Chapter 9

2.1K 66 35
                                    


"Anong nangyari?" Bungad na tanong sa akin ni Kaylyn pagbukas na pagbukas pa lamang niya ng pintuan ng dressing room.

I didn't answer her.

Pinagpatuloy ko lamang 'yong pagaayos ko ng dala-dala kong bag at paglagay doon ng mga nakakalat kong gamit because if you think that I will stay here after what happened, no way.

"Makota? Umiiyak ka ba?" Tanong muli sa akin ni Kaylyn ngunit mas malapit na ito ngayon. 

Hindi ko pa rin siya sinasagot at ng sa wakas ay matapos ko na ang paglalagay ko ng mga nakakalat kong gamit sa bag kanina ay nagsimula na akong maglakad papunta sa pinto.

"Makota!" Tawag pa muli ni Kaylyn.

"I quit." Maiksing ika ko na lamang bago pa buksan ang pintong... pintong nagbukas na lang ng kusa nang hindi ko pa nahahawakan ang pihit.

Halos mapanganga ako sa kung sino ang nakita ko pero ang tanging nagawa ko na lamang ay iiwas ang mata ko.

I can never look at him straight in the eyes again.

He's demon, just like him.

"Sir Giovanni!" Agad na bati ni Kaylyn at naglakad na rin upang tumabi sa akin at mas malapit nga na makausap si Giovanni.

"Can we please talk privately?" Tanong ni Giovanni, hindi ko alam kung sakin o kay Kaylyn ba ang gusto nitong kausapin but Kaylyn answered him.

"M-makota?" Medyo gulat nitong tanong. 

"Yes."

"S-sige po." Ayon na ang huling sinabi ni Kaylyn bago tuluyang lumabas ng pinto.

I should be scared, who knows kung anong gagawin nito sa'kin? I knew it... he's a creepy one, unang-una pa lang ay alam kong may mali na. Is he in a group too? Those evil group na pumapatay ng mga tao for some fucking reason?

I should be scared but I don't feel anything right now but disgust.

How can they do that?

Dahil nakayuko ako ay kita ko ang sapatos ni Giovanni na gumagalaw, sa pakiwari ko ay sinara niyo ang pintuan at matapos iyon naglakad doon sa may gilid ng kwarto kung saan ay may upuan.

"Did you tell anyone about what you saw? Kaylyn? Anyone?"

Hindi ko siya sinagot.

"Makota." Kalmado pa nitong tawag. "I am asking you." Matapos niya iyong masabi ay tila naghintay pa siya ng ilang segundo sa sagot ko na hindi naman dumating.

"Did you tell anyone?" Ulit niya pero hindi ko pa rin siya sinagot. "Look Makota."

I keep my emotion under control even though I really just want to explode right know.

Nanatili akong nakatayo, nakayuko at hindi gumagalaw sa pwesto ko. 

I won't give him the satistification.

He doesn't deserve that.

"I'm sorry. I was just--- I was just taken aback as you. I didn't actually mean to be rude or sound like some psychop---"

This time ay hindi ko na siya pinatos. "Aren't you already one?" Tanong ko at sa wakas ay hinarap siya, wala na akong paki kung makita niya ang iyak ko, ang dahilan kung bakit kanina pa ako nakayuko.

This is too much for a day.

This is too much for my whole life.

The student that King killed in school is already enough to ruined my whole life, wala akong magawa, wala akong magawa noon kundi ang manood... manood sa lalaking minahal ko at pinagkatiwalaan ko na gumawa ng isang bagay na kailanman ay hindi magiging tama.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now