25 - Sungay

5K 178 44
                                    


Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Venus.

Nasisiran na ba siya ng bait?

Nakita ko ang biglang paglunok ni kuya Dave ng laway niya na akala mo ay kinakabahan talaga siya, mabilis kong inialis ang paningin ko kay kuya at inilapat naman iyon kay Venus na prente pa ring nakaupo sa pinakamababang baitang ng hagdan, akala mo talaga ay wala lang 'yong sinabi niya.

"Venus that's not funny. It's gross and unethical, maa-appreciate ko sana kung hindi ka nakikisawsaw sa usapan namin ni kuya." Mahina ngunit may diin sa bawat salitang bigkas ko, sinabayan ko pa iyon ng malamig na titig sa kanya.

She's not funny anymore. 

"Dinadamay niya 'yong pinsan kong wala naman dito para ipagtanggol ang sarili 'e." Pabalik na wika ni Venus. "Bakit 'di mo tanungin ang kuya mo? Natatakot ka kasi baka totoo?" Sabay ngisi nito na akala mo'y nagbibiruan lang kami.

"Shut up." Nangigigil ko ng sabi.

Kailan ba siya tatahimik!?

Kailan niya bang mapagtatanto na seryoso 'yong usapan namin ni Kuya?

Kailan niya ba malalaman na nakakadiri 'yong mga sinasabi niya?

Magkapatid kami!

"Kasi totoo nga?" Tanong nito sa'kin pero mabilis niya ring inilipat ang paningin niya kay kuya Dave. "Hindi ba Dave? Kasi totoo 'diba?" Nalipat na rin ang paningin ko kay kuya Dave na hindi ko na maintindihan ang ekspresyon ng mukha.

Hindi ko alam kung mawawalan na siya ng malay o magagalit na... hindi ko maintindihan ang nararamdaman niya, basta ang alam ko lang ay hindi ito sumagot at nanatiling tikom ang bibig.

Nawala na lamang ang pokus ko kay Kuya ng makita ko sa gilid ng dalawa kong mata ang pagtayo ni Venus, inilipat ko dito ang buong pansin ko, lumalapit na siya ngayon sa'min ni Kuya at nang mapunta na siya sa bandang gitna namin ay huminto siya.

"What can you say Dave? The love of your love just can't fathom all of this because it's UNETHICAL." May pagdidiin ang wika nito sa huling salita na ginaya ang sinabi ko kanina.

I am starting to lost my patient kaya ipinikit ko ang dalawa kong mata ng mariin upang kontrolin ang sarili kong hindi magwala o makipag-hamon na lang ng away sa nawawalan na ng huwisyo na si Venus.

I can't believe her... I just can't believe her. Paano niya 'yan lahat nasasabi?

"Just stop please." Ibinukas ko ang dalawa kong mata at nakitang nakatingin na pala sa'kin ngayon si Venus, nagtitigan kami ng mata sa mata. "Kuya Dave can't even love me as his sister and now you're saying he's loving me romantically?" Hindi makapaniwalang tanong ko at napapailing na lamang.

"He can't love you as his sister because he just don't want to be a brother for you... he want more than that 'brother' title." Inilipat ko na ang paningin ko kay Kuya Dave na nakatingin naman kay Venus.

Kita ko ang pamumula ng mata nito, hindi ko nga lang alam kung paiyak na siya dahil sa galit niya kanina o dahil sa pinagsasabing kabaliwan ni Venus ngayon. "Kuya para matapos na. Tell Venus the truth." Napapagod na ika ko. This is insane.

This shouldn't even be the issue.

Kalokohan.

Fucking crazy.

Mabilis ang pagpikit-bukas ng dalawang mata ni Kuya bago tuluyang dumako na ang mga mata niya sa'kin... halatang kinakabahan ito at nanginginig na ang mga mata kaya ilang segundo muna kaming nagtitigan bago niya pa pinagparte ang dalawa niyang labi upang magsalita. "S-she's right Makota." Ayon lang ang sinabi niya bago nagmamadaling lumabas ng pinto at iwan akong hindi makapaniwala.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now