54 - Beautiful yet cruel

3.1K 129 36
                                    


Wala pang isang linggo simula nang makabalik muli kami sa Academy ng bigla na namang nagbigay ng isang malaking balita ang school... hindi ko pa alam kung ano 'yon pero base na rin sa reaksiyon ni Venus habang binabasa sa sarili niya ang letter na ipinadala ng Academy ay may pararating na namang problema.

"What it is?" Curious na tanong ni Dee at lahat kami ay tanging kay Venus lamang inaalay ang buong atensiyon namin,naghihintay na magsalita ito.

"It's... a fucking bullshit." Hindi makapaniwalang mura ni Venus at napailing pa. "We won't be able to go home tomorrow." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

Opisyal na tapos na ang klase namin at wala na kaming ginagawa ngunit bukas pa nila bubuksan ang Gate upang makalabas ang mga estudyante ngunit anong pinagsasabi ni Venus?

Maayos na kami ni daddy and mommy.... nakahingi na ako dito ng patawad at plano naming bumalik sa States for vacation, bonding and all that sa loob ng dalawang buwan na walang pasok at bukas nang gabi na ang flight namin kaya naman medyo inis ako napanganga sa sinabi ni Venus.

Nang kuhain ni Sarang ang letter sa kamay ni Venus ay binasa niya iyon sandali at napabulalas. "Fuck... it state here that the Top 5 groups should not leave the school premises tomorrow. Pinapapunta rin ang bawat leader ng limang grupo na may pinaka-mataas na punto ngayong semester." 

Napataray ako sa kawalan at napatikom na lang ng bibig dahil wala namang maitutulong kung gagaya ako sa kanila na nagrereklamo.

What's happening?

Ibig bang sabihin no'n ay hindi rin pwedng makauwi si Kuya Dave bukas kasi nga ang grupo nila ni King ang pinaka-una sa ranking?

"Akala ko tapos na 'yong mga pasabog nila... with their surprise activities, remember? Last month, we're all just peacefully sleeping tapos bigla silang nag-announce at the middle of the night that you can fight with literally anyone aside from your roommates and if you won... they'll give your group a point. Wala tayong kaalam-alam habang magulo na pala sa labas. Ayon 'yong dahilan kung bakit hindi tayo nakasali sa Ranking last month tapos ngayon eto na naman?" Halata ang irita sa boses ni Pawu nang sabihin niya iyon na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Okay. We are gathered here because we all thought that this will all be our last night together pero mukha namang hindi so you guys can do whatever you want to do." Wala sa mood na pagwawakas ni Venus ng meeting at nauna nang tumayo upang umakyat sa pangalawang palapag.

"May plano pa naman kami ni Jayce bukas. Fuckshit." Mura ni Sarang at sumunod na kay Venus papunta sa taas.

Kita ko ang lahat ng inis nila habang nagmamasid lang at unti-unti ay sumunod na silang lahat sa dalawang naunang lumisan... akala ko nga ako na lang ang mag-isa na naiwan sa sala ng marinig ko bigla ang boses ni Pawu na tulad ko ay hindi pa rin pala gumagalaw.

"I was told today that my father is gonna re-marry." She said out of nowhere.

Napaanga ang dalawang bibig ko sa sinabi niya at magsasalita na sana ako ng muli kong isara ang bibig ko dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko dito.

Baka mamaya ay makadagdag lang ako sa sakit na narinig ko sa boses niya.

I don't know what to say... I don't even know why she said that to me. 

Hindi ako iyong tipong tao na magaling kumausap upang magpagaan ng loob... sanay akong mag-isa pinoproblema ang lahat at akala ko ay gano'n rin ang iba.

I wish I could comfort her.

Pawu is a great friend and I want to give back the favor. Kinakain pa rin ako ng mga masasama at madidilim na isipan ko tuwing madaling-arawi... it always happens at the middle of the night but she's always there... and I appreciate her so much for that.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now