Chapter 14

2.1K 94 57
                                    


"Whoa, ginulat mo ako doon." Nakahinga kong ika at mabilis ng sinarado ang pintuan ng apartment ko.

Ang akala ko sa ilang segundo kanina ay may nakapasok ng hindi ko kilala sa apartment ko.

Nakangiti akong tumakbo kay Kuya Dave at nang maabot ko na siya ay sobrang higpit ko itong niyakap na mabilis niya ring binalik. 

"I missed you Makota."

"I miss you too kuya." Ika ko at humiwalay na sa pagyayakapan namin, nakangiti kong itinuro dito iyong nagiisa kong sofa sa buong apartment ko upang maupo siya.

Nang tuluyan ng makaupo si kuya ay doon pa lang rin ako umupo sa tabi niya. "Kanina ka pa?" Masayang tanong ko dahil sobrang na-miss ko talaga siya.

"Nope. Kakadating ko lang a few minutes ago, nagiikot-ikot lang sa apartment mo and it seems like you're not living a healthy lifestyle. Hindi at least hinayaan kanila mommy and daddy na maging independent ay pababayaan mo na 'yong pagkain mo, you don't even have a freaking water in your refrigarator tapos 'yong apartment mo? It looks like a big----" Hindi na natapos si kuya sa pagsesermon ng mabilis kong iniligay ang daliri ko sa bibig nito upang harangan ang kung ano mang sasabihin niya.

Whoa, he's really like a mother.

Sobrang galing nitong magsermon.

Natatawa ko na lamang inialis ang daliri ko sa bibig ni Kuya Dave ng manahimik na ito.

"Paano ka nagkaroon ng susi dito?" Usisa ko.

"I stayed here last year remember?"

"Oh, right." Ika ko at sabay sapo sa ulo ko dahil nakalimutan ko iyon.

"How are you?" Ngiti ni Kuya na alam kong nagse-seryoso na.

"I guess. I am fine... ikaw? Kayo ni Sophie kamusta?" 

Mas lumaki pa ang ngiti ni Kuya ng mabanggit ko iyong pangalan ng mahal niya. "Look," ika nito sabay pakita ng isang litrato sa cellphone niya na tingin ko ay marriage proposal  kaya kaagad akong napaanga at sisigaw na sana sa gulat at excitement ng unahan ako nitong takpan ang bibig ko.

"Ssssh," Natatawang saway niya ngunit mabilis ring inialis ang harang sa labi ko.

"You are engaged!? And... you didn't even tell me?" Nanglalaki ang dalawang mata na tanong ko.

Alam mong malayo ka na talaga sa pamilya mo tuwing hindi mo na alam 'yong nangyayari sa buhay nila. As far as I remmeber noong nakaraan, just last year ay nililigawan niya pa lang si Sophie and now they're engaged?

What the actual?

"Does our parents know about this?"

Natatawang tumango si Kuya Dave. "Of course, sila ang unang pinagsabihan ko."

Nagkukunwaring sumimangot ako. "Ganiyan naman kayo 'e... palagi niyo akong kinakalimutan."

Natatawang ginulo na lamang ni Kuya Dave ang buhok ko. "You want to distance yourself didn't you? It's not like it will still be like before, relationship-wise Makota. Syempre you're here in the Philippines and we are in States talagang may mga bagay na hindi mo malalaman or huling malalaman kapag malayo ka na, ito naman gusto mo 'diba?"

Napataray na lamang ako sa sinabi nito. "Sineryoso mo naman ang sabi ko," Ika ko. "Pero seryoso kuya... I am really happy, congratulations!" Sabay yakap ko ditong muli at tumagal 'yon ng ilang minuto bago siya unang humiwalay.

Sandaling walang nagsalita sa amin pero ako ang unang bumasag ng katahimikan matapos ang ilang minuto na katahimikan. "Have you eaten yet?"

"Nope but I am not hungry." Sagot ni Kuya  Dave.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now