13 - Teacher

6.5K 210 22
                                    


Hindi ko maiwasan na iikot ang dalawa kong mata nang makita ang mayabang na ngisi ni King.

Why is he always smirking like that? Kina-cool niya na ba 'yan?

Ano bang ginagawa niya dito?

Kung hindi ko lang muling narinig iyong hikbi ni Shin na umiiyak ay malamang baka nasira ko na nga iyong mukha ni King, sa hindi ko malamang dahilan naasar ako sa kanya!

Ang kapal ng mukha niya!

Pagkatapos ng isang linggo na walang paramdam ngayon ay bigla siyang magpapakita?

Napailing ako sa iniisip ko.

What the fuck...

Ano naman kung hindi kami nagkita ng isang linggo?

Sino ba siya?

Ano naman 'diba?

"Hey, papasok pa tayo Shin." Paalala ko kay Shin habang tinitignan siya ng mabuti. I want to comfort her, gusto ko siyang bigyan ng mabubulaklak na salita upang gumaan ang loob niya pero paano?

I've never had a friend back in U.S

Ang tagal na, hindi ko na alam kung kailan pa ako huling nagkaroon ng kaibigan

Masisisi mo ba ako na wala akong kwentang kaibigan ngayon?

"K-king.... He's v-very rude Makota." Pagsusumbong nito kaya mabilis na inilipat ang pansin ko sa nakatayo pa ring si King na na'sa likod lang ni kuya.

"What did you do?" Kalmado ang boses ko pero alam kong seryoso ang buong mukha ko dahil nawala ang nakakaasar na ekspresyon ni King at napalitan ito ng natural na expression niya.

"Nothing." Muli, sa pangalawang beses ngayong araw ay napataray ako dahil sa iisang tao.

The demon.

"Don't worry 'bout him, wala siyang friends kaya nanggugulo." Bulong ko kay Shin pero hindi pa rin ito tumutulo sa pagluha.

Ano ba kasing ginawa ng demonyong 'yon!?

"Makota." Sa wakas ay nagsalita na rin si kuya Dave. Tinignan ko ito. "Parehas tayo ng first class." Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Paano niya nalaman 'yong schedule ko?

"So....?"

"Sabay tayo." Diretso niyang sabi. "My car just arrived here yesterday, mom also told me to drive you ar-----" Hindi natapos na wika nito dahil malakas siyang tinabig ni King, muntik na akong mapamura dahil kung hindi lang mabilis si kuya kumilos at makahawak sa handrail ng hagdan ay malamang gumulong na ito pababa.

"King!" Saway ko dito pero nginitian niya lang ako ng malaki at inalok ang kaliwa niyang kamay na tinignan ko lang.

"Come on babe."

"Babe? Makota ano 'to?" Halata ang pagkairita sa boses ni kuya Dave.

Tangina nang dalawang 'to! Bakit ba nila ginugulo ang buhay ko?

"Pwede ba? Kuya?" Irita ko 'tong tinignan matapos ay inilipat ko naman ang irita kong paningin kay King. "King? Bumaba muna kayo--- please." Mukhang walang balak sumunod si King dahil sa ayos nito pero nang magsimula na si kuya Dave na bumaba ay tila nagdalawang-isip ito.

"King!"

"Eto na!" Napailing na lang siya bago sumunod kay kuya.

Nang mawala na sa paningin ang dalawang lalaking biglang pumasok sa group house namin ay tinignan ko nang muli si Shin.... suprisingly, biglang nawala 'yong luha nito.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now