5: Problematic

8.7K 242 15
                                    


Papikit-pikit lamang ng dalawa kong mata ang tanging nagagawa ko habang tinititigan ang dalawa niyang mata na kasing kulay ng gabi. 

Nakapatong siya sa akin ngayon at walang pinagkaiba ang ekspresyon niya sa kanina niyang suot, tulad ng kanina ay galit siya, walang nagbabago.

Bakit ganoon?

Bakit bigla na lang nawala ang takot ko?

Habang tinititigan ko ang kamao niyang na'sa itaas na alam kong ilang segundo na lang ay didikit na sa mukha ko ay di pa rin ako natatakot.

Bakit bigla akong namanhid?

Nasaan na 'yong lakas ng tibok ng puso ko noong hinahabol niya pa lang ako?

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay unti-unti ibinaba ni King ang kamao niya sa gilid niya at paunti-unti ring nawala ang apoy sa mga mata nito na napalitan ng awa?

Awa?

Matapos niyang mapigilan ang sarili niya ay mabilis na siyang umalis sa pagkakapatong sa katawan ko at umupo na lang sa tabi ko, ginawa ko rin ang ginawa niya. Umalis na ako sa pagkakahiga sa mga halaman at umupo sa tabi nito.

"Why are you crying? I d-didn't mean it. I was not myself for a moment." 

I am crying?

Nakumpirma ko lang ang sinabi ni King ng makita ko ang tila maliit na liwanag sa madilim na lugar na kinakaupuan namin ngayon ng bigla kong makita ang maliit na patak ng luha ko.

I don't know too King.

"M-maybe I remember him... I am always like that. I'm always scared when someone is going to hurt me but every time they do... I just, I just don't feel it anymore. I'm dumb I guess." Heck, I don't even know I'm crying.

Nine years... nine years pero ganito pa rin ang epekto niya sa akin.

"Who's him?" Tinignan ko ang gilid na mukha ni King habang nagtatanong siya at doon ko pa lang napagtanto kung gaano talaga siya kaganda. I don't even know how to describe him anymore. He's aesthetic, he is unreal. 

Tinignan ko rin ang tinitignan ni King na langit na napupuno ng mga maliliwanag na bitwin. Gabi na rin pala? Gaano kaya katagal iyong habulan namin kanina?

It's crazy. Paano kami napunta sa lugar na ito?

Sobrang ganda... sobrang ganda, kitang-kita sa lugar na ito iyong kabuuan ng langit, walang mga Building or bahay na humaharang, it's an open place. Mga damo lang ang inuupuan namin ngayon.

"Who's him Makota?" Doon pa lang nawala ang paningin ko sa magagandang bituin at mabilis na yumuko upang takpan iyong mga luha na gustong lumabas. "Your ex-boyfriend?" 

Ilang pagpipigil ang ginawa ko upang hindi tumawa o ngumiti man lang sa bobo niyang tanong. I was 8 years old nine years ago.... how can he just asked that?

"No." Ang tangi kong sagot.

"If you don't want to tell me, it's fine. I have secrets too." 

Kinagat ko ang ibabang labi ko at ibinalik na ang paningin ko sa itaas, sa gabi na kasing kulay ng mga mata ni King. "What's your secret King? Tell me." 

"Hence it's a secret babe. It won't no longer be a secret if you know it." Tama nga naman...

"But I'm not your babe." Sabay mabilis kong pagsisisi dahil matapos ko iyong sabihin ay inilipat niya iyong paningin niya sa akin, kahit na sa taas sa langit ako nakatingin ay sobrang unkomportable ko pa rin dahil ramdam na ramdam ko ang lagkit ng titig niya.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now