at tumatawa-tawa pa nga.

"Is that it?" Basag katahimikan ko ng kaming dalawa na lang ngayon ang naglalakad sa isang makitid na hallway.

"What?" Huminto ito sa paglalakad kaya huminto din ako upang harapin siya.

"Ano nang gagawin ko? I won.... and I am asking you is that it? Wala na ba akong gagawin? Like, pwede na akong umuwi sa bahay ng group ko?" 

Nginisian niya ako kasabay ang pagkibit nang kanyang dalawang balikat. "Ikaw." 

Tinarayan ko na lang siya at isinuklay ang mga daliri ko sa buhok ko. "Sinadya mo." 

"Huh?"

"Nagpatalo ka." Diretso kong sabi... kanina ko pa siya gustong harapin tungkol doon sa laban namin ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon dahil walang tao dito. "And everyone knows it.... they're not stupid King, inaasar ka nila ngayon kasi sinadya mong mapatalo sa'kin. Hindi na tayo bata, alam kong alam mo rin ang iniisip nila." Kinagat ko ang ibabang labi ko matapos ko masabi iyon.

"Ano bang iniisip nila?" He's teasing me.... alam ko iyon dahil sa pagpipigil niyang ngumiti. 

Ipinikit ko sandali ang dalawa kong mata sa inis. Bakit pa ba siya nagkukunwaring inosente? "Iniisip nilang... tayong dalawa or may gusto ka sa'kin." Matapang kong wika.

Sana hindi siya tumawa.

Ano pa bang ibang dahilan kung bakit siya nagpatalo 'diba? 

Nawala ang pagpipigil ni King ng tawa sa sinabi ko, sandaling lumakas ang tibok ng puso ko sa akto nito ngunit mas lumakas lang iyon sa tinanong niya. "Mali ba sila?"

W-what...

Anong ibig niyang sabihin?

Mali ba?

Mali ba ang ano?

"Stop fooling with me. I am not that kind of girl King, humanap ka ng iba na mapaglalaruan mo." 

"Hindi kita pinaglalaruan." Balik na ang itsura nito sa walang ekspresyon at ang mga mga niya.... iyong dalawa niyang mata na makatitig sa'kin na para bang tatakbuhan ko siya any second.

"So... you like me?" 

Lumapit sa'kin si King at dahil sa makitid ang hallway at mahaba ang dalawang hiyas niya ay sapat na ang isang hakbang niya upang magkadikit ang dalawa naming katawan. "Back off." Hindi komportable kong wika pero hindi ko pa rin inaalis ang titig ko dito pabalik... kahit na nakataas ang ulo ko dahil sa tangkad niya.

"D'you want to find out Makota?" Umiling na lang ako at itinulak na ito pabalik, hindi naman ako nabigo dahil hindi na siya nagmatigas pa. 

Naglalakad na ako palayo sa kanya ng mapamura ako dahil napagtanto kong wala naman na pala akong lalabasan or kahit papasukan sa nilakaran ko kaya kahit naiinis ako dahil rinig na rinig ko ang tawa sa'kin ni King ay bumalik pa rin ako sa harapan nito.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now