9 - Knockout?

6.7K 235 40
                                    


Fuck.

Hindi nga man lang pumasok sa isipan ko na maaring ibang miyembro sa grupo ni Kuya Dave ang maaring sumali.... kasi bakit naman 'diba? Kuya Dave is really good at boxing, pinipilit pa nga ito ng trainer namin back in states na i-pursue ang Professional Boxing.

Pero... hindi siya ang lalaban?

Gaano pa kaya kagaling si King?

I AM FUCKING OVER.

"Oh my god Makota. Oh my god. No. No. No. Fuck. No. Not King." Tulalang wika ni Pawu sa tabi ko na 'di man lang maalis ang paningin sa screen kung saan na'sa loob na ng boxing ring si King at malaki ang ngiti.

That fucking smile.

He knew. He is confident.

Dahil alam kong hinihintay na lang ng mga tao ang misteryosong kalaban ni King ay hindi ko na sila binigo pa... kahit malakas ang tibok ng puso ko ay tumayo na ako. Iyong lahat ng ka-miyembro ko ay hindi man lang magawang buksan ang bibig nila ng umalis ako ng row at nagsimula ng lumakad sa may harapan.

I am so fucking nervous. 

I can't even think straight pero tuloy-tuloy pa rin ang lakad ko. Hindi ako ngumingiti pero sobra rin ang pagpipigil ko na hindi tumakbo paatras, kunwari ay kampante lang ako, kunwari ay hindi ako kinakabahan, kunwari ay wala akong mga estudyanteng naririnig na sinasabi kung gaano ako kapatay sa kalaban ko.

I can do it. I can't just quit and let them know how weak I really am. 

Hindi pwede. 

Hindi na nila ako maaaring tratuhin ng ganoon. I can't let them, lalo na sa school na ito kung saan alam ko ang 'lakas' ang basehan ng respeto at galang ng lahat. 

Habang palapit ako ng palapit ay mas lalo kong nakikita ang pigura ni King na diretso nakatingin sa'kin at hinihintay ako. Nawala na ang ngiti nito, tulad noong una ko siyang nakita ay wala siyang emosyon na ipinapakita tanging ang determinadong mukha lang nito na alam kong hindi ako hahayaang manalo.

Gusto kong pumikit sandali at ilabas ang niyerbos kong hininga ngunit alam kong tinititignan na ako ng lahat kaya diretso ko ring ibinalik ang tingin ni King, wala ring emosyon at kunwari ay may kumpiyensa akong kaya ko siyang talunin.

God. Ano bang pinasok ko!?

May staff ng school sa harap na tinanong ako at kinausap sandali pero hindi ko naman iyon naintindihan dahil sa sobrang kaba ko sa loob. Natauhan pa lang ako ng pinapasok na ako sa loob ng boxing ring kung saan tanaw na tanaw ko ang libo-libong estudyante na nanonood sa'min.

"Nervous?" He smirks at gusto kong patayin ang sarili ko dahil nagawa pang pumasok sa isip ko kung gaano siya kagwapo lalo na sa ginawa niyang iyon.

Fuck! 

"King, please don't." Parehas kaming napatingin ni King sa boses na iyon.... kay Kuya Dave. Sa labas ng ring hindi kalayuan ay hinaharangan siya ngayon noong mga staff ng school na kumausap rin sa'kin kanina.

I can't describe kuya Dave's face.

He looks worried,angry and disappointed at the same time.

"Fuck. I'll call your dad King if you won't do me this favor!" Sigaw ni kuya upang marinig ni King, hindi pa naman kami kinukuhanan ng video na pinapalabas sa malaking screen kaya tanging iyong mga na'sa harap lang ang tila may alam ng kaguluhan na nangyayari.

Hindi sumagot si King at mabilis ulit na inilipat ang paningin sa akin.

"I am so scared to ruin your pretty face." Malamig ang boses nitong sabi.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now