18 - 3 Demon

6.1K 194 19
                                    


"Makota are you listening?" Mabilis na nalipat ang paningin ko kay Pawu mula sa kanina kong tinitignan na bintana. 

"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin at malungkot na binigyan ito ng ngiti.

"You're probably just really tired, should we leave na ba? Gusto mo na mag-take ng rest?" Tanong ni Shie na nakaupo sa nagiisang sofa ng buong kwarto, sa tabi niya ay nandoon naman nakaupo si Shin.

"No." Mabilis kong sagot. "I am actually glad you guys are here, pangalawang araw ko pa lang dito pero pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa boredom. Mabuti na lang ay lalabas na ako bukas." Palagi namang na'sa tabi ko si kuya Dave ngunit ngayon ay lumabas ito dahil sa bisita ng mga ka-grupo ko. He never leaves me except when I have visitors pero kahit na ganoon ay hindi naman siya nagsasalita... lalo na pagkatapos nang nangyari kahapon, noong umalis si King ay pumasok siya at simula no'n ay hindi na muling nagsalita.

"Narinig ko na sa tagiliran daw sinaksak ang kuya mo? Mabuti ay hindi napuruhan unlike last year sa mga napuruhang students?" Halos lumuwa ang mata ko sa biglang banggit no'n ni Shin.

Kita ko ang mabilis na pagpalo sa kanya ni Shie at mukhang pagbulong rin nito ng galit.

"S-saksak... si kuya Ashton?"

Si Pawu ang unang nakabawi at nagsalita. "W-we're not sure about that..." Kita ko ang pagkaniyerbos nito dahil sa pagsisinungaling niya. "You know, it's just a rumor circulating around the school... h-hindi naman siguro totoo iyon 'diba?" Mabilis akong napapikit sa sinabi niya.

It makes sense.

Kaya ganoon nga ganoon karami ang dugo na nakita ko. Hindi nga ako nagiilusyon... malamang, malamang kung hindi ko siya narinig ay wala na siya ngayon sa mundo.

Fucking hell.

"I knew it... alam ko namang hindi sa'kin sinasabi ni kuya Dave 'yong buong kwento siguro kasi baka natatakot siya na magulat ako but I am fine... it's okay. Don't worry guys, I saw it coming. I saw kuya's bloody body that night, I was just confused if it's reality or an illusion pero alam ko na ngayon." I fake a smile kahit na tila biglang nag-init 'yong mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha na papatak.

Sinong hayop ang makakagawa no'n?

Why would they do that? Bakit nila pagtutulungan si kuya Ashton ng mag-isa? Anong nagawa niya na muntik na niyang ikamatay? 

They're worse than animal.

I saw Shin bite her lower lip na halatang nako-konsensiya dahil hindi niya sinasadyang masabi sa'kin 'yong totoo. "I've already cried a lot yesterday... 'di na ako iiyak. 'Wag na kayong ganyan. Bakit bigla kayong nanahimik? Sabi ko it's fine naman 'diba? Kuya Ashton will survive this... alam ko 'yon." Ika ko upang mapagaan ang tila naging seryoso na mga ka-miyembro ko.

"I am really thankful that you're alive Makota. Ayon sa cousin ko na nag-aaral dito last year ay may killing spree na naganap sa paaralang 'to... lima ang namatay, sunod-sunod na araw. Huling limang araw ng Disyembre iyon nangyari, lahat sila ay may mark sa likod na number '3' na pinapaniwalaan ng mga estudyante na numero ng demonyo." Mahabang paliwanag ni Pawu na kinataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan.

3, a demon number?

What does it symbolize? 

