32 - Ate Princess

3.9K 149 22
                                    


Are they really the same person?

Is that her?

Pero paano kung nagkakamali lang ako kasi halos pitong taon ko na iyong hindi naririnig? Maari rin namang... maaaring kaboses niya lang iyon.

It's impossible.

Malamang ay nagbago na ang boses niya... but why does it sounds so freaking familiar? Why does that voice remind me so much of my past?

Ipinikit ko ang dalawang mata ko at pumasok na sa kwarto namin ni Pawu, nahinto lang kasi ako sa pagpasok doon nang biglang tumunog ang phone ko. I bit my lips when I remembered what happened in our 'supposed' to be meeting.

Meeting 'yon hindi ba? Pero bakit napunta ang lahat sa'kin? Bakit bigla nilang pinakailaman ang buhay ko?

They're toxic.

Ayoko na dito.

Ayoko sa kanila.

Ayoko sa lahat nang tao na hindi naiintindihan iyong relasyon namin ni King. We're young, we can do whatever we want what's wrong with it? Bakit ang dami nilang dada? Bakit ang daming reklamo?

Nabwi-bwisit na naglakad na lang ako sa may kabinet ko at inilabas doon ang lahat ng mga damit ko, literal na hinagis ko ang lahat ng makita kong akin papunta sa may kama ko. Hindi ko alam kung anong itsura nang mga damit na magulo kong hinahagis basta ay inis ko pa rin iyong tinatapon sa may kama ko.

Nang magbukas ang pinto ay alam kong may pumasok... I don't know who it is but according to that shocked sound, it's Pawu.

"What the---" Gulat na ika nito malamamng ng makita ang kama ko na sobrang gulo at napupuno ng mga damit ko.

I glared at her kaya huminto agad siya sa pagsasalita "I'll put it all in my luggage later." Maiksing paliwanag ko at pinagpatuloy na ang paghahagis ng mga damit kong nakikita sa kabinet sa papunta sa aking kama.

"Y-you're leaving us?" Mahina at hindi makapaniwala nitong tanong. "Makota? Come on, we're just concerned about you and now if that's offended you... we're sorry, we're all sister, remember?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang mapangiti or worse ay mapatawa sa sinabi niya. Nang humarap ako sa kanya ay kontrolado na ang mukha ko. "Someone called from our house... mom and dad are already home and that's where I'm going, bukas na simula ng Sembreak at maari nang lumabas ang mga estudyante." Kita ko ang biglang nahiya nitong itsura kahit hindi niya pinapahalata.

"Ganoon ba?" Ika nito kaya tumango ako. "Ingat ka... pasalubong 'a?" Nginisian ko ito sa pagtatago niya ng pagkapahiya niya.

"Syempre." Sagot ko na lang.




*****



I don't know why I'm feeling rebellious today, pero pagkapatak na pagkapatak pa lang ng oras saktong Oktubre 17, kung kailan maari ng lumabas ang mga estudyante at pumasok sa loob ang mga magulang nila upang sunduin sila ay siya ring labas ko.

I waited in the Academy's gate along with other many students na naghihintay ring makalabas, sakto pa kasing 12:00 nila binuksan ang gate.

I didn't tell anyone that I'm going home, not even King.

Hindi ko alam bakit... I just want to be alone for a while and think?

Malamang kasi na hindi papayag si King na hayaan akong mag-isa at hindi niya hinahatid doon sa patutunguhan ko, paano ako magkakaroon ng panahon sa sarili ko kung kasama ko siya?

Loving the DemonWhere stories live. Discover now