53 - Sana

3K 134 57
                                    



"Makota are you okay?" Mabilis kong iniangat ang paningin ko sa kadadating lang na si Kuya Dave na na'sa harapan ko na ngayon... I'm just here seating at one of the benches outside the Dome.

Just waiting for him... just silently wishing for the ground to finally open up and swallow me alive.

I just can't with my life.

When will all of this end?

"O-of course." Pagsisinungaling ko. Kita ko ang pagdududa sa mukha ni Kuya Dave at naupo na lamang rin ito sa tabi ko.

"Did you cry?" Napasimangot ako dahil kahit napunasan ko na iyong luha ko bago siya dumating ay napansin niya pa rin iyon, tanging ang pagtango na lamang ang sinagot ko. "He's not worth your tears." Dagdag pa nito.

"It's just... it still hurts." Seryoso ang mukha ni Kuya Dave na napatango na lamang sa sinabi ko.

"You want to go home now?" Napakagat ako sa ibabang labi ko sa tanong ni Kuya Dave at sinilip sa wrist watch nito ang oras.

9:56 PM

"No." Sagot ko sa tanong niya nang makita na ang oras.

"Where d'you to go?" Tanong nito.

Napakibit balikat na lamang ako. "I don't know... maybe, somewhere that will make me forget him even just for just a while?" Napatango si Kuya sa sinabi ko at akala ko may dumi ako sa mukha ko ng bigla niyang ilapit ang kanang kamay niya upang igilid lang pala nito sa tenga ko ang isang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"I know a place... malapit lang dito." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Dave.

"And where is it?" Tanong ko.

"Just come with me." Tumayo na ito at inilahad ang kaliwang kamay niya na tinanggap ko naman. 

Mabuti na lang at hindi kami malayo sa parking-lot area kaya hindi rin katagalan ay nakasakay na agad kami sa kotse niya.

God... King and I always used to driver around provinces... sa mga tahimik na lugar kung saan pakiramdam namin ay kaming dalawa lang ang tao sa mundo... habang nandito ako kasama si Kuya ay hindi ko tuloy maiwasang maalala iyong mga pagkakataon na iyon.

Minsan kaya ay biglang dumadako rin ako sa isip ni King?

Wala lang ba talaga para sa kaniya iyong naging relasyon namin?

How I missed those drives...our moments together that I'll never forget.

Mga pagkakataon na hindi ko masyadong iniintindi dati pero sobrang laking bagay na sa'kin ngayon... mga nagpapangiti sa malungkot kong kaluluwa.

"Why did you stop?" Gulat na tanong ko nang bigla na lang nag-park si Kuya Dave 'e halos wala pa ngang limang minuto ang pagmamaneho nito.

"Because we're here?" Tinignan niya ako kaya napasara ako ng nakabuka kong bibig.

"Agad?"

"Agad." Sagot nito at binuksan na iyong tabi kong pinto ng kotse, nauna akong lumabas at sumunod naman siya.

"What are we going to do here?" Ika ko habang nililibot ang paningin ko sa lugar na binabaan namin.

It's already very dark... gabi na rin kasi ngunit marami pa ring ilaw na bukas dahil sa busy na siyudad ng Seoul, I can see from where we're standing the Seoul's city light and it's very beautiful... pakiramdam ko ay kaya kong tumingin dito ng ilang oras at malunod sa mga pumapasok na alaala sa isipan ko.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now