Chapter 17

2.2K 70 29
                                    


Tanghali na noong sa wakas ay makarating na kami sa Batangas, malaki at maganda ang tanawin na tutuluyan namin, hindi tuloy kataka-takang iyong ang nanalong lugar sa botohan ng lahat.

Ayon kay Kaylyn ay libre ang unang araw namin ngayon, we're free to do things, free to explore and go wherever we want to go at bukas pa daw talaga magsisimula 'yong mga games, also according to her ay wala raw exception sa mga laro even her and Kingston will play depende doon sa naatasan for the games.

I am honestly not looking forward to it dahil hindi naman talaga ako mahilig sa kahit na anong bagay if it's include socialization but I guess wala naman na akong magagawa.

I will share a room with three other girls at noong nakausap ko sila kanina ay hindi pa raw sila pupunta sa kwarto kaya naman sa akin na nila ipinahawak iyong susi ng kwarto.

I don't really plan to go anywhere kaya malamang sa malamang ay babawiin ko na lamang iyong tulog ko dapat dahil hindi naman ako makatulog ng maayos sa bus.

Habang naglalakad ako doon sa gusali kung saan 'yong mga kwarto ay marami akong nadaanang mma puno, activities area and even an infinity pool na kaagad nilanguyan ng ibang namumukaan ko. Halos ang lahat ay nagsimula ng magsaya at parang ako lang ang tila matutulog sa kwarto kaya mahinang napatawa na lamang ako sa sarili ko.

Our room is located in the fifth floor kaya ng makita ko ang gusali kung saan kami ay agad na akong pumasok, may mga tao na sa lobby na halos lahat ay alam kong nagtratrabaho for Kingston pero dahil wala akong kakilala doon ay wala sa'king huminto para bumati. Ang tanging socialization lamang na naganap ay 'yong pagpasok ko sa elevator at may bellboy na may mga luggage na inaasikaso, nginitian ko ito noong magkatinginan kami at hinintay na lamang na makababa na ako sa fifth floor.

Hindi rin naman nagtagl 'yon dahil nang magbukas na ang elevator sa fifth floor ay kaagad akong bumaba at dumiretso na doon sa kwartong natala sa amin na mabilis ko lang nahanap.

Nang sa wakas ay makapasok na ako sa loob ng kwarto ay agad kong napansin 'yong balcony, it's pretty as heck kaya 'yong plano kong dapat matutulog agad pagapak na pagapak sa kwarto ay naudlot.

I'll probably tour myself here first, may kalakihan ang kwarto at may sarili pang balcony which is good dahil malamang ay makikita dito ang paglubog o pagsikat ng araw. Nauna kong pinuntahan iyong closet, there are a lot of cabinets at matapos kong magusisa at buksan ang lahat ng maaaring buksan ay dumiretso naman ako sa isang pinto na tingin ko ay ang bathroom.

Hindi nga ako nagkakamali at ng makita ang malaking bathroom, there is even sa small Jacuzzi sa loob na ikinabilog ko ng bibig, this is really nice. Kahit hindi ka na lumabas sa kwartong ito ay tingin ko mage-enjoy ka pa rin, matapos iyon ay sa may balcony naman na ako pumunta at umupo sa iilang upuan na nandoon, hindi beach view ang kwarto namin at ang tila walang katapusan na gubat ang tanaw doon dahil likod itong bahagi ng gusali but still, marami akong nakikitang maaaring gawin na activities sa malawak na lugar sa baba, marami na nga doon ang mga kapwa ko employee na naglalaro ng ng random games.

Nang magsawa ako sa kakatingin lang sa labas ay kinalikot ko 'yong mga complementary foods at nagtimpla ng kape doon upang mainom ko, for some reasons may opposite reaction sa akin ang caffeine imbis na magising ako ay inaantok ako tuwing umiinom ako no'n kaya naman hindi kataka-takang matapos kong makaubos ng isang tasa ay dumiteso na ako sa isa sa mga apat na kamang nandoon at payapang tinuloy ang kanina ko pang balak na gawin, ang matulog.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving the DemonWhere stories live. Discover now