21 - Apologize

5.2K 178 15
                                    


"Makota?" I am currently here in our boxing class... huling klase ko ngayong araw at linggo. I can't still believe what happened an hour ago.

Did King really just cried?

Am I just seeing things?

Napakagat ako sa ibabang labi ko. I felt really bad, I know, alam ko deep inside na hindi siya iyon... malakas ang pagdududa sa loob ko ngunit pilit ko pa rin siyang sinisisi. 

Napapikit ako ng mariin ng bigla kong muling buksan ang dalawa kong mata ng mabilis dahil sa malakas na tawag ng guro namin sa pangalan ko "Makota!?" Kasabay ng pagbukas ko ng aking mata ay ang mabilis ko ring pagtayo at paglakad papunta sa may harapan.

Halatang inis na 'yong lalaking nagtuturo sa'min dahil kani-kanina niya pa pala ako tinatawag. Napataray na lamang ito sa kawalan. "Choose your opponent."

Nagtatakang napatingin ako dito. Opponent?

"Are you here in this class with us?" Nakakatakot na tanong nito, sobrang lalim ng boses niya at alam kong hindi siya mabibiro, obviously kanina pa pala siya nawawalan ng pasensiya sa'kin dahil sa kawalan ko ng malay.

Opponent? Bakit? Anong gagawin?

Gusto kong magtanong ngunit alam kong hindi iyon makakabuti kaya iniikot ko na lang ang mata ko sa kwarto na napupuno ng mga kaklase ko... natigil ang panigin ko sa kanya, kay Venus.

Yes, she's one of my classmate in this class. Noong unang araw nga lang ay hindi pala siya pumasok dito, I rarely see her, lagi siyang wala kaya tumingin na ako sa guro ko nang makapag-desisyon na ako. "Venus po."

"Venus." Tawag nito. 

Kita ko ang pagtaray ni Venus sa kawalan at ang tinatamad niyang itsura habang tumatayo papunta sa may harapan, tumigil siya sa tabi ko.

Itinuro ng guro namin ang mga boxing gloves na nakalagay doon sa mahabang wooden table, ayun rin 'yong parehas na wooden table na pinatungan ng boxing gloves noong first day. Noong akala ko si King ang teacher namin.

Matapos naming masuot iyong napili naming boxing gloves ay pasimple kong tinitignan si Venus. Alam ko na ang mangyayari... we're going to have a match.

I want to know if she's a good one, not that I am nervous. Lagi namin 'tong ginagawa sa gym namin sa bahay back in States. Lagi kaming pinagtatapat ng  mga nagtuturo sa'min, ang pinagkaiba lang kabisado ko na ang mga galawan nila kuya, samantalang kay Venus ay hindi ko alam kung paano dito aaksiyon.

She looks bored... almost sleepy actually. Tila nandito siya pero 'yong utak niya ay lumilipad sa ibang lugar.

"Get inside the boxing ring." Ako na ang nauna since mas malapit ako doon, sumunod naman si Venus pati ang guro namin upang magsilbing referee. 

"I want a clean fight, we went over the rules in the back, to your corners." Matapos 'yon ay tumabi na ang guro namin at nag-sign na maari ng magsimula.

Ini-stretch ko ang leeg ko at medyo inikot iyon, matalim kong tinignan si Venus na hindi man lang gumagalaw at parang naghihintay lang sa'kin na mauna.

I gave her what she wants.

Lumapit ako sa kanya at nagbigay ng isang jab sa may braso lang nito, just trying kung anong gagawin niya.

Mabilis ang reaksiyon nitong umiwas at nginisian ako. "Come one Makota, I want a good game." Mayabang na sabi niya.

I rolled my eyes.

Loving the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon