23 - Say Yes

4.9K 202 36
                                    


A/N: As of now--- Chapter 23 #25 po tayo sa Ranking in Action ohmyyyyyy♥♥♥ Matutulog na sana ako at walang update ngayon kaso natuwa ako 'e hahah. SALAMAT SA MGA NAGBABASA!


"King." Mahina kong tawag na alam kong hindi niya narinig... kung narinig man niya ay alam kong hindi nito iyon pinakinggan.

Who cares about my pride?

Ako naman ang may kasalanan. Ako ang dapat maunang mamansin at humingi ng tawad.

Kinagat ko ibabang labi ko bago humarap kung saan ko nakikita ang likod ni King... papalayo na ito ng papalayo sa'kin  dahil sa tuloy-tuloy niyang paglalakad ngunit alam kong kung sisigaw naman ako ay maririnig niya ako "King!" Sigaw ko na.

Hindi siya tumingin.

"King!" Muli kong sigaw at lakad-takbo na hinabol  na ito. "King!" Muli kong tawag sa pangatlong pagkakataon habang hinahabol pa rin siya... hindi siya tumatakbo at naglalakad lang ngunit sa haba ng dalawang hiyas nito ay kinakailangan kong tumakbo mahabol lamang siya.

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga at pumikit ng mariin na mariin.

This is a bad idea.

Sabi ko na nga ba hindi niya ako papansinin. I knew it... mapapahiya lang ako kaya hahayaan ko na nga lang sana na ganito na lang ang relasyon namin kaso kasi si Venus, ang pilit. 

Nakapikit pa rin ang dalawa kong mata nang simulan ko ng maglakad ng diretso... wala na kaya si King? Mabilis na kaya siyang sumakay sa kotse niya upang iwan ako?

Hays.

Dapat kasi umalis na lang talaga ako no'ng nakita ko siya kanina. Bakit  ba kasi hindi ko pinakinggan iyong bulong ng isip ko?

"Pu---" Muntik na akong mapamura nang maramdaman ko ang sarili kong nauntog. Fuck shit.

Awtomatikong napadilat ang dalawa kong mata at handa na sanang sigawan 'yong tanga-tangang bumangga sa'kin ng makita ko sa harapan ko ang isang itim na t-shirt na unting-unti na lang ay didikit na sa buong mukha ko... obviously hindi lamang iyon t-shirt dahil may nagma-may-ari at nakasuot do'n at base sa amoy? Si King iyon.

Teka---- si King!?

Hindi nga ako nagkakamali nang iangat ko ang ulo ko at makita ang sobrang lapit na mukha niyang nakatingin naman sa'kin pababa... mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at sumimangot ako, medyo umatras rin ako patalikod upang hindi ko na kailangang tumingala makita lamang ito.

"I thought iniwan mo ako." 

"Muntik na."

"Bakit hindi mo tinuloy?" Nakasimangot ko pa ring tanong.

"I don't know."

"Bakit hindi mo alam?"

He shrugged his shoulder. "Why did you call me?"

"I-- ugh, just..."  Ipinikit ko ang dalawa kong mata ng sandali. Sorry. Isang word lang Makota, bakit ba kasi napakataas ng pride mo at hindi mo masabi-sabi?  "I am sorry." Sa wakas ay nasabi ko na.

"You are?" Paninigurado nito at humakbang ng dalawang beses upang isara ang distansiya naming dalawa. "Really?" Tanong pa nito kaya tumango ako.

"Apology rejected." Diretsa nitong wika na wala man lang halong emosyon... hindi ko tuloy alam kung galit pa rin siya o nagbibiro lamang.

"Ganon?" Mapait na tanong ko at tanging pagtango lamang ang sinagot nito. Tinarayan ko na lamang ito sa inis at tinitigan siya ng mabuti.

He doesn't show any emotion.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now