45 - He's back

3K 113 18
                                    


"Kuya!" Tawag ko kay Kuya Dave ng makita ito sa dagat ng mga estudyante na naglalakad patungo sa kung saan. Awtomatikong napatingin si Kuya Dave kung saan ako nakatayo at nagpaalam  na sa mga kasama nito upang humiwalay. 

I waited for him habang tumatakbo na ito ngayon patungo sa'kin.

We're currently in Math Building, na'sa hallway to be specific at uwian na ngayon ng halos lahat ng estudyante kaya maraming tao ngayon sa hallway na kinatatayuan ko. Alas otso na rin ng gabi at dito ang huling klase ng karamihan ng mga estudyante sa Leysword Academy.

"Makota!" Masayang ngiti nito ng makatapat na ako. Ibinalik ko rin naman agad ang malaking ngiti ni kuya. "You okay?" Tumango ako sa tanong niya.

"Si ano kuya..." Napakagat ako sa ilalim na labi ko at nalipat ang paningin ko sa suot kong itim na sapatos... It's embarassing na tuwing nakikita ko siya ay lagi ko na lang siya tinatanong tungkol kay King but what can I do? He obviously doesnt want to communicate with me...it's been more than a month! MORE THAN A MONTH HAS PASSED! Pero hindi pa rin kami nag-uusap!

Ang huli naming usap ay noong kakabalik ko lang dito sa Academy... hindi pa iyon maayos dahil nga pagod na daw siya at mabilis na nagpaalam. He's not answering any Venus calls or message na rin, tila umiiwas talaga ito at hindi ko alam kung bakit. 

I'm being paranoid.

I'm being crazy.

I don't really know what to do.

"Si King?" Tanong ni kuya kaya nahihiyang tumango ako at pilit na nginitian siya. I felt really bad asking him about King all the time... kasi imbis na kamustahin ko ito ay ayon lagi ang bungad na bati ko sa kanya. 

But what I can do though?

I missed King... gusto ko na siyang tanungin kung anong nangyayari. Is he alright? Does he still... love me? Hindi ko alam.

Kasi ang labo na. Ang labo-labo na talaga.

I've tried so many times calling him pero ni isang beses ay hindi man lang ito sumagot.

I am really confused. Are we still together?

Ano na bang nangyayari sa'min?

May nagawa ba akong mali?

I've been crying every night tuwing nagigising ako sa bangungot ko tungkol kay Nanay Lorna... it's hunting me every waking day at tuwing naaalala ko si King ay mas nalulungkot lang ako imbis na maramdaman ang kaligtasan... dati kasi ay parang isang himala na biglang nawala ang mga bangungot ko ng makilala ko siya, pero ngayon ay hindi na iyon nangyayari. Mas nalulungkot pa ako tuwing naiisip siya kasi nga wala siya... parang ayaw niya na ako kausapin.

"King's still not in the Group House. I'll tell you right away when he come back." Sagot ni kuya na kabisadong-kabisado ko na dahil ayon ang lagi niyang sinasagot.

I faked a smile. "Kamusta kuya?" Tanong ko na tungkol naman sa kanya... even though I don't really care what's happening in his life ay pinipilit ko pa rin magmukhang interasado upang hindi naman ako magmukhang bastos.

"It's rough maintaining the number one rank this first month of second semester. Nawalan kami ng isang member, actually King's not just a simple member, hence, he's the leader but we're doing good. We're all working extra hard to maintain the rank." Tumango ako. 

"We're still in fifth... wala man lang paggalaw." Malungkot na ika ko na hindi naman talaga dahil sa rank namin... I am sad because of King.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now