"The scary thing is... ang limang estudyanteng pinatay na 'yon ay dahil sa saksak sa tagiliran, isa lamang iyon ngunit napakalalim. Y-your brother Ashton... kamukhang-kamukha ang kaso niya sa mga pinatay na students last year." Patuloy ni Pawu. "Dave told me not to tell you any of these... pero tingin ko ay dapat lang na malaman mo 'to. Hindi ka kayang laging protektahan ng kuya mo. Kailangan alam mo ang mga panganib na maaring mangyari sa'yo kaya please... please always be careful. Stay out of trouble Makota, kung may marinig kang muling sigaw na pakiramdam mo ay nanghihingi ng tulong? Don't... don't be fooled." Mahaba ang sinasabi ni Pawu ngunit hindi ito pumapasok sa isip ko.

They killed 5 students?

H-how?

How can King did that?




*****



It's been a week since the incident. Mga tatlong araw na rin akong nagpapahinga lang sa loob ng kwarto ko, from time to time ay dumadaan si kuya but he refused to really converse with me... parang tulad na lang kami no'ng dati, balik sa dati... 

Mom and Dad are still with Kuya Ashton in the Hospital, hindi nila ito maiwanan upang mabisita kami dahil siguro sa kalagayan nito... I want to visit kuya Ashton ngunit hindi ako maaaring makalabas ng eskwelahan. 

It makes me wonder how did King and Kuya once got out of the school--- noong pangalawang araw ko ata no'n dito. Probably kasi 'di pa naman noon nagsisimula ang klase.

Still, our school system is fucked up. Hindi ka makakaalis dito unless kailangan lang talaga... tulad ng kalagayan ni Kuya.

The doctor told me that I am actually just fine--- mabuti na lang at suntok lang talaga ang natanggap ko mula sa dalawang lalaki.

I've been doing a lot of thinking lately... am I just hallucinating that time? Maari... maari dahil si King naman talaga ang laman ng utak ko these past few weeks kaya baka siya ang naisip ko that time, sa pagkakakilala ko rin kay King ay hindi niya iyon magagawa.

But I don't know... I don't know him enough.

Ang babaw ng basehan ko especially at nanglalabo ang mata ko no'n, but what can I do? Kuya's been telling me everyday to avoid him at all cause dahil kung hindi? Ay madami pa raw ganitong klaseng insidente ang mangyayari.

I like to think na nasasabi lang 'yon ni kuya Dave dahil magkagalit sila, nagiging protective lang siguro siya sa'kin pero saan nanggaling lahat ng iyon? Saan niya nakukuha? What if totoo? Paano kung kalaban talaga si King?

I don't know who to trust in this school pero I know one thing and that is to never talk to King again, siya man 'yong isa sa dalawang lalaki noong gabi iyon o hindi ay alam kong hindi siya maganda sa sistema ko.

I was liking him... and that's just bad. Noong hindi pa nangyayari ang insidente ay walang minuto na hindi siya pumapasok sa isip ko. Kung sakaling pinapasok ko siya ay alam kong sa dulo iiwan niya lang rin naman ako... just like what they did.

Siguro isa sa mga magagandang pangyayari sa insidenteng ito ay unti-unti kong kinukundisyon ang sarili ko na hindi siya magustuhan. Pilit kong iniisip at pinaninindigan na siya nga 'yong isa sa dalawang lalaki na nakita ko. 

Maybe it's wrong, very wrong  na sisihan siya especially at hindi ako sigurado pero hindi ko talaga siya kailangan sa sistema ko.

Wala na akong balak na may papasukin pa na ibang tao sa puso ko.

I experienced enough pain. 

Siguro... siguro patuloy ko na lang na idadahilan iyong rason ko na parehas sila ng mata noong nakita kong lalaki nupang iwasan ko siya.







If you guys like it please don't forget to VOTE,COMMENT and FOLLOW ME. ♥♥♥  

A/N: Medyo sabaw update??? Alam ko. Sorry huhuh. Sabog ako ngayon pero babawi ako next update. :DDDD Ang toroy na ng comment section natin noong last 2 chapters! AYIEEE ♥ Hehehe nagko-comment na sila. Thank you poooooo~

Follow me on Twitter @Mxrxell let's be friends hehehe ♥


Loving the DemonWhere stories live. Discover now