43 - Died

3.2K 129 19
                                    


"Ate...." Rinig kong tawag ni Annie sa akin pero pinanatili ko pa rin ang pagpikit ko sa aking dalawang mata kahit naririnig ko ang hakbang nitong papalapit sa akin... kalaunan ay naramdaman ko namang tila lumubog pa ang kama dahil sa pag-upo nito. "Ate?" Muling tawag niya at hinawakan pa ako sa balikat.

"Hindi pa po kayo kumakain simula kagabi, hindi po ba kayo nagugutom?" Tanong nito.

Umiling na lamang ako bilang sagot na hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan ko.

Isang linggo na rin ang nakakaraan nang ilibing si Nanay Lorna. Sinagot ng parents ko iyong lahat ng gastos to help Annie... and me of course but I haven't even talk with my parents yet.

Sinusubukan nilang lahat na kausapin ako pero ano namang sasabihin ko sa kanila?

Wala naman akong masasabi... dahil iyong nagiisang tao na kaya kong pagsabihan ng lahat ng na'sa likod ng isip ko ay wala naman sa tabi ko.

Isang linggo na nga ang nakakalipas pero tila isang iglap pa langlahat iyon na kadadaan lang dahil kahit kakaunti ay hindi man lang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

I am a bad daughter. 

May pagkakataon ako.

May pagkakataon akong matulungan siya... may pagkakataon akong makausap siya noong binisita ko siya upang kausapin sana pero anong ginawa ko?

I ran. I ran like a coward.

Natatakot ako noon kasi... kasi... ayokong masaktan. Ayokong makita na ganoon ang naging buhay nila samantalang ako... samantalang ako ay wala ng iba pang mahihiling.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang magsimula na namang tumulo ang mga luha kong walang katapusan.

Will I get over this feeling of regret?

Sobrang hirap... sobrang hirap na hinahabol ako ngayon ng pagsisi. 

Annie told me that before Nanay Lorna died she talked about me... iniisip raw ni Nanay Lorna kung kamusta na ako, kung masaya raw ba ako at kung naaalala ko pa raw kaya sila, Nanay Lorna doesn't even know that I was there... na bumisita ako sa kanya kasi duwag ako... duwag ako at hindi siya hinarap.

Kaya ano na ngayon?

She's gone... forever.

Why do the gods above hate me so much? Bakit kung kailan naman na akala ko ay nahahanap ko na ang kasayahan ay bigla niyang babaguhin ang kapalaran ko? Hindi ba akong maaring maging masaya lang? Hindi pa ba sapat ang lahat ng sakit at paghihirap na pinag-daanan ko na?

Bakit ganoon?

Bakit kung kailan akala ko ay makukumpleto na ako at masasagot na ang mga tanong ko ay bigla niyang kinuha si Nanay Lorna?

Maybe.... maybe because I am a bad daughter and truly deserved to be punished.






****




"When you need me... just call me, alright?" Malungkot kong nginitian si Kuya Dave at tumango. Matapos ipasok ni Kuya Dave ang lahat ng luggage na dala ko sa kwarto ko dito sa Group House ay nagpaalam na ito upang ayusin rin raw ang mga gamit niya sa Group House naman nila.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now